Chapter Three

2876 Words
LIMIEN was playing Ravel Piano Concerto G Major. Nasa rehearsal siya para sa isang invitational performance sa concert ng Imperica Orchestra, ang pinakakilalang full cast orchestra sa bansa. It’s been a year since she started working on Green Haven Farm. Tatlong buwan na ang nakalilipas nang buksan nila sa publiko ang resort. Hindi pa ito fully-established. Ongoing pa rin naman ang construction. Pinaayos nila ang villa sa loob ng farm. Opisina at receiving area ng resort ang ground floor. Ang second floor ang nagsilbing rest house nila with four rooms. Dalawa roon ay hiwalay na ginagamit nila ni Hamiel. Patuloy niyang sinisikap na gawin lahat ng responsibilidad niya as a music icon, an in-demand endorser, at bilang negosyante. Aminado si Limien mahirap pagsabayin ang lahat ng commitments niya pero kinakaya niya. Lie low ngayon ang banda dahil sa pag-aaral ni Cielo sa South Korea kasabay ng masteral studies ng mga kabanda nila pero minsan ay tumutugtog pa rin sila kaya lalo siyang nahihirapan. Ang totoo ay mas naaawa siya kay Hamiel. Minsan ay wala na itong masyadong pahinga dahil sa hectic schedules. Mas malawak ding trabaho ang inako nito sa Green Haven Farm kaysa sa kanya. Mas madalas nang nagiging bahay nilang dalawa ang Green Haven Farm kaysa sa sari-sarili nilang bahay. She superbly played the Ravel piece. Memorable sa kanya ang piyesa na iyon. Iyon ang tinugtog niya sa isang International Piano Competition noong high school pa lang siya. Tinalo lang naman niya ang higit sa isang daang deligado ng iba’t ibang bansa sa buong mundo. Inuwi niya ang first prize sa kompetisyong iyon na ginanap sa Vienna. She always gave her best whenever she played the piano. Isa raw iyon sa nakaka-amaze sa kanya. Mukha raw kasing nasa concert siya kahit nagre-rehearse lang siya. As expected, she played the last notes excellently. Binalingan niya si Vlad pagkatapos. “How is it?” “What more can I say? You’re the best pianist I ever heard in my entire life. That was so brilliant. Babangon si Ravel para purihin ka sa magandang pagkakatugtog mo sa masterpiece niya,” biro pa nito. “Over ka naman!” tugon niya habang inaayos ang score sheet at inilagay iyon sa bag na dala. Tapos na ngayon ang rehearsal niya at tutuloy pa siya sa client meeting s***h barkada get-together sa Senang Hati. “Paano, Vlad, mauna na ako? At good luck na rin sa sasalihan mong competition. Baka kasi hindi na kita ma-good luck bago ka umalis. Busy kasi ako—” Natigilan siya at lihim na kinilig nang mapansing nakatitig sa kanya si Vlad. Nagagandahan ang lolo mo sa ’kin! OMG! Tuwing may rehearsal sila ni Vlad ay talagang nagpapaganda siya nang husto. Siyempre, kailangan niya iyon para ma-in love nang bonggang-bongga ang long time crush niya. Nitong mga nakaraang buwan ay napapadalas ang rehearsal nilang dalawa kaya napadadalas silang kumain sa labas mapa-lunch o dinner. Therefore, napadadalas din ang pagpapa-charming niya. “Limien…” Sasabihin mo bang may gusto ka sa akin? In love ka sa akin? Type na type din kita, Vlad! “Ano iyon?” Mahinhing isinipit pa niya ang nakalaylay na buhok sa likod ng tainga niya. Pa-demure effect ba. Ngumiti ito nang matamis. Kilig na kilig naman siya. “Si Hamiel, hinihintay ka na sa labas.” Ininguso nito ang glass door sa likod niya. Napalingon siya at nakita si Hamiel. Kumaway pa ito sa kanya. Panira talaga ng moment ang kaibigan niya. Nadismaya siya. Akala pa man din niya ay effective na ang pagmamaganda niya sa harap nito. Nag-effort pa man din siyang magsuot ng medyo revealing na damit courtesy of her ever reliable friend na si Tomomi para lang maakit si Vlad, pero parang walang effect. Nagpaalam na lang siya nang tuluyan dito. Paglabas niya ng rehearsal room ay kunot-noong tingin lang ang ipinukol sa kanya ni Hamiel habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. May mali ba sa suot niya? The last time she checked herself in the mirror, maganda naman ang outfit niya for the day. “Ano’ng problema mo?” tanong niya. “Bakit ganyan ang suot mo?” tanong ni Hamiel, still nakakunot ang noo. “Ano’ng masama sa suot ko?” “Hindi mo ba nakikita? It’s revealing, daring, and sexy. Alam ba ng nanay mo na ganyan ang suot mong damit habang nagre-rehearse ka? Eh, kaya naman pala kung makangisi at titig sa ’yo iyang si Vlad parang tuwang-tuwa. Naka-expose sa kanya ang cleavage mo!” “Huh?” Hindi niya inintindi ang biglaang pag-andar ng pagiging protective ni Hamiel. Mas naka-trigger ng senses niya ang sinabi nitong nakangisi si Vlad habang nakatitig sa kanya. Ibig sabihin, effective ang pang-aakit niya. “Huh na lang ang sasabihin mo? Sinisilipan ka na, okay lang sa ’yo?” Kumuha ito sa bulsa ng panyo at ibinato sa may hinaharap niya. “Takluban mo iyan bago pa—” Natigilan ito at napatingin sa cleavage niya pagkatapos ay umiwas ng tingin. Napakunot ang noo niya. “Bago pa ano?” Hinawakan lang niya ang panyo at hindi pinantakip sa damit niya. Pumikit ito nang mariin na pawang may kung anong pinipigil sabihin at naunang naglakad sa kanya palayo. “Forget it!” Sumunod na lang siya dito. Hindi naman ako bastos tingnan sabi ni Mama, ah. Ang tagal ko nang nagsusuot ng ganito, ngayon lang naman siya nag-react. Ano’ng problema ng isang ito? “Natanggap mo ba ang email ko kagabi tungkol sa purchases?” pag-iiba na lang niya ng topic. “Oo, naayos ko na ’yon—” Natigilan na naman ito nang balingan siya. Iyong cleavage na naman niya ang napagdiskitahan nito. “Takluban mo sabi iyan!” giit nito sabay lakad uli palayo. “Ano ang problema mo sa cleavage ko? Para namang mase-seduce ka nito,” balewalang sambit niya. Pero natutop niya ang bibig nang ma-realize ang sinabi niya. Lalaki nga naman si Hamiel. “Sorry!” Sinundan niya ito at hinabol. Hinila lang nito ng kamay niya nang hindi siya tinitingnan. “Bilisan mong maglakad. We still have a meeting to catch. Let’s go.” Naguguluhang sumunod na lang siya. Ano na naman kaya ang problema ng hamon na ito at mainit na naman ang ulo? Nabalingan niya ang magkahawak nilang kamay habang kinakaladkad siya nito. Hindi alam ni Limien kung bakit tila ang sarap sa pakiramdam niya na hawak-hawak nito ang kamay niya. Those fit perfectly. Ang sarap tingnan ng kamay nilang dalawa. Sa ’di niya inaasahang pangyayari, biglang kumabog ang puso niya habang pinagmamasdan ang kamay nila pataas sa seryoso nitong mukha. Why?’Wag mong sabihin nagkakagusto ka na kay Hamiel, Mien ha. Hindi puwede iyan! sita niya sa sarili. Napailing siya para ma-erase ang iniisip niya. Papalabas na sila ng building nang makasalubong nila ang ama ni Hamiel. “Oh, baby. You’re so pretty today.” Sinalubong siya ng yakap ni Tito Haime. Humalik pa ito sa pisngi niya. Parang anak na ang turing nito sa kanya kaya naman giliw na giliw ito ’pag nakikita siya. “Thank you po, Tito.” Binalingan nito ang anak. “At bakit ka nakasimangot ha? Kalimutan mo na iyong ex-girlfriend mo. Daming babae diyan, oh. Lingon ka lang, anak. Heto si Limien. Ako na ang kakausap kay Ross para maging okay kayo,” biro pa nito. Napapangiti lang siya. Pati magulang nila ay kasama sa mga taong umaasang magkakatuluyan sila ni Hamiel. Hmmm, thinking of advantages, hindi naman wrong choice ito. Kaya nga lang, magkaibigan sila. Iyon lang ata ang disadvantage. Lihim na napakunot ang noo niya sa naisip. Bakit ba naisip niyang balansehin ang pros and cons kung maging asawa niya si Hamiel? Piniling niya ang ulo. Iyon na naman siya. Hindi iyon puwede. Lalong kumunot ang noo nito. “Dad! Hindi ko papatulan ang isang ito lalo na ’pag ganyan siya manamit.” “Ang damit ko na naman ang nakita.” Binalingan niya si Tito Haime na nakangiti lang sa kanilang dalawa. “Tito, ang anak n’yo may sumpong.” “Mukha nga. Pero iyang holding hands drama n’yo, itulong n’yo lang iyan, ha. Malay natin, magbago isip n’yo.” Nagkatinginan sila ni Hamiel at sabay na napatingin din sa kamay nilang magkahawak. Parang napasong bumitaw siya sa isa’t isa at nag-iwasan ng tingin sa magkabilang direksyon. Napatawa na lang si Tito Haime. Nahiya naman siya. “Alam n’yo natutuwa talaga ako sa inyong dalawa.” Nagulat siya nang sabay silang yakapin nito. “You take good care of each other always, okay?” Bumitaw na ito sa kanila at binalingan si Hamiel. “Ikaw na muna bahala sa pamilya natin anak.” “May travel ka ba, Dad?” “Yeah. Pinag-iisipan ko pa kung tutuloy ako. Well in any case, ikaw na ang bahala sa mama mo okay? I need to go. Mag-iingat kayo ha.” “Kayo rin po,” koro nilang tugon. Sa ’di mawaring dahilan kapwa nila sinundan ng tingin ang papalayong hakbang ni Tito Haime bago sila nagdesisyong tumungo na sa meeting nila with Karisma Band members. *** NAKAKUNOT pa rin ang noo ni Hamiel habang nasa isang sulok ng board room ng Senang Hati habang si Limien ay nagto-talk tungkol sa Green Haven Farm sa mga kaibigan nila. Hindi niya talaga gusto na nagsusuot ito ng sexy na damit. Or rather, ayaw niyang may ibang lalaki na papansin sa daring nitong pananamit. Alright. Naiilang siya. Naiilang siyang mapansin ang seksing pananamit nito. He hated himself whenever those incidents happen. He felt so bad because he knew at the back of his mind, he’s silently praising his best friend’s georgeous body and beauty and it felt not right for him. Hindi naman siya puwedeng makaramdam ng malisya towards Limien. Idagdag pa roon na hindi niya rin maintindihan talaga ang sarili. Parang palagi na lang niyang gustong ilayo si Limien kay Vlad. Kanina ay ilang minuto rin niyang pinagmasdan ang dalawa sa loob ng rehearsal room. May kung anong kumukulit sa puso niya tuwing makikitang magkasama ang dalawa. Parang ayaw niyang maging saksi ng mga ganong eksena. Parang nagseselos siya pero ayaw niyang tanggapin ang bagay na iyon. Bakit naman siya magseselos? May gusto ba siya rito? Napailing siya. Mali iyon! Hindi niya dapat iniisip iyon, lalo na sa best friend niya. Masama ata ang epekto ng araw-araw nilang pagkikita dahil sa pag-aasikaso ng negosyo. Nakakalimutan niyang mag-best friend sila at hindi niya ito puwedeng isama sa listahan ng prospect niyang ligawan ngayong single na uli siya. Kagabi lang ay naging official ang breakup nila ni Theacar. Well in his part, kagabi lang naging official. Dahil mahigit limang buwan na talaga nang sabihin ni Acar na tapos na sila. Siya lang itong makulit na pinilit makipagbalikan. Kahit wala na sila, umasa pa rin siya na babalik din ito sa kanya. Until he received a call from Acar last night. Umiiyak ito nang tawagan siya at nag-sorry ito sa kanya nang paulit-ulit. Alam daw nitong nasaktan siya nang lubos. Theacar was pregnant but he wasn’t the father. It was Heijiro, ang lalaking pinili nito over him. Kaya pala ayaw na nitong makipagbalikan. Ngayon alam na niya ang tunay na dahilan. Nagtatataka lang siya sa sarili niya. Siguro nga ay ganon niya kamahal si Theacar. Ni hindi niya nagawang magalit. Ang tanging nararamdaman niya ay panghihinayang at sakit. “Any further inquiries?” tanong ni Limien sa mga kaibigan. Nagtaas ng kamay si Doc Mathew Geo Kaviero, rhythm guitarist ng kanilang banda. He’s also a Pediatrician at Tolentino-Ferrer Medical Center, ang hospital na pagmamay-ari ng magulang ni Dana. “Bakit ang sexy mo ngayon? May pinapagpa-charming-an?” Nagsunod-sunod ang kantyaw dito ng grupo. “Parang gusto nang magpaligaw!” sabat naman ni Hinaro Losin sabay lingon kay Hamiel. Hinaro was the drummer of the band who also owned one of the best investment consultancy firms in the country. “Kayo naman, wala namang effort si Mien o, parang nagpaparlor lang,” dagdag pa ni Dana. Danielle Ahne Ferrer was Limien’s cousin and his co-veterenarian at Ferrer Pet Hub, ang vet clinic kung saan siya affiliated. Tumayo si Richael at lumapit kay Limien. “In fairness, bongga ang dress ng lola mo. Keithan Apparels. Saan ang rampa ’day! Pasama!” Richael Gabuya was the band’s road manager under the supervision of Hamiel’s father. “Oo nga sama kami!” dagdag pa ni Christella Arevalo, the bass guitarist of the band, who’s also a young businesswoman who owned the Arevalo Trading Company. Nagtawanan lahat doon. Kabukod-tangi si Hamiel na hindi natutuwa. Nakisingit na siya. sa usapan. “Pagsabihan n’yo iyan na magsuot nang ayos kung ayaw niyang mabastos ng ibang tao.” All of them set their weird look at him. “What? Look at her. Revealed na nga ang cleavage, backless pa. At para saan naman iyan? All to seduce Vlad?” tanong niya. Binalingan niya si Limien. “Kung iyon rin lang ang dahilan mo kung bakit paikli nang paikli ang suot mo, maghubad ka na lang sa harap niya. Tapos ang problema mo!” “Ano ba, Hamham? Kanina ka pa. I thought the issue was done. Foul ka na, ah!” tugon nito. “Sino ka?” tanong naman sa kanya ni Dana. “Ilabas mo si Hamiel!” gatong pa ni Richael. “Hindi ikaw ang kaibigan namin!” dagdag pa ni Christella. “Wala ka namang pakialam sa suot na damit ni Limien dati, ah. Ba’t ganyan ka na ngayon?” usisa ni Dana. “May gusto ka na kay Mien ano?” hirit naman ni Doc Geo. “Nangangamoy selos.” “In love ka na sa best friend mo! Mahaba-habang inuman iyan!” sabat ni Hinaro. Napailing na lang siya. Lahat na lang ba, itutulak siya kay Limien? Palibhasa kasi hindi nila maintindihan ang tunay niyang nararamdaman. Well, pati siya, hindi na rin maintindihan kung ano ang dapat niyang maramdaman. Binalingan niya si Limien, walang imik lang ito sa isang tabi. “Tigilan n’yo nga ako sa kalokohan n’yong iyan!” pabalang na sambit niya sa usiserong mga kaibigan. “Ang init ng ulo ni Papa H!” komento ni Richael. “Mainit nga ang ulo niyan kanina pa. ’Wag n’yo na lang pansinin, like what I’m doing. Mauubos lang buhok ko sa isang iyan,” sabat ni Limien saboy irap. “Kayo naman. Intindihin niyo na lang. He just broke up with his ex,” litanya ni Geo. “And got jealous with his best friend.” “Kalokohan n’yo! Hindi gano’n iyon!” defensive na sagot niya. “Inuman na, pare!” dagdag pa ni Hinaro. “Pag-usapan natin ang love life mo!” hirit ni Geo. “Ayokong pag-usapan iyon. Besides, si Limien at ang damit niya topic dito.” “As far as I know, Green Haven Farm ang topic dito. Kung wala kang sasabihin tungkol sa negosyo, tumahimik ka,” sambit ni Limien sa tonong bahagyang tumataas na. “Nakakapikon ka na, ha.” “Ikaw ang pikon! Minsan ka na lang sawayin, ganyan ka pa,” sagot niya. “Hey guys. Don’t get things so serious. Mukhang stressed na kayo pareho kaya nagkakainitan na kayo ng ulo,” pag-awat ni Hinaro. “Si Hamham kasi!” sigaw nito. “Anong ako?” apila niya. “Kuya Hamiel!” sita ng mga ito sa kanya. And he knew it. Pinapaalala ng mga ito na mas matanda siya kay Limien kaya siya na lang ang mag-adjust. Pero mas magaling na iyon kaysa aminin niyang nase-seduce siya kapag naka-daring outfit ito. It would just make things complicated. Nagkatinginan sila. Nagsukatan ng tingin. Pero ayaw niya rin na magkaaway sila kaya siya na rin ang unang nag-give in. “Alright. I’m sorry.” Natahimik ang lahat sa sinabi niya. “My fault. Wrong choice of words. Mali lahat ng sinabi ko. Dapat hindi ko na sinabi iyon. Sinarili ko na lang sana.” Idinabog ni Limien ang mga hawak na papel sa mesa. “Ah, so all along, iniisip mong desperada akong magpapansin sa lalaki? Na willing akong maghubad sa harap ni Vlad para magustuhan niya ako? Na nagsusuot lang ako ng ganitong damit para akitin lang siya? Oo, nagpapa-cute nga ako kay Vlad. But that doesn’t mean, I’m desperate. That’s too much, Hamiel. Alam mong hindi pa ako puwedeng magka-boyfriend. Green Haven is not yet stable. So why would I waste time acting like a desperate?” Tumayo ito. “’Sige, para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo, maglo-longsleeves at pants ako bukas. Masaya ka na?” Walang lingong lumabas ito ng board room. Naiwan silang lahat na natigilan lalo na siya. Ano’ng ginawa mo, Hamiel?! Napailing na lang siya at pabagsak na isinubsob niya ang ulo sa mesa. “Me and my stupidity.” “Sa’yo galing iyan hindi sa amin,” sambit ni Hinaro. Agad siya tumayo at hinabol si Limien. Naglalakad na siya sa hallway nang mag-ring ang phone niya. Ang mama niya ang caller. Sa ’di niya mawaring dahilan ay bigla siyang nakadama ng kaba. Agad din niyang naalala ang ama niya. “’Ma?” Paghikbi ng kanyang ina ang una niyang narinig. “You’re Dad…” Tila nablangko siya nang sabihin ng kanyang ina ang pinakamasamang balitang natanggap niya sa tanang buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD