CHAPTER 6

1640 Words
KAELYNN's POV Tinawag ko siya pero mukhang nagdadalawang isip pa siyang lumabas ng pinto. "Tara na Sir Darenn wala ng tao." ayaw n'yang lumabas pero pasilip silip siya kaya binuhat ko na lang siya at dahan-dahan na pumunta sa likod ng mansion kung saan  nandoon  ang daan papuntang dagat. 3pm pa lang kaya maaraw-araw pa at paglabas namin ng bahay laking tuwa niya nang makatungtong siya sa damuhan, kumaripas siya ng takbo papuntang kakahuyan kaya hinabol ko siya agad. "Sir Darenn wag kang lalayo teka lang." medyo kinakabahan ako sa ginawa ko, kabilinbilinan kasi ni ate Mila na wag silang papasikatan sa araw ewan ko kung bakit pero mukhang wala naman nangyayari sa kaniyang masama saka incase na may sakit siya sa balat nilagyan ko na siya agad ng sunblock at nakalong sleeve siyang damit. Masaya siyang tumakbo sa damuhan at minsan nagpapagulong gulong pa dito, makikita mo nasa mukha niya 'yung saya na hinahanap niya. Naiiyak tuloy ako para siyang ibon na nakalaya sa hawla niya. "Tamo tamo ate dami green, dami flowers taka trees." binuhat ko siya at pumitas kami ng mga bulaklak, puro white flowers ang andito kesa doon sa garden sa front ng mansion puro red roses. "tara punta tayo sa dagat mas maganda doon," tumango siya at niyakap ako ng mahigpit. Hoho napaamo rin kita. Mula dito sa kinatatayuan namin matatanaw mo na ang dagat kaya tumakbo na ko bitbit siya at naglaro sa buhanginan. Hinubad ko ang sapatos namin dalawa at ibinaba siya sa buhangin. "Waaah ate 'yung paa to hinihigop." Na tawa ako sakaniya, lumulubog kasi siya dito sa tuyong buhangin kaya binuhat ko muna siya at pinunta sa dalampasigan. "Oh iyan hindi na iyan, malambot lang siya kasi na basa ng tubig dagat," nakatungo lang siya at tinititigan ang maliit n'yang paa na nababasa ng tubig dagat. Sobrang puti ng balat niya kaya kitang kita mo sa linaw ng tubig, umupo ako sa tuyong bahagi ng buhangin at tinignan lang siya. Lumingon siya sa'kin at nabigla ako, umiiyak siya kaya nataranta akong tumakbo papunta sa kaniya. "Bakit anong masakit Sir Darenn?" umiling siya at niyakap ako nang mahigpit, na basa na 'yung palda ko dahil sa pagluhod ko pero ayos lang at least alam kong umiiyak siya sa saya ngayon. Hinawakan ko ang matambok n'yang pisngi at pinisil 'to. "wag kana umiyak, tignan mo ang ganda ng dagat oh," tumango siya at hinalikan ako sa pisngi. "Talamat ate." at tumakbo na siya paikot ikot doon sa dalampasigan habang tinitignan ang pagbakat ng paa niya sa buhanginan. Awww hinalikan niya ko matutunaw na ko, ang cute-cute talaga ng alaga ko ayos lang kahit parusahan ako ng mga Sir ko basta makita ko lang siyang maging masaya ulit. Mga ilang minuto rin kami nagpalakad lakad sa dalampasigan at na mulot ng magagandang bato at sea shell. Kinuha ko ang laylayan ng palda ko at ginawa itong lalagyan, at pagbalik namin sa tapat ng mansion ay bigla kong bitawan ang laylayan ng palda ko kaya bumaksak lahat ng pinulot namin mga bato at shell. "Magpaliwanag ka Kaelynn." napalunok ako sa kaba at napaurong sa takot sa mga tingin nila. Naramdaman kong kumapit si Sir Darenn sa palda ko at nagtago sa likod ko. Hinawakan ko ang kamay niya pero bigla 'tong inagaw ng kambal at binuhat siya, tinuunan nila ako ng masamang tingin na pinanglambot ko, ewan ko ba kung dahil sa sun set o talagang na mumula ang reflection ng mga mata nila. "Diba binilinan ka naming wag ilalabas si Darenn?" Tanong ni Sir Daryl na mukhang kakabalik lang galing trabaho, hindi ko na malayan ang oras kaya siguro na pansin n'yang wala kami sa kwarto. "Ayos ka lang ba Darenn? Wala bang masakit sayo?" chineck ng kambal ang bawat parte ng katawan ng kapatid nila at nilapitan ako ni Danrious. "Ikaw ang lakas ng loob mong suwayin ang utos ng mansion! Tara dito at tuturuan kita ng leksyon." hinawakan niya ang pulso ko at hinatak pa balik ng mansion pero hindi ako nagpatalo at binawi ang kamay ko. "Sir teka lang, magpapaliwanag ako wala naman po akong balak na ipahamak si Sir Darenn eh, gusto niya lang lumabas! Hindi niyo ba nakikita na masaya siya?" humahanap ako ng kakampi at tinitigan ang mata ni ate Mila pero iniwas niya ito at tinignan ko naman si Sir Daryl at nakatingin lang sa'kin ito ng walang emosyon. "Tingin mo anong makukuha mo sa pamamakialam sa tagubulin ng mansion?" Tanong ni Sir Daryl at napayuko ako. Pero masaya si Sir Darenn kanina at ngayon pinapaiyak na nila ang bata, gusto ba nilang lumaki ng walang tiwala sa ibang tao ang bata at lalo na hindi niya pa na susubukan lumabas ng bahay at magsaya. Ikukulong na lang ba nila ang sarili nilang kapatid at gagawing parang hayop na nakakulong sa hawla nila? Napayukom ang palad ko sa inis, humarap ako sa kanila at tinignan sila isa-isa, buo na ang desisyon ko papalakihin ko si Sir Darenn na hindi katulad nila. "Tatanggapin ko po kahit anong parusa ang igawad niyo sa'kin pero ipangako niyo po sa'kin napapayagan niyo kaming lumabas ni Sir Darenn kahit dito lang, kahit sa hardin lang ng mansion." naiiyak na rin ako, mauubos na talaga ang tapang ko sa magkakapatid na 'to, hindi ko alam na ganito kahirap ang trabaho dito. Nabigla ako ng hawakan ulit ako ni Danrious at hilahin ng marahas pabalik ng mansion. "Narinig mo iyon kuya Daryl, siya na ang nagpasya," sabi niya sa kuya niya at sumabay samin maglakad si Daniel na parang hindi sangayon sa mga nangyayari. "Sige intayin niyo ko sa kwarto niya," sabi ni Sir Daryl at iyon na nga inilock nila ako sa kwarto at mga ilang minuto pa unang pumasok ang kambal. "Awww akala ko tatagal ka pa Kaelynn ayoko pa waah," sabi ni Sir Daniel at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap din ako ni Danrious at bigla akong inihiga, ito ba ang parusa na ibibigay nila sa'kin? Akala ko hindi lang nila ako papalabasin ng kwarto o hindi kaya papakainin pero wag mong sabihin kukunin nila ang dangal ko? "Sabay tayo Rious." at nagbago na ang expresyon sa mata ni Daniel, nagulat ako ng magbago ang kulay nito at mula sa pagiging malamyang kulay naging pula ito, sing pula ng dugo. "Sssh— wag kang maingay mabilis lang 'to," sabi niya at biglang bumaba ang pwesto niya, sisigaw sana ako ng takpan ni Danrious ang bibig ko. Dinilaan ni Daniel ang binti ko at tumingin sa'kin ng nakakaloko. "Ang alat ah, lasang tubig dagat," sabi niya at halos panawan ako ng ulirat ng ibaon niya ang mga pangil niya sa binti ko. Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko may kakaibang sensasyon na inilagay sa katawan ko at hindi ako makaangal sa ginagawa niya, sa isip ko gusto kong sumigaw at pigilan siya pero ayaw ng katawan ko, parang gusto pa nitong ubusin niya ang lahat ng dugong meron ako. "Nagsimula na agad kayo?" Lumihis ng tingin ang mata ko sa pinto at nakita ko si Sir Daryl napapalapit sa'kin. Gusto ko humingi ng tulong pero hindi ko magawa, inalis na ni Danrious ang kamay niya sa bibig ko. "Tulong." iyon na lang ang na sabi ko habang nakatingin ako sa kaniya pero inayos niya lang ang salamin niya sa mata at kinuha ang kamay ko. "Wag kang mag-alala hindi ka pa matutulad sa kanila." hindi ko alam kung anong ibig n'yang sabihin pero natatakot na kong maigi sa kanila. Hinalikan niya ang pulso ko at walang isang iglap na biglang kinagat ito, napangiwi ako sa sakit pero wala na kong lakas para umangal pa dito, hindi sila mga tao mga bampira silang hayok sa dugo. Tumulo na lang ang luha ko at tumingala, nakita ko ang blangkong kisame at pumikit. Ano ba ang na pasok ko? Hindi sila normal Kaelynn pano ka makakatakas sa kanila at sa mala kulungan na mansion na ito? Umiyak na lang ako ng umiyak dahil ito na lang ang tanging kaya kong gawin sa sitwasyon na ito. Naramdaman ko ang kamay na pinupunasan ang luha ko at pagmulat ko nakita ko si Danrious nakatitig sa'kin katulad ulit ng mga mata n'yang walang gana at tamad na tamad. Inilapit niya ang mukha niya sa'kin at hinalikan ako sa labi, mabilis lang iyon pero nakaramdam ako ng kakaiba sa halik n'yang iyon na para bang ang daming meaning na hindi ko alam, awa? Pagmamahal? Hindi siguro. "Ang sarap ng labi mo, pero mukhang mas masarap ang dugo mo." saka niya ibinaon ang mahaba n'yang pangil sa leeg ko, napahinghap ako sa sakit pero hindi umangal ang katawan ko, ito ba ang sensasyon na meron sila? Tatlo silang hinihigop ang dugo ko at wala akong magawa kundi ang tumingin sa kisame habang tumutulo ang luha ko. Dito na ba ako mamatay? Hindi na ba ko makakadalaw sa bahay ampunan? Hindi ko na ba makikita ang best friend kong si Red? O talagang wala nang pag-asang mahanap ko pa ang mga magulang ko? Mamatay na lang ba ako sa ganitong paraan? Ayoko! Ayoko dito! Ayoko sa kamay nilang tatlo. Nahihilo na ko at pakiramdam ko mawawalan na ko ng dugo. Muli akong dumilat at nilingon ang mukha na nasa tabi ko, nakatitig lang siya sa'kin katulad ng lagi n'yang ginagawa, pero hindi pula ang mga mata niya hindi tulad ng kambal niya. Umiikot na ang paningin ko at tuluyan na 'tong nagdilim. Pero na rinig ko pa siyang bumulong sakin. "Hindi pa dito na tatapos Runo. papatagalin ko pa bago ka magiging isa sa mga walang buhay na muchacha sa baba." hindi ko alam ang ibig sabihin niya pero kung ano man iyon sigurado akong hindi maganda ang ideyang iyon. Pumukit na ko at hinayaang panawan ako ng ulirat hindi ko na kaya at pagod na pagod na ko. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD