KAELYNN's POV
Natuwa naman ako sa kanilang dalawa kasi mukhang nag-eenjoy sila sa noodles na baon ko, actually dala ko talaga 'yan kasi paborito ko siyang kainin kaso kanina habang naghahanap ako ng pagkain sa kusina na ihahanda sa kanila wala akong makita na kahit anong instant na pagkain, kaya 'yan inilabas ko na lang ang pagkain kong baon at pinakain sa kanila, bibili na lang ako pagnamalengke ako sa labas, iyon ay kung papayagan nila akong lumabas.
*yawn*
Kinusot ko ang mata ko at naghikab, hindi naman kasi ako nakatulog kaninang hapon dahil sa mga pinaggagawa nila sa'kin at nung time napapasok na naman sila nagising na si Sir Darenn kaya wala na talaga akong time na matulog kanina kaya ito antok na antok na ko, isa pa pagod ako sa byahe at walang pahinga.
"Sir gisingin niyo na lang po ako pagtapos na kayo d'yan," iniwan ko sila at humilata ulit sa sofa, medyo kabado pa ko pag nandito sila pero kerry lang andito na naman si Sir Daryl at alam kong takot sila sa kuya nila kaya hinayaan ko munang magpahinga ang katawan ko kasi marami pa akong trabahong na nakaabang bukas.
❦❦❦
Minulat ko ang mata ko at kinusot kusot ito, hmmm? Bakit parang nasa kwarto na ko? Inaantok pa ko kaya muli kong pinikit ang mata ko. Unti pa saglit na lang babangon na ko promise.
"Aray Niel wag mo kong daganan." hmm sino 'yun?
"Sshhh— baka magising siya, payakap lang eh. " minulat ko ang mata ko at laking gulat ko ng makita ko ang kambal na katabi ko.
"Iyan na gising na ikaw kasi Rious." Nanlaki ang mata ko ng makita kong na kahubad sila at pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at na mumula na ko ngayon.
"Good morning Runo." sabay halik niya sa pisngi ko, na uutal ako at hindi alam kung anong sasabihin.
"Morning Kaelynn." hahalikan niya rin sana ako ng sipain ko silang dalawa paalis ng kama.
"Anong ginagawa niyo dito! Kwarto ko ito ah at saka bakit bakit bakit wala kayong t-shirt?" Tumawa sila nang tumawa at parang enjoy na enjoy.
"Buti nga shirt lang eh hahaha," sabi ng hinayupak na si Danrious na iyan.
"Wag ka mag-alala Kaelynn wala kaming ginawa sayo, pano kasi hindi kami makagalaw kakayakap mo, ikaw ha," mapanuksong sabi ni Daniel at tumayo na.
Ako rin tumayo na at chineck ang katawan ko kung walang nagbago or kung safe pa ba kaya nung nakita kong okay naman nakahinga ako nang maluwang.
"Hey matutulog muna kami dito sa higaan mo ah," sabi ni Danrious at humilata ulit sa kama ko.
"Oo nga maaga pa, tara tulog ulit tayo." inirapan ko sila at tumingin sa orasan.
Jusko! 8 am na pala at hindi pa ko nakakapaghanda ng umagahan ni Sir Darenn.
Kinuha ko 'yung bagong uniform ko at tumakbo papuntang CR saka todo lock na sinarado ito, iniharang ko rin 'yung mini cabenet sa loob ng CR para hindi sila makapasok incase na may susi sila ng CR.
Namadali akong maghubad at na ligo, unang umaga ko pa lang sa mansion na ito late na agad akong gumising, bwisit na kambal iyon pahamak talaga.
"Hey runo~~~ anong ginagawa mo diyan sa loob? Pa-join naman."
"Ako na magsasabon sayo Kaelynn." nakakairitang hanggang sa CR binubulabog ako ng kambal kaya patay malisya na lang ako at na madaling maligo.
Lumabas ako sa CR na basa pa ang buhok at na madaling inilagay sa marumihang damit ang mga damit ko.
Humarap sa salamin at nagsuklay, medyo gininaw ako kasi naka-aircon kami sa mansion tapos kakatapos ko lang maligo, hindi kaya ako sipunin nito?
"Matulog na kayo diyan aalis na ko." hinayaan ko na lang silang matulog sa kama ko pero bigla akong napatigil kasi na tahimik sila bigla.
"May kailangan po kayo?" Tanong kong nakakunot ang noo dahil nakatingin lang sila sa'kin, iyan na naman 'yung tingin nila sa'kin, parang bored na bored sila sa mga tingin nilang 'yon, mapungay ang mata nila at medyo parang dark orange ang kulay nito minsan nga iniisip ko anong lahi nila eh.
"Wala naman," sabi ni Danrious kaya nagbikit balikat na lang ako at lalabas na sana ng pinto pero hinila ako bigla ni Daniel.
"Magpunas ka muna ng buhok mo, magkakasipon ka n'yan dahil sa lamig." nagulat ako sa kaniya at hinagis ni Danrious 'yung towel kay Daniel at hinila ako papaupo sa kama.
Nasa likod ko siya at biglang pinunasan ang buhok ko. Hindi ko inaasahan ito sa kanilang dalawa pero hindi pa rin ako kampante pag and'yan sila.
"Ang haba ng buhok mo," sabi ni Daniel habang pinupunasan ang buhok ko, lumapit si Danrious at kumuha ng ilang hibla sa buhok ko at saka inamoy ito, nagulat ako sa mga kinikilos nilang dalawa, may hair fetish ba ang kambal na 'to?
"Okay na po, matutuyo na 'yan aalis na ko." tumayo na ko at tumakbo papalabas ng pinto saka kumaripas ng takbo sa kwarto ni Sir Darenn. Pagpasok ko doon nakita ko siya nakasimangot sa'kin at ang sama ng tingin.
"Kanina ka pa ba gising Sir Darenn?" Napapangiwi na lang ako sa tingin niya sa'kin, grabe galit na galit ba siya kasi na una siyang na gising sa'kin o baka gutom na siya?
"Ayoto tayo labas." nagulat ako sa inasal niya, kahapon okay na kami ah bakit galit na naman siya sa'kin?
"Eh? Sige po pero kasama kayo kasi kakain tayo kasama ang kuya Daryl mo." sumimangot pa siya sa'kin lalo at nilagpasan ako saka labas ng pinto.
Okay? siya na ang pinaka masungit na batang nakilala ko, hindi siya makulit eh mukhang mas makulit pa ang kambal sa kaniya pero siya mataray at masungit ang ugali. Ano naman kayang ugali ang meron ang panganay nila?
Lumabas na rin ako ng pinto at sinudan siya sa paglalakad, malapit na siya sa hagdan kaya binuhat ko siya at mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya natawa ako.
"Haha bakit ka na gulat? Kapit ka lang sa'kin baka mahulog ka." hindi siya umiimik pero yumupyop siya sa leeg ko na parang papaiyak na.
"Bakit? Ayaw mo bang kinakarga?" Umiling lang siya at na ramdaman kong kumapit ng mahigpit ang maliliit n'yang kamay sa balikat ko.
Napangiti ako, kahit masungit si Sir Darenn may cute na side pa rin talaga siya, sana wag siyang matulad sa mga hinayupak n'yang kuya. Hanggat andito ako sa bahay na ito susubukan kong palakihin ng maayos ang batang ito para hindi matulad sa kambal na iyon.
"Anong gustong kainin ni Sir Darenn?" ibinababa ko siya sa upuan at lumuhod sa harap niya para itanong ang gusto n'yang kainin.
"Tahit ano." maikli n'yang sagot kaya tumango na lang ako.
"Okay, saglit lang ah dito ka lang." ngumiti ako sa kaniya at tinap ang ulo niya saka na madaling tumakbo papuntang kusina.
Naabutan ko ang ibang maids doon na abala sa pagluluto, tumingin ako ng pwedeng kainin ni Sir Darenn 'yung magugustuhan niya kaya kinuha ko 'yung tinapay at butter sa frig.
"Ate ate, asan po ang asukal dito?" Tanong ko sa isang maid pero parang wala siyang na ririnig at blangko ang emosyon niya.
Ang taray naman ng isang ito, kaya nagtanong na lang ako sa iba at lahat sila cold na tumingin sa'kin, parang nang lambot ako sa turing nila sa'kin dito sa mansion.
Lahat ng mga maid dito hindi ako pinapansin at hindi ako kinakausap, para silang walang pakialam sa mundo puro na lang trabaho.
Napasimangot ako at hinanap na lang mag-isa ang asukal at inayos na ang almusal ni Sir Darenn, kumuha ri ako ng gatas at tinusta ang tinapay na may butter at asukal, ito 'yung laging kinakain ng mga bata sa ampunan tuwing umaga eh gustong gusto nila ito, na miss ko tuloy sila kamusta na kaya ang mga 'yun?
Napailing ako at feeling ko maho-home sick ako pag-inisip ko silang maigi, kaya kinuha ko na 'yung almusal at pumunta sa hapagkainan.
Nagulat ako ng andun na si Sir Daryl at nagbabasa ng dyaryo at nagkakape.
"Good morning po Sir Daryl," tumango siya sa'kin at ako inintindi na lang ulit ang kapatid niya. Sobrang haba ng lamesang ito at sobrang layo rin ng upuan nila sa isa't isa kaya binuhat ko si Sir Darenn at itinabi kay Sir Daryl.
Medyo malungkot kasi si Sir Darenn kung titignan mo, baka kulang din sa atensyon ang batang ito galing sa mga kuya niya.
"Oh ba't mo siya nilipat? Doon ang pwesto niya," sabi ni Sir Daryl kaya medyo kinabahan ako.
"Ah baka gusto niyo rin po kasi nitong tinapay na ginawa ko, kuha po kayo gagawa pa po ako masarap po sa kape 'yan." nakatingin lang siya samin ni Sir Darenn kaya lumuhod ako at binulungan si Sir Darenn.
"Bigyan mo si kuya ng almusal mo Sir Darenn." at nginitian ko siya, ngumuso siya sa'kin na parang kinakabahan pero kumuha pa rin siya ng tinapay at inabot sa kuya niya.
Nabigla si Sir Daryl sa hindi ko malamang dahilan at napangiti saka kinuha ang tinapay.
"Salamat." at pinat niya ang ulo ng kapatid niya, nakita ko naman na natuwa si Sir Darenn at ngumiti.
Awww nakita ko rin siyang ngumiti pwede na kong mamatay ang cute-cute talaga ng alaga ko.
"Tomo?" Naputol ang pagpapantasya ko sa kakyutan ng alaga ko ng alukin niya ko ng tinapay.
Waah inaalok niya na ko ang cute-cute niya sarap yakapin, sige na nga kukunin ko na.
Aabutin ko na sana yung tinapay ng bigla n'yang sinubo ito. "Tuha ka tarili mo." nanlaki ang butas ng ilong ko sa pikon at biglang napatawa si Sir Daryl.
Napatigil ako saglit at na tulala sa pagtawa niya, ang pogi niya pala pag na tawa lagi kasing seryoso ang mukha niya at parang laging may problema.
Napahawak ako sa dibdib ko, teka ba't parang ang bilis ng t***k ng puso ko? Tumingin ulit ako kay Sir Daryl at na nag ge-get over pa rin sa pagtawa, tinanggal niya 'yung salamin niya at pinunasan ang kakaunting luha dulot ng pagtawa.
Napanganga ako, mas pumogi siya!
"Oy anong meron?" Napatingin kaming tatlo sa kambal na nasa likod na pala namin.
"Oh ang aga niyo atang na gising ngayon? Mamaya pang 10am ang gising niyo ah," sabi ni Sir Daryl at tamad na tamad na umupo 'yung dalawa sa hapagkainan.
"Eh hindi na kami makatulog eh." nakasando at boxers lang silang dalawa at walang pakundangan naghikab sa harap ng pagkain.
Nakakasuklam talaga ang dalawa na ito, sarap tusukin ng tinidor.
"Oy ano 'yan kinakain mo Darenn? Parang masarap 'yan ah." kumuha silang dawala sa plato ni Darenn at wala nang natira, lumabi ang cute na si Sir Darenn at papaiyak na.
"Wait Sir Darenn gagawa pa ko ah kukuha pa kita." namadali akong tumakbo sa kusina at gumawa pa ng marami 'yung sakto sa kanilang apat.
Nakakatuwa lang at na gustuhan nilang magkakapatid ang simpleng umagahan na gawa ko, nakita ko si ate Mila na nakangiti sa'kin feeling ko nakagawa ako ng miracle ngayon.
OA na kung OA pero na paglapit ko silang apat sa hapagkainan, sabi kasi ni ate Mila malalayo ang pagitan ng upuan nilang magkakapatid pag na kain. Itinuro niya sa'kin ito kahapon at nagtaka ako bakit kailangan magkakalayo sila pagkakain? Mas mabuti nang may maliit na lemesa kesa sa ganitong kalaki pinaglalayo naman sila.
Kaya ngayon na magkakatabi silang kumakain ng almusal na gawa ko feeling ko na paglapit lapit ko sila kahit sa maliit na paraan.
❦❦❦
Natapos silang kumain at bumalik sa kaniya-kaniya nilang kwarto, ako habang nagbabantay kay Sir Darenn iniintindi ko rin ang ibang utos nilang magkakapatid, mas more on lang talaga ako dito sa bata kasi baby pa siya at malalaki na sila para intindihin lalo na 'yung kambal na walang ginawa kundi ang pagtripan ako.
Tahimik lang naman si Sir Darenn at hindi mahirap alagaan wag lang susumpungin ng kasungitan at madalas namamato ng laruan.
Ngayon nagko-color siya ng mga drinowing ko gamit ang marker, wala kasi siyang coloring book eh. Madalas ganito rin ang ginagawa ko sa mga bata sa ampunan magdodrawing ako at kukulayan nila. Buti na lang talaga at may background na ko sa pag-aalaga ng bata kaya, kaya ko nang alagaan si Sir Darenn at ang cute-cute niya kaya kahit anong gawin n'yang pagtataray sa'kin okay lang.
Tumunog 'yung phone na nakasabit sa pader ng kwarto ni Sir Darenn, ito 'yung phone na gamit nang magkakapatid pag may kailangan sila sa isa't isa at pag may utos sila sa'kin tinatawagan lang din nila 'yung phone na nakadikit sa pader ng kwarto ko. Katamaran ba maglakad papunta sa kaniya kaniyang kwarto? Pero sabagay masyadong malaki ang bahay nila at hindi ka naman pwede sumigaw dito kasi masyadong tahimik malamang eeko iyon.
"Hello ano po 'yun?" Tanong ko at alam ko na agad kung sino ang nasa kabilang linya, sobrang manly ng boses niya kaya ito na naman ako kinikilig, may crush na nga siguro ako kay Sir Daryl.
"Pwede ka ba ngayon may iuutos lang ako." tinignan ko si Sir Darenn at mukhang busy naman siya.
"Okay po, saglit lang Sir." ibinaba ko na ang phone at kinausap si Sir Darenn.
"Sir Darenn saglit lang ah tawag lang ako ni kuya Daryl mo." wala siyang paki sa'kin kaya napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng kwarto.
Sobrang haba ng pasilyo ng mansion na ito at nasa dulo pa ang kwarto ni Sir Daryl kaya na madali ako at tinakbo na lang ang pasilyo.
Bago ako kumatok hinabol ko muna ang hininga ko at inayos ang sarili ko, nakakahiya naman kung mukha akong haggard na humarap sa kaniya.
*tok tok*
"Pasok." at pinihit ko ang seredula ng pinto, nakita ko siyang nakaupo lang ulit sa harap ng desk niya at panay ang pindot sa laptop niya.
"Ano pong iuutos niyo Sir?" Saglit n'yang pinukaw ang mata niya sa'kin at tumingin ulit sa screen ng laptop niya.
"Kung pwede paki tapon ang mga ito at puno na rin ang trash bin ko kaya paki ayos na rin." tumango ako at ginawa ang inuutos niya, nakita ko siyang inuunat ang braso niya at pinopokpok ang balikat niya. Mukhang ngalay na siya kaka-type ng mga sales nila?
"Pagbalik mo imassage mo na rin ako." muntikan ko nang mabitawan ang basurahan sa pagkabigla at pakiramdam ko na mumula na ang mukha ko.
Jusme! Nahihiya akong hawakan ang balikat niya.
"Kung nahihiya kang hawakan ang balikat ko hugasan mo muna 'yang kamay mo kasi humawak ka ng basura." napalingon ako sa kaniya sa gulat at ganoon pa rin siya nagtytype lang, lagi n'yang na babasa kung anong nasa isip ko, hindi kaya na babasa niya rin yung mga pinagsasabi ko ngayon sa utak ko?
Tinampal ko ang pisngi ko at nag-focus sa trabaho ko, andito ka ngayon para magtrabaho hindi para kiligin! Tandaan mo 'yan Runo!
Kinuha ko ang basurahan at inayos ang mga papel, medyo na hirapan pa ko kasi bibitbitin ko ito pababa ng mahabang hagdan at itatapon sa labas.
Pagtapos ko ay naghugas nga ko ng kamay at pumunta muna sa kwarto ko saka kinuha 'yung massage oil na baon ko. Dumaretsyo na ko sa kwarto niya at kumatok saka pumasok.
"Sir may baon akong massage oil gusto niyo?" Tumaas ang kilay niya kaya medyo kinabahan ako tapos inilahad niya ang kamay niya.
"Patingin." iniabot ko sa kaniya ito inamoy niya, tumango siya at binalik sa'kin 'yung bote.
"Sige gamitin mo 'yan," sabi niya at na windang ako ng hubarin niya ang t-shirt n'yang suot.
Napatalikod ako at napag isip-isip ko! Ang shunga ko! Parang plinano ko talagang magdala ng ointment para lang paghubarin siya! nakadamit nga naman siya kaya hindi ko malalagay sa balikat niya 'yun! Nasanay kasi akong naghihilot ng mga matatandang worker sa ampunan!
"Oh ano pang inaantay mo imassage mo na ko." nakayuko akong lumapit sa kaniya, jusko Runo ano bang pinaggagawa mo?
Napalunok ako ng makita ko ang mala labanos n'yang balat sa puti at medyo skinny n'yang balikat.
Teka wag kang manyak Runo isipin mo na lang matanda si Sir, tumango ako at inilagay na ang ointment sa palad ko at sinimulang masahihen siya.
"Magaling ka pala Kaelynn? Masahista ka rin ba?" napatawa ako ganito rin ang sinasabi sa'kin ng mga matatanda sa ampunan.
"Ahaha sa katunayan po sa'kin po nagpapamasahe ang mga matatandang worker sa ampunan," tumango lang siya at tinigil ang pagtatype niya, na mimiss ko tuloy ang mga matatanda doon sa ampunan. Ang daming nagpapaalala sa'kin ngayon ng ampunan ah.
"Pwede mamaya pati likod ko paki masahe?" Bigla akong nagulat ng lumingon siya sa'kin at hawakan ang kamay ko.
Ngumiti siya sa'kin na katulad ng ngiti niya nung una, 'yung ngiting hindi ka dapat matuwa kundi dapat kang matakot.
TO BE CONTINUED