KAELYNN's POV
Ang sakit ng katawan ko at medyo nahihilo ako, hinawakan ko ang ulo ko saka minulat ang mata ko at bumangon sa kama.
Inikot ko ang paningin ko sa kwarto at nakita ko si Sir Darenn na nakaupo sa paanan ng kama.
Nakasimangot siya, napahawak ako sa leeg ko at muling naalala ang mga nangyari. napaurong ako at muling bumalik ang takot sa buong katawan ko, hinila ko ang kumot at ibinalot sa buong katawan ko, mga halimaw ang magkakapatid na ito, katulad ba nila si Sir Darenn? Ang batang nasa harapan ko ngayon?
Napalunok ako sa kaba at na nginginig ang buong katawan ko sa takot, mga bampira sila at hindi normal na tao. Mga halimaw na hayok sa dugo ng tao at takot sa liwanag ng araw.
Kaya pala ganoon na lang kadilim ang mansion na ito at kung bakit lahat sila lumalabas lang tuwing palubog na ang araw.
Muli kong naibaling ang pansin ko sa batang papalapit na sa'kin, nagdadalawang isip siya kung lalapitan niya ba ko at medyo naiiyak na siya pero mabilis siyang lumapit sa'kin at na gulat ako nang yakapin niya ko ng mahigpit.
Umiiyak siya at napatulala na lang ako, ramdam ko ang kaba sa kaniya at alam kong nag-aalala siya sa'kin.
Niyakap ko na lang din siya at muling naiyak, ano ba ang na pasok kong gulo? Bakit ganito ang mansion na 'to? 'Yung akala kong maayos na pagtatrabaho ko ay na punta sa pinakadelikadong sitwasyon.
Pano ako makakaalis dito? Makakatakas pa ba ako? Itong batang yakap-yakap ko? Isasama ko ba siya? Pano! Pano kami makakaalis sa empyernong 'to?
"Ate taylin otey ta lang?" Tumango ako at ngumiti sa kaniya saka ko pinunasan ang luha naming dalawa, hindi pa kumakampante ang loob ko bigla nang bumukas ang pinto at pumasok ang kambal.
Bakas sa mukha nila ang pagkabigla at muli rin naman napawi ito agad.
"Gising ka na pala Kaelynn? Kamusta" biglang nang lamig ang katawan ko sa kaba, ito na naman 'yung takot ko nilalamon ako.
Nanginginig ang katawan ko pero hinawakan ako ni Sir Darenn at tumingala para tignan ako sa mata.
Parang sinasabi niya na walang mangyayaring masama, hinigpitan ko rin ang kapit sa kaniya at doon na lang kumuha ng lakas.
"Tatlong araw kanang walang malay," sabi ni Danrious na ikinagulat ko.
"Buti naman na bawi mo na ang lakas mo Kaelynn," masayang sabi ni Daniel pero alam ko nagbabait baitan lang siya sa harap ko pagtapos nun katulad din siya ng kakambal niya, hindi lang silang dalawa pati ang kuya nila.
"Bumaba na kayo," biglang sabi ni ate Mila na nasa pinto pala, tumingin ako sa kaniya at parang alam ko na kung bakit ganoon pa rin siya kalakas, isa rin siyang bampira malamang.
"Ate taylin tara na?" Tumango ako at bumangon na, inalalayan ako ni Daniel pero hindi ko ito tinanggap at nagpilit maglakad mag isa.
Ngayon susubukan ko munang makatagal at makapagplano ng paraan para makaalis dito, isa pa kailangan ko mabuo ang tiwala nila sa akin para mas malaya akong makapagmasid sa mansion na ito.
Tumingin ako kay Sir Darenn na hawak pa rin ang kamay ko.
Kung hindi dahil sa batang ito siguro susuko na lang ako, siguro baka mabaliw ako sa takot at kakaisip sa mga pangyayari.
Pero andito siya, andito siya at mahigpit na hawak-hawak ang kamay ko.
Parang sinasabing poprotektahan niya ko, kaya pangako ko sayo makakalabas tayo dito.
❦❦❦
Bumaba kami ng hagdan at iniupo ko si Sir Darenn sa upuan niya malayo sa mga kuya niya, patay malisya ako sa kanilang lahat.
Kahit nakadamit pantulog pa ko ay hindi ko sila pinansin at dumaretsyo ng kusina para maghilamos saglit at ipaghanda ng umagahan ang alaga ko.
Tatlong araw pala akong walang malay, medyo nahihilo pa ko at nilalambot, pero kailangan ko magtrabaho hindi para sa sweldo kundi para makaalis nasa mansion na ito.
Ipinikit-pikit ko ang mata ko dahil umiikot ang paningin ko, hinawakan ko ang butter at bigla na lang akong na walan ng balanse.
Nagulat na lang ako ng makita kong salo-salo na ko ni Sir Daryl, may seryosong tingin sa mukha niya at parang hindi ko rin gusto ang ibig sabihin nun.
"Humiga ka muna sa kwarto mo, ipapasunod ko doon ang pagkain mo isa pa ang kambal na ang bahala muna kay Darenn hanggang binabawi mo pa ang lakas mo," seryosong sabi niya at inalalayan ako paakyat ng hagdan, nakatingin ang tatlong magkakapatid at nginitian ko na lang si Sir Darenn.
Pumasok ako sa kwarto malapit sa kwarto ni Sir Darenn, mukhang inilipat na nila ang gamit ko dito. Malaki ito kumpara sa kwarto ko sa likod ng hagdan.
"Humiga ka muna magpapadala ako ng pagkain kay ate Mila," napasimangot ako, nung una akala ko siya ang tutulong sa'kin pero isa rin siya sa kumuha ng dugo ko, Sir Daryl bakit?
"Sorry Kaelynn." bigla niya na lang sinabi pero nakatalikod na siya sa'kin at palabas na ng pinto.
"Hindi kami mabubuhay kung wala ang dugo niyong mga mortal," at tuluyan na siyang lumabas, kumirot ang puso ko sa sinabi niya ramdam ko ang sinseredad sa mga salitang iyon at alam ko totoo ang paghingi niya ng tawad.
Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ganito? Kahit na laman kong bampira siya hindi pa rin na wawala ang paghanga ko sa kaniya?
Humilata ako sa malambot at malaking kama, tumitig ako sa kisame at na alala ko na naman ang gabing 'yon, napahawak ako sa leeg ko hanggang ngayon pakiramdam ko nakabaon pa rin ang pangil ni Danrious sa laman ko.
*tok tok*
Nilingon ko ang pinto at niluwa ninto si Danrious, speaking of devil ito na siya dala ang bored n'yang expression.
"Kumain ka para mabawi mo ang lakas mo." umiwas ako ng tingin sa kaniya at mukhang na asar siya sa ginawa ko.
"Magmamatigas ka na naman ba?" Umiling ako, napag isip-isip ko na wala akong laban sa kanila kaya siguro susundin ko muna sa ngayon ang utos nila.
Pinilit kong bumangon pero nahihilo ako, na bigla na lang ako nang hawakan niya ko sa braso at likod saka iniupo.
Napatitig ako sa mukha n'yang sobrang lapit sa'kin, tumingin din siya sa'kin at hindi ko alam kung bakit ako napangiti.
"Nginingiti-ngiti mo diyan?" Umiling ako, kahit pala mukha siyang matapang at mayabang mukha naman siyang pusa na laging tinatamad, 'yung mata niya kasi laging mapungay.
"May gana ka pa talagang ngumiti ah," iritado n'yang sagot kaya na tawa ako, na pipikon ba siya?
"Hahaha masama bang ngumiti?" Inirapan niya ko kaya lalo kong na imagine 'yung pusang nang iirap.
Hahaha ang panget niya, ngayon lang gumaan ang pakiramdam ko sa isang ito, sa kanilang magkakapatid kasi sa kaniya akong takot na takot.
"Alam mo kung ano-ano iniisip mo diyan kumain kana para mabilis mong mabawi ang lakas mo at para maalagaan mo na rin si Darenn hindi 'yung kami mag-aalga sa n'yong dalawa tsk." tumango-tango na lang ako, kung ganito ba naman sana lagi kong na raramdmaan pagkasama ko siya edi mas mapapadali ang trabaho ko.
"Opo-opo master," kumuha ako ng pagkain at nagulat ako ng toasted bread with butter ang nakahanda at isang basong gatas.
"Sinong may gawa?" Tanong ko sa kaniya at napakamot siya ng pisnge.
"Si ate Mila," sabi niya pero nagtataka naman ako, bakit na sunog ang likod ng tinapay na 'to?
"Hindi ba magaling magtusta si ate Mila?" Tanong ko sa kaniya at mukhang na banas siya at sinubo ang hawak kong tinapay.
"Wag mong kainin kung ayaw mo! Ikaw na nga pinagsisilbihan ayaw mo pa!" nagulat ako sa pagtatampo niya at mukhang alam ko na kung sino talaga ang naghanda ng umagahan na ito.
Ewan ko ba at napangiti na lang ako at kinain ang umagahan na hinanda niya.
Bumabawi ba sila sa'kin?
❦❦❦
Dalawang araw pa bago ko lubusang na bawi ang lakas ko, bali limang araw akong mala prinsesa sa mansiong ito.
Buti na lang at bakasyon na at wala nang pasok ang kambal, pero si Sir Daryl busy pa rin sa kompanya nilang mga Lockhart.
Katulad ng na pagkasunduan, pinayagan na nila kami ni Sir Darenn na lumabas ng mansion at magpagala-gala sa hardin pero hind pa rin kami makakatakas dahil puno ng bantay ang buong paligid ng mansion.
So kung tatakas kami, hindi pwede dahil sa madaming bantay? Ano pa kayang pwedeng strategy ang gamitin namin para makaalis dito?
Hindi naman nila ako inuustusang mamalengke kaya mahirap din ang planong iyon isa pa hindi nila ako papayagan isama si Sir Darenn, kung sa likod naman at dagat kami dadaan, sobrang layo pa sa bayan at kailangan talaga namin ng sasakyan.
Ano ba ang pwedeng gawin? Lalo na ngayon hindi lang bantay ang kasama namin kundi ang kambal.
"Ano bang ka enjoy enjoy dito sa arawan?" Tanong ni Danrious na todo tago sa lilim ng puno at balot na balot ang balat.
"Hindi mo ba nakikita Rious? Ang kagandahan ng kapaligiran!" Umakbay si Danrious kay Daniel at niyakap ito.
"Bumalik na tayo sa loob init na init na ko dito, ang lagkit pa ng sanblock na pinahid mo sa katawan ko." Para silang hindi lalaki kung maglambingang dalawa.
"Rious wag mo namang sabihin iyan, hirap na hirap akong punasan ang bawat sulok ng katawan mo" ugh, lumalaswa na ang usapan nila kaya naglakad na kami papalayo sa kanila ni Sir Darenn.
Nakapaa kaming dalawa at masayang naglalakad sa buhanginan, 3pm pa lang pero palubog na ang araw sa dalampasigan.
Gumagawa kami ng sand castle at tuwang tuwa siya pagnakakatapos kami, nakisali ang kambal at gumawa rin pero parang ngayon lang silang nakagawa nito at tuwang tuwa sila kahit ang pangit ng gawa nila.
Pinagtatawanan namin ni Sir Darenn ang gawa nilang kambal, ewan ko ba bakit parang hindi ako nag aalinlangan na makihalubilo sa kanila, dahil ba sa paghingi ng tawad sa'kin noong nakaraan ni Sir Daryl? O dahil na rin sa kabaitan ng kambal nitong nag daan na araw?
Parang baliktad ata, ang plano ay para magtiwala sila sa'kin at hindi para ako ang magtiwala sa kanila! Pero ano ba 'tong nangyayari? Bakit na kakaramdam ako ng awa sa kanilang magkakapatid? dahil ba sa hindi sila makapamuhay ng normal kagaya naming mga tao? Dahil ba sa hindi sila malayang mabuhay at lagi na lang nagtatago sa dilim?
Bakit ganun? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Dati si Sir Darenn lang ang gusto kong tulungan eh, pero ngayon gusto kong sumaya silang apat kahit sa maliit na paraan lang.
Ano ba 'tong naiisip ko! Mga bampira sila Runo! Tama! Ang dapat kong isipin ay kung pano kami makakaalis sa mansion na ito. kailangan kong maitakas si Sir Darenn dito.
Pero kasi bakit meron pakiramdam dito sa puso ko na gusto ko rin silang tulungan? Arrrrrgh! Ang gulo ng isip ko masisiraan na ko ng bait sa magkakapatid na ito. Hindi pa ko nakakaget over sa sekreto nila eh, pero ito ako ngayon may bago na namang pinoproblema.
"Kaelynn! Anong iniisip mo?" niyakap niya na naman ako at kinuskos ang pisngi niya sa pisngi ko. Ang clingy talaga ng manyak na ito.
"Waaalaaa!" inurong ko ang mukha niya gamit ang palad ko na mabuhangin.
"Aww iyan tignan mo may buhangin na ang mukha ko, paliguan mo ko mamaya ah!" inirapan ko siya at lumayo sa kaniya, tumabi ako kay Darenn at Danrious.
"Ganyan ka na! Pinipili mo nang tabihan si Rious! Bakit? kailan pa kayo naging close dalawa?" Napatingin ako kay Danrious at bigla n'yang iniwas ang mukha niya sa'kin.
"Ha? Kay Sir Darenn ako na tabi diba Sir Darenn?" niyakap ko siya at pinisil-pisil ang pisngi pero nagtataray na naman siya, minemenopause na naman ang batang ito.
"Dumi taman tamay mo eh." ay madumi nga, pinunas ko ito sa uniform ko at binuhat siya para umupo sa lap ko.
"Yan para hindi madumihan ang shorts mo," sabi ko kay Sir Darenn na walang pakialam at panay pa rin ang laro sa buhangin.
Biglang nagkatinginan ang kambal at tumingin sa'kin, 'yung tingin na nakakaloko.
"Bakit? Ano na namang problema n'yong dalawa?" Lumpit si Daniel
"Kami rin pa upo sa lap mo." nag init ang mukha ko at dumampot ng buhangin saka binato sa kaniya.
"Yan masunog ka sana sa buhangin!" tawa sila nang tawa na parang bata at naglaro ng buhangin.
Binasa nila 'yung buhangin at binilog ito saka nagbatuhang dalawa, enjoy naman sila kahit madumi at pag uwi namin ng mansion.
"Ano na namang pinaggagawa niyo? Gusto niyo ba kong pahirapan maglaba?" Bungad samin na sermon ni ate Mila.
Okay, sermon na naman.
TO BE CONTINUED