KAELYNN's POV
Hinila ko 'yung bagahe ko palabas ng pinto, kasabay ng pagkapit ng mga maliliit na kamay sa damit ko.
"Ate Runo aalis kana ba? Mamimiss ka namin wag ka nang umalis." lumuhod ako para yakapin sila isa-isa, sila 'yung mga batang inaalagaan ko rito sa ampunan at tinuring ko na ring kapatid, pare-pareho kaming iniwan ng mga magulang namin sa bahay na ito kaya alam kong masakit ding iwanan ko sila ngayon, ganito rin kaya ang naramdaman ng mga magulang ko ng iwan nila ako sa bahay ampunan na 'to?
"Dadalaw ako isa pa hindi naman gaano kalayo ang pupuntahan ko." nagsinungaling ako, sa totoo lang sobrang layo ng pupuntahan ko at baka hindi ko nang magawang dalawin sila dito dahil sa magiging katulong na ko sa ibang pamilya na pagsisilbihan ko.
Mamimiss ko sila, pero kailangan eh. Pangako ko pagnakapag-ipon na ko dadalawin ko ulit sila rito pero mas masaya kung wala na sila dito, sana bawat isa sa mga batang ito may umampon hindi katulad sa'kin na lumaki nasa bahay na ito na wala man lang balak na kumupkop.
"Mag-iingat ka doon Runo. isa pa pala nagpaalam ka na ba kay Red?" Umiling ako at tinignan yung bintana sa kwarto ng best friend ko.
"Ayaw niya po akong pansinin nung nalaman n'yang aalis ako, kaya pakisabi na lang sister mamimiss ko siya." tumango si sister at bumitaw na ko sa yakap ng mga bata.
Kumaway na ko sa kanila at sumakay sa tricycle papuntang sakayan ng bus, malayo layo daw kasi ang bahay ng mga Lockhart at kailangan ko pang magtatlong sakay.
Bago ako tuluyang umalis ng ampunan muli ko sinulyapan ang bintana ng kwarto ni Red, at nakita ko siya doon nakasilip at masama ang timpla ng mukha pero na gawa niya pa rin akong kawayan, napangiti na lang din ako at kumaway sa kaniya.
Mga tatlong oras o apat ata bago ako makarating sa lugar ng mga Lockhart, sumakay pa ko ulit ng tricycle dahil malayo pa sa bayan ang bahay nila at na sa taas daw ng burol ito.
"Miss dito na lang ang kaya ng tricycle ko masyado ng matarik ang dadaanan natin kaya hindi na kaya, maglakad ka na lang at makikita mo ang malaking gate nila d'yan." tumango ako at nagbayad na.
"Sige po salamat." ngumiti ako at tumango lang siya pero parang kakaiba ang tingin ni manong na parang ayaw niya kong tumuloy.
Medyo kinabahan naman ako sa tingin na 'yon kaya lalo akong na madali papunta sa bahay na pagtatrabahuhan ko, mga 10mins ata bago ako makarating doon at hingal na hingal ako dahil sobrang tarik ng daan para na din akong umakyat ng bundok eh dala ko pa 'tong mga gamit ko kaya pagod na pagod na talaga ako ng maabot ko ang patag na lupa.
Bumungad sa'kin ang napakalaking gate at hindi mo matatanaw ang bahay sa loob dahil madami pang puno sa harap. Medyo kakaiba ang garden nila kasi parang gubat na pagpumasok ka sa gate na ito.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa napakalaking gate.
"Kaya ko 'to!" at pinindot ko ang doorbell saka lumabas ang dalawang guard doon sa gilid ng gate at tinignan ako maige, pero parang walang buhay ang mga mata nila at nakatodo simangot pa, medyo kinabahan tuloy ako.
"Ah magandang hapon po, ako nga po pala ang bagong katulong dito mula sa manila ito po yung sulat na pinadala samin para mag-apply ng katulong." kinuha nila ang sulat at pinapasok ako sa loob.
Kinuha nung guard yung dala kong maleta at iba pang bagahe saka ako pinasunod sa kaniya, hindi sila nagsasalita kaya medyo na awkward ako sa kanila, ganito ba talaga katahimik sa lugar na ito?
Pumasok kami sa malagubat nilang hardin at paglagpas mo doon ay tatambad sayo ang nakapadaming pulang rosas at malaking fountain sa gitna ng hardin, at sa lugar na ito makikita mo na ang napakalaking mansion ng mga Lockhart, kulay puti, pula at ginto ang mga kulay na makikita mo dito sobrang ganda at ang aliwalas ng mansion parang bahay ng mga hari at reyna. Manghang mangha ako sa nakikita ko kasi kadalasan sa mga story book at TV ko lang nakikita ang mga ganitong kagagandang bahay.
Natulala ako at bigla akong kinalbit nung guard sabay turo sa isang pinto doon sa gilid ng mansion, akala ko doon kami papasok sa main door at may magwe-welcome sakin pero yaya nga pala ang role ko dito hindi prinsesa.
Napabuntong hininga ako at pagpasok namin sa mansion biglang bumaksak ang expectation ko, 'yung maaliwalas na tanawin sa labas ay kabaliktaran ng kung ano ang nasa loob.
Sobrang dilim dito sa loob at na pupuno ng kulay pula itim at puti na bagay, lahat ng bintana ay may makakapal at mahahabang pulang kurtina na nagtatakip sa sinag ng araw mula sa labas, at ang tanging magbibigay liwanag lang sayo dito ay ang malaking chandelier sa taas.
Iniwan ako nung guard at may pumasok na isang matandang babae na nakamaid uniform din, tumango siya sa'kin at pinasunod ako sa kaniya.
"Ako nga pala si Mila, ako ang head dito sa bahay at ituturo ko sayo ang mga dapat at hindi dapat mong gawin." tumango ako, medyo kinabahan ako sa kaniya dahil napakawalang buhay niya magsalita at mukhang istrikta.
Pero ang ganda niya, imbis na maputi na ang buhok niya dahil sa katandaan sobrang itim na itim ito, pulang pula ang labi niya at brown ang mga mata. Ang ganda niya kahit may edad na."Ito ang kwarto mo." pumasok kami sa isang kwarto dito malapit sa kusina at sala sa ibaba ng malaking hagdan.
'Yung kwarto ko ang ganda, akala ko may makakasama ako matulog dito pero iisa lang ang kama, pati ba mga maids dito kaniya-kaniya ang kwarto? Ang bongga naman!
"Ibaba mo muna ang gamit mo diyan at ililibot kita sa mansion saka ko ipapakilala sayo ang magkakapatid." tumango ako, bawat paglilibot namin sa mansion ay may nakakasalubong akong ibang maids, lahat sila babae at ang gaganda kaso parang wala ng buhay ang mga mata nila at ang puputla, siguro dahil na din sa walang nakakapasok na liwanag sa mansion na ito kaya ang puputi nila? Puputi rin siguro ako dito kasi aircon!
Natapos niya na kong ilibot sa mansion at nailista ko na rin ang mga bawal at pwedeng gawin dito sa bahay, medyo napakadaming bawal at isa pa bawal din akong lumabas ng mansion ng walang paalam.
"Halika dito at ipapakilala ko sayo ang mga master mo." napalunok ako at sinimulang kababan.
*tok tok*
"Pumasok kana ate Mila." binuksan niya ang pinto at nagbow, napabow na rin tuloy ako at pag-angat ng ulo ko nakita ko ang apat na magkakapatid.
"Upo ka dito Ms, Alberona." tumango ako at umupo sa harap nila saka lumabas si ate Mila.
"Ako nga pala ang panganay na anak, ako si Daryl Lockhart."
Ang pogi niya, ang cool niya tignan at mukha siyang istrikto na lalaki, siguro siya yung businessman sa kanila magkakapatid, ang magmamana ng kompanya nila.
"Ito naman sila Danrious at Daniel." nagpeace sign sa'kin yung kambal pero mukha silang bored pero ngumiti na lang ako sa kanila.
Yung mata nilang dalawa parang ang daming meaning pagtinitigan mo, at magkamukhang magkamukha talaga sila, pano ko malalaman kung sino si Sir Danrious at si Sir Daniel sa kanila?
"Yung right side ang hati ng buhok ay ang panganay, si Danrious at yung left side naman ay si Daniel." na bigla ako kay Sir Daryl, nababasa niya ba ang nasa isip ko?
Nagulat naman ako ng biglang may humatak sa damit ko at pagtingin ko nakita ko ang pinaka cute na nilalang sa buong mundo!
"Siya naman ang bunso naming kapatid si Darenn, three years old lang siya. Makulit at pilyo 'yan kaya pakialagaan maigi okay?" tumango ako at gusto ko siyang buhatin at yakapin.
Ang laki-laki ng bilog n'yang mata at ang inosente ng mukha niya, nakakagigil talaga, hahawakan ko na sana siya para buhatin kaso bigla niya kong kinagat sa kamay at tumakbo sabay dila sa'kin. Nanlaki ang mata ko at nagsitawanan ang kambal, napahawak ako sa kamay ko at lumabas ang kakaunting dugo dito.
"Aray," piniga ko iyon para lumabas pa yung dugo at mapunasan ko ng maayos, kaso parang biglang bumigat ang pakiramdam ko at pagtingin ko sa tatlong magkakapatid nakaiwas ng tingin sa'kin si Sir Daryl at papalapit na sa'kin si Sir Darious samantalang nakangisi naman si Sir Daniel sa'kin.
"Patingin nga." nagulat ako ng agawin niya ang kamay ko sa'kin at tinitigan ako sa mata, kinilabutan ako sa sandaling 'yun at ngumisi siya sa'kin saka dinilaan ng mainit n'yang dila ang dugo ko.
Biglang umakyat ang takot sa katawan ko at hinila pabalik ang kamay ko sabay tago sa likod ko.
"Ah okay na po ako, sige po aalagaan ko na po si Sir, Darenn." Tumakbo ako palabas ng pinto at nakita ko si ate Mila na nag-iintay sa'kin sa gilid.
"Halika na dito, pumunta kana sa kwarto ni Sir Darenn." tumango ako at habang binabaybay namin ang daan papuntang kwarto ni Sir Darenn, hindi mawala sa isip ko yung ginawa sa'kin ni Sir Danrious kanina at kung pano nila ako titigan.
Kinikilabutan ako sa kambal na 'yun, mabuti nang umiwas ako sa kanila kaso nga lang silang apat ang trabaho ko dito. Iyon ang ibinigay sa'kin trabaho ang alagaan at sundin ang utos nila, sana kasi sa kusina o sa bahay na lang ako na toka, pero wala eh request nila iyon.
Medyo kinakabahan tuloy ako at iniisip ko kung makakaya ko ba 'to?
Teka Kaelynn kakaumpisa mo pa lang susuko kana? Hindi pwede ito kailangan kong kayanin ito.
❦❦❦
Sa Loob ng silid kung saan nandoon ang tatlong magkakapatid.
"HAHAHA—pano ba yan Rious hindi tumalab ang s*x appeal mo sa bagong chimay natin hahaha," pagtawa ni Daniel sa kakambal niya.
"Gag* ka ba kung hindi tatalab ang s*x appeal ko sa kaniya edi sayo rin bobo mo kambal tayo, mahiyain lang siya tignan mo susuko rin 'yan satin." ngumisi ang kambal at tuwang tuwa sa bago nilang laruan.
"Tigilan niyo 'yan Darious! Daniel! Hirap na hirap na kong maghanap ng mga maids na mag-aalaga kay Darenn kaya wag niyo agad gagalawin ang isang 'yun," sabi ng panganay nilang kapatid, habang nagbabasa ng libro.
"Tsk! no fun!" Bored na sabi ni Danrious at buntong hininga nito.
"KJ talaga 'yan tara na Rious." at lumabas na ang kambal sa kwarto.Napahawak naman ang panganay sa noo niya sabay iling.
"Tsk! muntikan na 'yun, ang bango ng dugo niya."
TO BE CONTINUED