DANIEL's POV
Tinignan ko ang cellphone ko kung nag reply na siya, napabuntong hininga ako nang makita kong wala pa rin siyang message, 'yung totoo ano na naman bang tumatakbo sa utak niya?
Ilang linggo na rin siyang lagi umaalis tuwing gabi at anong oras na nauwi.
"Fu*k Rious anong trip mo?" Lagi siyang umaalis ngayon para mambabae at sa hindi ko alam na dahilan laging malalim ang iniisip niya, minsan napapasabunot na lang siya ng buhok niya at napapamura.
Hindi kami ganito ng kakambal ko, wala kaming sekreto sa isa't isa at lahat ng nasa utak namin ay iisa, pero ngayon hindi ko mabasa ang kinikilos ng kakambal ko.
Bata pa lang kami magkasama na kaming dalawa mula pa lang sa tyan ng nanay namin at wala kaming inaasahan kundi ang isa't isa. Wala kaming pinapapasok sa mundo namin kundi kami lang dalawa.
Wala kaming tiwala sa ibang tao kahit sa mga magulang at kapatid pa namin, wala kundi samin lang dalawa. Kaya ngayon hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya dati kasi magpapaalam sa'kin iyon at sasabihin lahat ng nasa isip niya pero ngayon.
"Arrrghh," napasabunot na ko sa buhok ko at sumalampak sa higaan, sa totoo lang nauubos na ang pasensya ko at naiinis na, napaisip tuloy ako ng nakaraan naming dalawa.
Noon wala kaming kalarong ibang bata kahit kamag-anak naming bampira, lagi silang nagkakamali sa pangalan namin, kamag anak na namin sila pero hindi pa nila kami makilala, kahit nanay at tatay namin hindi alam kung sino ba si Daniel at si Danrious.
Nakakainis hindi ba? Hindi lang iyon lagi nila kaming pinupuri at binibigyang halaga kahit na sinasaktan at binubully na namin sila, kasi anak kami ni Danilo Lockhart ang pinaka makapangyarihan na bampira.
Naiinis kami sa kanila, mga plastik at pakitang tao lang ang ginagawa nila saming dalawa dahil takot sila kay papa, tapos nang mamatay si mama walang may balak na mag alaga samin kundi si kuya na masyadong bata pa noon.
Nakakapikon lang na hanggang ngayon nagkakamali pa rin silang tukuyin kung sino ako at ang kakambal ko, ang tanging palatandaan lang nila ay ang hawi ng buhok namin at wala nang iba.
"Hay, nakakatamad na talaga," nagbuntong hininga ako at sinilip na naman ang cellphone ko, na kita ko ang lock screen ko na picture naming dalawa.
Rious mabubuhay naman tayo ng tayo lang dalawa hindi ba? Dahil simula't sapul tayo na ang magkasama, bakit ngayon may nililihim ka na sa'kin? Kambal mo ko kakampi mo ko.
Iyan ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya ngayon pero lagi siyang wala at pag nandito naman siya wala naman siya sa sarili niya. nagkaganito rin siya ng mawala si mama lagi siyang busy at naglilihim sa'kin hanggang sa na pagod na lang siya magtago at umiyak sa'kin.
Sigurado ako ngayon ibang babae na naman ang dadalhin niya sa kwarto niya, ganiyan naman siya eh, papasok lang iyan sa kwarto niya pag may milagro siyang gagawin at sure ako panibagong babae na naman ang mapapatay niya ngayon.
Tumayo ako at nag unat-unat, nakakatamad na talaga ngayon lalo nang wala nang gana mabadtrip si Kaelynn samin ngayon, ewan ko ba magdadalawang buwan na siya dito at siya na ang pinakamatagal na maid namin na buhay.
Nung mga nakaraang linggo nagbago siya eh, imbis na matakot siya samin parang baliktad. Parang bumait siya samin ng kakambal ko kaya medyo tinatamad na ko. Siguro iistop ko na 'yung kindly act ko at ibalik sa malademonyo kong ugali baka sakaling matakot at mainis na naman siya samin.
Ah, tama. itigil ko na ang acting na ito at bumalik sa ugali ko, sa totoo lang mas masahol pa ko sa kakambal ko. Iba daw ako magalit 'yung tipong patay kung patay agad pero syempre hindi ko pwede gawin kay Kaelynn iyon lalo na't napapaamo niya ang bunso namin.
Siya lang ang kauna unahang maid na nakatagal saming magkakapatid, 'yung dati kasi mabilis na bumibigay at 'yung iba na sisiraan ng bait. Nakakainis lang 'yang mga maid na iyan purke may itsura at gwapo ay bumibigay agad mga uto-uto at pumapayag na magpalandi iyan tuloy na kakatamad at ang sarap patayin.
Well papatayin din naman namin sila in the end pero pinapadali nila ang buhay nila dahil sa kalandian nila sa katawan, pero iba 'tong si Kaelynn eh, although mukhang may gusto siya kay kuya Daryl pero hindi siya easy to get.
"Hay makapang bully na nga lang," lumabas ako ng pinto at kinuha ang duplicate key ko ng kwarto ni Kaelynn, 9pm na at tulog na si Darenn sure ako gising pa ang isang ito.
Hindi na ko kumatok at binuksan na ang pinto, napangisi ako ng makita kong nagbibihis siya at wala pa pang itaas.
"AAAAHH hayop ka lumabas ka ng kwarto ko" napahalakhak ako nang mabilis siyang nagtago sa gilid ng kama niya at hinila ang towel niya. Pinagbabato niya ko ng unan at galit na galit akong tinitigan.
Sige pa Kaelynn magalit ka mas nagiging cute ka pag ganyan ka eh.
"Chill wala akong na kita kundi pantal" hahaha, tinitukoy ko ang maliit n'yang dibdib.
"Kapal ng mukha mo! Cap B naman ako" mabilis siyang tumakbo sa CR at narinig kong inuurong na naman niya ang cabinet sa loob para iharang sa pinto, gawain niya iyan para hindi kami makapasok eh kahit sipain lang namin 'yang pinto mabubuksan pa rin namin iyan.
Humiga ako sa kama niya at inamoy ito, ang bago niya talaga, natatawa tuloy ulit ako sa expression ng mukha niya kanina hahaha, eh totoo namang maliit ang dibdib niya kumpara sa mga babaeng nakaone night stand ko na.
Wala siyang patama pero bakit ganoon parang gusto ko hawakan 'yun? Tumayo ako at lumapit sa pinto ng CR.
"Kaelynn matagal ka pa ba d'yan?" Sumigaw agad siya sa kabilang pinto at naririnig ko nang inuurong niya ang cabinet sa loob, seriously pinapahirapan niya lang ang sarili niya sa ginagawa niya eh.
"Tapos na, ano bang kailangan mo? Matutulog na ko." mataray n'yang sagot habang kinukuskos niya ng tuwalya ang mahaba n'yang buhok.
Ang bango ng shampoo niya ang sarap amuyin, 'yung totoo inaakit ako ng babaeng ito eh, lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likod, alam kong na bigla siya at sisikuhin na ko pero inunahan ko siya. Hinawakan ko ang dibdib niya at pinisil ito, saktong sakto lang sa laki ng kamay ko.
"AAAHHH ANO BANG PINAG GAGAWA MO!!" sabay suntok niya sa'kin kaya na bigla ako, napahawak ako sa mukha ko at bigla naman siyang nataranta.
"Sorry-sorry-sorry bumalik ka na kasi sa kwarto mo!" napatawa ako ang cute niya rin pala pag nag aalala, sabagay cute at maganda naman talaga siya.
Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa kama niya, sh*t lang gusto ko siyang harasin pero baka mapatay ako ng bunsong kapatid ko pag na wala sa katinuan ang pinakamamahal n'yang yaya.
Sinilip niya ang mukha ko at nagtanong, "May problema ba?" Parang bumilis ang t***k ng puso ko at sumikip ito, sa totoo lang siya lang ang unang tao na nakapansin ng nararamdaman ko, bukod kay Rious naiintindihan niya rin ba ako?
"Pwede ba kong matulog sa tabi mo?" Tanong ko sa kaniya at mukhang na bigla siya pero ngumiti lang siya sa'kin, may kakaiba talaga sa babaeng ito.
"Depende kung ipapromise mo sa'kin na sasabihin mo 'yung problema mo? At isa pa wala kang gagawing masama sa'kin kundi!" tinaasan ko siya ng kilay at inasar ng kaunti.
"Kundi ano?" nag isip siya at parang wala siyang maisip na magandang sasabihin.
"Ah hmm kundi lalayas kaming dalawa ni Sir Darenn! Seryoso ako doon." binato ko siya ng unan, ang cute niya kasi nakakagigil.
As in papayagan niya kong matulog dito basta mag oopen kang ako sa kaniya? Nababaliw na ba siya? May balak talaga akong harasin siya kung alam niya lang pero masyadong mabait 'tong si Kaelynn.
Nintong mga na karaang linggo ganiyan na siya samin parang lalo siyang bumabait 'yung tipong mala anghel na mapanakit pero iniintindi niya pa rin kami, ano bang na kain nito? Nabagok ba sya?
"Sige tabi tayo matulog ah," niyakap ko siya at idinikit ang pisngi ko sa pisngi niya pero kinurot niya ang binti ko.
"Aww sakit nun ang pino mong mangurot!" Tumawa siya at pinagpag ang unan niya saka sumandal sa headboard ng kama.
"Game na iopen mo na 'yang nasa loob mo." napabuntong hininga na lang ako at hinayaang sabihin lahat ng nararamdaman at iniisip ko ngayon.
Sinabi ko sa kaniya lahat at wala akong narinig na kahit anong complain at hindi pagsang-ayon sa sinabi ko, hinayaan niya kong matapos magkwento at ilabas lahat lahat ng nasa puso ko.
Napasapo na lang ako sa noo ko at inisip na napaluwag niya ang loob ko, nakahiga na ko at siya na kasandal lang at nakikinig.
"At iyon nga hanggang ngayon wala pa siyang text, naiintindihan mo ba Kaelynn my loves?" tumango siya at pinat ang ulo ko na kinagulat ko. Ano ako bata? Pero sa totoo lang lalong pinagaan nun ang pakiramdam ko.
"Alam kong kambal kayo pero ito lang ang sasabihin ko sayo, magkamukha kayo pero may hiwalay kayong personality. May sarili kayong buhay at way na dapat tahakin so hayaan mo lang siya pero ito ang tandaan mo," lumapit siya kaunti sa'kin na nagbigay kaba at bilis ng t***k ng puso ko.
"Sabi mo nga kambal ka niya, kaya ikaw 'yung parte niya at siya ang parte mo ikaw 'yung taong hinding hindi niya makakalimutan. Or let me say ikaw 'yung bampirang hindi niya makakalimutan hehe," napangiti ako at pinitik ang ilong niya. Masyado siyang malapit baka hindi ko mapigilan ang sarili ko gahasain ko talaga siya dito.
"Salamat Kaelynn," ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya sa'kin, tama lahat ng sinabi niya kambal nga kami pero may sarili kaming buhay dalawa pero hindi ko kailangan mag alala dahil alam ko mag-oopen din siya sa'kin at ako 'yung existence na hinding hindi niya makakalimutan. Humarap lang siya sa salamin makikita niya na ko eh at syempre ganoon din ako sa kaniya.
Humiga na rin si Kaelynn at tinulak ako palabas ng kama kaya na bigla ako at galit na humarap sa kaniya.
"Oy may usapan tayo wag kang sinungaling." hindi niya ba ko papatulugin dito! Inisahan niya ko ah.
"Pakipatay 'yung ilaw, at please lumayo layo ka ah malawak ang kama," sabay talikod niya sa'kin at hindi ko alam napangisi na lang ako at takbo papuntang switch ng ilaw at talon sa kama.
Yayakapin ko sana siya ng bigla niya kong sinipa kaya no choice kailangan ko ng self control ngayon.
One pm na pero hindi talaga ako makatulog plus ang likot niya sa kama, ganito rin 'yung senaryo nung natulog kami sa tabi niya eh lagi n'yang yakap 'yung unan niya at pag nawala iyon mang yayakap talaga siya ng iba.
"Ahh okay hahaha," mahina akong napahagikhik at hinila sabay tapon sa sahig ng unan n'yang yakap, agad nag react ang katawan niya at naghanap ng mayayakap.
Syempre andito na ko idinonate ko na ang katawan ko sa kaniya at nagpayakap, talagang pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at isinampa ang binti niya sa binti ko. Sh*t wrong move Niel baka hindi mo macontrol ang sarili mo!
Huminga ako nang malalim at tumingin sa ibang direksyon pero inaakit talaga ako ng amoy ng buhok niya kaya sumuko na ko at isinubsob ang mukha ko sa buhok niya, ginagawa n'yang unan ang braso ko at nakasubsob siya sa dibdib ko habang mahigpit akong yakap-yakap.
Medyo kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan, ang bilis ng t***k ng puso ko at kinakabahan ako na baka naririnig niya ngayon ito, sa lahat ng babaeng na kasama ko sa kama sa kaniya lang ako kinabahan ng ganito at yakap pa lang niya ang saya-saya ko na.
Pano pa kaya kung maging akin siya, sabi pa naman niya virgin siya arrrgh nakakagigil! Pero hinay lang Niel ayoko pumalpak ngayon baka mapatay ako ng mga kapatid ko.
Pero tingin ko gusto ko na siya, may gusto na ko kay Kaelynn?
Tanga Niel hindi tanong 'yon, oo may gusto na ko sa kaniya.
Napangiti ako at niyakap na lang din siya nang mahigpit, best feeling ever na ba 'to? Hahaha, first time kong magkagusto ng ganito sa isang babae, ang sarap sa pakiramdam ng mainlove.
Pumikit na rin ako at hinalikan ang noo niya saka na tulog yakap-yakap siya.
❦❦❦
Iminulat ko ang mata ko at napansing umaga na, tinignan ko siya at mahimbing pa rin ang tulog niya, ang cute naman ng Kaelynn ko haha.
"Ah kaya pala wala ka sa kwarto nagsosolo ka na ngayon?" napalingon ako at nakita ko nasa pinto si Rious at nakacross arm at nakasandal sa pader, teka kailan pa siya andoon?
Sa paggalaw ko na gising si Kaelynn at parang hindi pa nagloloading ang utak niya pero agad niya na kong sinipa palayo.
"Aray matapos mo kong yakap-yakapin? Kaelynn my loves," sinamaan niya ko ng tingin at bumalik sa pagtulog. Okay? Tanghali na may trabaho ka pa chimay ka.
"Di ka man lang nagshe-share Niel kambal tayo dapat pantay." napakamot ako ng ulo at napatawa lumapit siya samin at humiga rin sa kama, niyakap yakap niya si Kaelynn at pinagsusuntok siya niyo habang na kapikit pa rin.
Sabay kaming napatawang dalawa at niyakap ulit si Kaelynn, tingin ko hindi lang kami pareho sa itsura.
Mukhang pareho rin kami ng gusto.
"Antan ti ate taylin ko?" Biglang lumagapak ang pinto at niluwa nito si Darenn at si kuya Daryl na may hawak na dyaryo at nakapajama pa.
"Umagang umaga kayong dalawa," sabi niya at umalis na, si Darenn naman nakatitig lang samin Na para bang minumura na kami ng tahimik.
"Ate taylin!" isang sigaw lang niya at biglang bumangon si Kaelynn at pumasok ng CR mga ilang segundo lang at nakamumog na ito sabay buhat sa paborito n'yang alaga.
"Goodmorning Sir Darenn ang cute mo talaga tara na anong gusto mong breakfast? Cookies? Pan cake?" At iyon lumabas na sila ng kwarto ng hindi kami pinapansin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Rious at napatawa.
"Wala talo tayo sa bunso natin," sabi niya at tumango ako saka siya niyakap.
"Nang bababae ka na naman kagabi Rious ko," pagdadrama ko sa kaniya at niyakap niya rin ako.
"Haha abnormal naghahanap lang pampalipas oras," at tumayo na kami saka lumabas ng kwarto.
Ngayon, mukhang hindi na kailangan ng kambal ko magpaliwanag. Bakit hindi ko agad na halata?
May pagtingin din siya kay Kaelynn.
Siya pa ba ang magiging karibal ko?
TO BE CONTINUED