KAELYNN's POV
Nanlaki ang mata ko at napaurong, bigla akong kinabahan sa ikinulos niya.
Baka katulad din siya ng kambal kaya kailangan ko mag-isip ng magandang palusot.
Ahh— tama!
"Ah Sir kaso bantay ko pa po si Sir Darenn baka hinahanap na ko nun." napangiwi ako sa kaba kung kakagat ba ang palusot ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa'kin nang normal at tumayo sa upuan niya, napaurong ako sa takot at tinakpan ang dibdib ko.
"Easy hindi ako katulad ng kambal, doon mo ko imassage sa kwarto ni Darenn para hindi ka mahassle okay?" Nakahinga ako ng maluwang at ngumiti sa kaniya.
"Sige po Sir." Hindi siya katulad ng kambal, alam ko sa itsura pa lang ni Sir Daryl hindi niya na kayang pag-isipan ka ng madumi at masama.
Mukha kasi siyang matino at workaholic na tao kaya siguro mataas din ang standards niya pagdating sa pagpili ng babae, sure ako hindi niya ko papatulan kahit ilantad ko pa ang sarili ko sa kaniya, hindi katulad ng dalawang iyon mapangharass nakakainit ng dugo.
"Tara na." sumunod ako sa kaniya papunta sa kwarto ni Sir Darenn, pagbalik namin doon nakasilip siya sa labas at bukas ang malaking bintana nila, hindi ko alam bakit biglang napaurong si Sir Daryl at lumabas ulit ng kwarto.
"Kaelynn paki sara ang bintana, nasisilaw ako." tumango na lang ako at lumapit kay Sir Darenn.
"Sir sara muna na'tin ito ah papasok si kuya mo." tumango siya at bumalik ulit sa pagkukulay, binuksan ko na lang ang ilaw sa kwarto at pumasok na si Sir Daryl.
"Sir may sakit po ba kayo?" dahil sa curiosity bigla na lang lumabas sa bibig ko iyon.
"Ah wala, masakit lang ang mata ko kakatitig sa screen ng laptop kaya na silaw agad ako." Eh ba't na alis sila tuwing paglubog ng araw? Madami pa talaga akong tanong na hindi ko masagot dahil sa mansion na ito eh.
"Wag mo nang isipin 'yang mga iniisip mo ngayon halika na dito at hilutin mo ang likod ko." tumango ako at humiga siya sa kama ni Sir Darenn, hinilot ko ang likod niya at hindi na lang iniisip ang bilis ng t***k ng dibdib ko.
Ayoko nang pansinin 'tong crush ko kaya Sir Daryl baka lumala pa, ako rin ang kawawa.
"Pwede mo bang tapakan ang likod ko?" Nagulantang ako, oo ginagawa ko iyon sa ampunan kaso nung bata pa ko eh ngayon malaki na ko baka bumigat na ko.
"Kaso Sir baka mabigat na ko eh, baka mabalian kayo." tumagilid siya at tumingin sa'kin.
"Payat lang ako pero trust me hindi ako mababali sa bigat mo," ngumiti siya ng nakakaloko 'yung tipong mapang-asar kaya parang kinilig ako.
Jusssmeee ang pogi naman kasi ng amo ko, bakit ganito!
"Okay po." napalunok ako at patay malisya na lang sa nararamdaman ko at inayos ang tatapakan ko, tumapak na ko sa kama at isang hakbang na lang tatapakan ko na ang likod niya ng biglang bumukas ang pinto.
"Bro kung gusto mo ng tatapak sa likod mo mas magaan 'tong si Darenn." nagulat kami sa pagdating ng kambal at kinuha ni Danrious si Sir Darenn at inilagay sa likod ni Sir Daryl.
Napangiwi ako at ngumiti lang si Sir Daryl "Oo nga no hahaha, tapakan mo pa nga ang likod ko Darenn." inalalayan ko si Sir Darenn at tinapakan niya ang likod ng kuya niya pabalik balik.
Pero habang nage-enjoy silang dalawa magkuya nakaramdam naman ako ng masamang tingin galing sa kambal.
"Hoy mamaya kami rin paki massage," sabi ni Danrious na nakatitig sa'kin ng masama, tumawa naman si Daniel at nginitian ako.
"Next kami Kaelynn punta ka na lang sa room ko." hindi pa man sila tuluyang nakakalabas sa pinto tumingin ulit sa'kin si Danrious at sumagitsit na parang inis na inis.
Natapos ang pagmamasahe namin ni Sir Darenn sa kuya niya at bumalik na ulit sa trabaho si Sir Daryl, nakahinga ako nang maluwang at niyakap si Sir Darenn.
"Sir Darenn thank you samahan mo ko sa dalawa mong kuya?" Sabi ko sa kaniya at umiling siya.
"Bakit naman? Ayaw mo ba? Kawawa naman si ate Kaelynn oh." tinuro niya 'yung kinukulayan niya kaya nagbuntong hininga na lang ako.
"Sige na nga pero sundan mo ko sa kwarto ng mga kuya mo pagtapos ka na diyan ah, takot kasi si ate sa kambal hehe." inirapan niya ko at tinanggal ang braso ko na nakayakap sa kaniya saka bumalik sa pagkukulay.
Ang taray talaga nitong batang ito, pero okay lang cute naman siya mapapaamo rin kita. Pero gusto ko talaga siyang isama sa kwarto ng mga kuya niya para walang magawang kababalaghan 'yung dalawa na iyon at isa pa natatakot ako sa tingin ni Sir Danrious.
Umiling ako at huminga nang malalim, hindi pwede Runo hindi ka pwedeng matakot sa mga m******s na iyon.
Tumayo ako at kinumbinsi ang sarili ko saka nagpaalam kay Sir Darenn.
"Bye-bye Sir Darenn, hindi mo ba ko mamimiss? Samahan mo na ko." hindi niya ko pinapansin kahit lingunin man lang.
Napabuntong hininga ako at umalis na ng kwarto niya, binaybay ko ang mahabang pasilyo ng bahay, sa magkatapat na pinto sa kanan ay ang kwarto ni Sir Danrious kaso hindi niya rin ito madalas na ginagamit dahil ayaw nila magkahiwalay na dalawa.
Siguro masaya rin magmakaroon ng kambal kasi lagi ka may kasama simula ng nasa tyan ka palang ng nanay niyo magkasama na kayo haha.
Huminga ako nang malalim at kakatatok pa lang ng biglang bumukas ang pinto at hinila nila akong dalawa papasok.
"Kaelynn! Ang cute-cute mo talaga." niyakap ako ni Daniel at kiniskis ang pisngi niya sa pisngi ko.
Clingy ng isang ito sarap sakalin.
Inilayo ko ang mukha niya sa mukha ko at sinamaan siya ng tingin."Sino mauunang hihilutin ko?
Dalian niyo may bantay ako." mataray at nagmamatapang tapangan kong sabi sa kanilang dalawa. Ngumisi si Daniel at hinila ako sa kama.
"Ako muna Kaelynn galingan mo ah." inirapan ko siya at hinampas sa likod, natawa siya at humilata sa kama na parang bata.
"Ang tapang mo talaga Kaelynn nagagawa mo na kong hampas hampasin kahit isa ako sa mga master mo dito."eh hindi ka naman kasi kagalang galang.
"Ahaha." tinawanan ko na lang siya epal kasi ayoko talaga magtagal sa kwarto na ito, pagtapos nilang kunin ang halik ko kahapon.
"Kaelynn diinan mo pa." kaya diniinan ko talaga ang kamay ko sa likod niya ng masaktan nga, kaso parang walang epekto.
"Sa kabila Kaelynn ahhhh babaan mo pa pakibigatan." napapailing na lang ako ang ingay niya kasi.
"Baba pa Kaelynn ahhh ang sarap."naiirita na ko ah.
"Baba pa Kaelynn." hinampas ko ang pwet niya kasi gusto niya lang hawakan ko ang pwetan niya eh kaya nagulat silang dalawa sabay tawa.
"Hahahaha hinampas niya pwet ko Rious! Sheet sarap isa pa!" na bwisit ako at tumayo na.
"Aalis na ko pinagtitripan niyo na naman ako eh" na bigla ako ng hawakan ni Daniel ang braso ko at hilahin pahiga.
"Rious," sabi niya sa kambal at lumapit ito ng may bored na expression sa mga mata niya.
"Aalis kana ng hindi pa natatapos ang trabaho mo? Pero kay kuya Daryl kanina talagang dadaganan mo pa siya? Baka gusto mong siya ang dumagan sayo malandi ka." nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya.
"Anong sabi mo?" Ngumisi siya at tumitig sa'kin.
"Sabi ko malandi ka." napakagat ako ng labi sa inis at akmang sasampalin siya pero bigla n'yang pinigilan ito.
"Sasampalin mo na naman ako katulad kahapon? hindi na pwede! Tandaan mo wag kang lalandi sa kuya namin kung ayaw mong mamatay ng maaga." sumikip ang dibdib ko sa panglalait na sinasabi niya sa'kin.
Ako malandi? Pero hindi naman masamang humanga ka sa isang tao ah, isa pa trabaho ko ang ginagawa ko kanina.
Nagpipigil akong umiyak at nanginginig na ang labi ko at sumasakit ang lalamunan ko.
"Tandaan mo ito Runo, kami lang ang pwedeng humawak sayo dito at isa pa wag mong pangarapin na magugustuhan ka ni kuya Daryl okay? Tignan mo nga sarili mo isa kang low life isa ka lang container." sobrang panglalait na ito, alam ko namang mahirap at katulong lang ako sa mansion na ito pero tao pa rin ako hindi nila ako dapat minamaliit, at anong container?
"Atan si ate." biglang lumagapak ang pinto at nakita namin ang maliit na batang nakatindig maigi sa pintuan.
"Sir Darenn." hindi ko na pigilan umiyak, ewan ko ba pakiramdam ko kapatid ko siya na pinagtatanggol ako.
Lumapit siya at hinawakan ang palad ko, sumimangot siya sa kambal at binitawan ako nung dalawa.
"Ala na kong totoloran," sabi niya sa'kin habang nakatingala at ako napahawak na lang sa bibig ko at nagpipigil na umiyak, tumango ako at hinayaang hilahin niya ko palabas ng pintuan.
Narinig kong nagbuntong hininga si Sir Daniel at ang huling bulong ni Danrious.
"Mamaya ka sa'kin." hindi ko na sila nilingon at nagpipigil lang umiyak, kahit anong gawing tapang pa ang ipakita ko sa kanila wala pa rin, mas mataas sila sa'kin kaya inaapak apakan lang nila ako.
Pero hindi ko matanggap 'yon, lalo na 'yung wala akong kalaban laban sa kanila kanina, bakit ba lagi nilang ipinapamukha sa'kin na wala akong magagawa?
Na mahina lang ako? Napatigil ako sa paglalakad at napaluhod sa sahig ng pasilyo, nakakahiya na kikita pa ko ng maliit na bata na umiiyak.
"Tahan na ate." pinat niya ang ulo ko at timingin ako sa kaniya, at sa unang pagkakataon nakita ko siyang ngumiti sa'kin at napayakap na lang ako sa kaniya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad pabalik ng kwarto niya, parang ayoko na tuloy lumayo sa tabi ng alaga ko, feeling ko safe ako sa tabi niya at siya ang big bro ko na ipagtatanggol ako kahit pa mas maliit pa siya sa'kin.
Pumasok kami sa kwarto niya at sinara niya ang pinto saka ako hinila paupo sa palaruan niya, binigyan niya ko ng isang teddy bear niya at binuksan niya ang bintana.
Pumasok ang preskong hangin at liwanag ng araw sa kwarto niya, tanaw sa malaking bintanang ito ang bakuran sa likod ng bahay nila at na bigla ako.
"Dagat ang likod nito?" Napatayo ako at lumapit sa bintana, dito tanaw ang mapunong garden nila at paglagpas mo doon ay ang malawak at asul na asul na karagatan.
Sa gilid ay may matatanaw kang patag na daan papuntang bayan, tumingin ako sa kaniya at nakatitig lang din siya doon sa labas habang hawak ang isa din sa mga stuffed toy niya.
"Gusto mong lumabas?" tanong ko sa kaniya at paglingon niya sa'kin nakita ko ang nagniningning n'yang mata na kahit sino ay hindi makakatanggi.
"Sige mamaya hapon papaalam tayo kay kuya Daryl mo." umiling siya at sumimangot.
"Di tayo tatayagan." binalik niya ang tingin niya sa labas ng bintana, nakakagaan ng pakiramdam ang view mula dito. Nakakaawa lang na hindi siya nakakalabas sa mansion na ito.
Kaya siguro ang putla-putla niya rin kasi hindi na siya na sisinagan ng araw at nakakapaglaro sa labas, hindi kaya dahil din sa hindi siya makalabas ay wala siyang kalaro kaya ganito na lang siya kasungit?
Ang tanong kahit minsan ba nakasalamuha siya ng ibang tao?
Nakumbinsi ko na ang sarili ko at binuhat siya, kumapit siya sa'kin at nginitian ko siya.
"Lalabas tayo mamaya promise." kininditan ko siya at nag "shhhh"
"Basta atin lang 'to," tumango siya at niyakap ako ng mahigpit, aalis naman si Sir Daryl mamayang 3pm at sure ako busy ang kambal, wala ring paki ang mga maids dito basta may ginagawa sila kaya si ate Mila lang talaga ang tatakasan namin.
"Okay, Sir secret nating dalawa ito okay?" At muli nakita ko ang cute n'yang ngiti.
To be continued
AN: nasa media po yung picture ni Runo, yung human version haha. Anime po kasi gamit ko dito. Siya po si Ema Fujisawa paki search na lang po ang ganda niya super.
Ito naman po 'yung anime version niya para maimagine niyo rin.
Thanks po sa lahat ng nag intay ng maikling update na 'to please comment and vote naman po and please support my new story entitled Re:Write The Dark Lord Story.
GOD BLESS YOU ALL MUAH :*