bc

Know Me By Heart (Filipino)

book_age16+
1.6K
FOLLOW
9.5K
READ
opposites attract
friends to lovers
goodgirl
band
drama
bxg
witty
female lead
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

Limien, a celebrity pianist, and Hamiel, a band vocalist of the famous Karisma Band shares a unique best friendship. Sa sobrang sweet nila sa isa't isa, inakala ng lahat na may something romantic sa kanila kahit wala. In fact, Hamiel has a girlfriend and she has a long-time crush on her fellow known pianist named Vlad.

But one day, they find themselves falling for each other so fast. They were given the chance to turn their friendship into a romantic relationship. Everything iss perfect until something breaks them into pieces.

Paano kung dumating ang araw na hindi ka na makilala ng taong mahal mo? At nang sa wakas ay naalala ka na niya, ikaw naman ang hindi makakita. Will love be enough to stay together?

chap-preview
Free preview
Prologue
Dear Daddy Ross, I’m here now, Dad. Sorry to keep you waiting for couple of days for my letter update. I’d been so busy these past few days for your death anniversary and my birthday as well. I have lots of things to share with you in this letter. So here it is, Dad. It’s your 16th year of death, Dad. It seemed that Mama Sandra feels the same way as years pass by. The pain was still in her heart. The grief, the forgiveness, the suffering… I can see them in her eyes. Dad, Mama loves you so much and she’s longing for your love every single day. If only I can do anything to make her happy. Yes indeed, Mama said, I’m her happiness but God knows, you are more than happiness means to Mama. You are her life. And every now and then, she always whisper to me how much she loves you. It’s really sad that you are not here to make her happier. But anyway, life must go on. So we tried hard to move on. But Dad, it is very difficult. Mahirap lang talagang iwasang ’di mag-emote kapag death anniversary n’yo. As usual, we gave tribute to you at Senang Hati Music Lounge last night. My band, the Karisma Band which so happen to be the successor of your band the Infinity, performed and jammed along with your old friends. Yeah, Dad, they are old now while you look so young on those videos you left me. Narinig mo ba kami kagabi? Siguro niyaya mo ring mag-party ang mga kapwa mo souls diyan sa after life ano? Did you hear me sing that wonderful song for you? Napahinto si Limien sa pagta-type ng blog entry niya sa pamanang website ng kanyang ama nang mangilid ang luha niya. Ang dating blog site na iyon, that was formerly meant for her mom ay naging website na ngayon para sa kanyang ama. Ginawa iyon ng Daddy Ross niya bilang outlet ng feelings nito sa kanyang ina noong panahong nagkahiwalay ang magulang niya at muling na-reunite after eight years. May dating title ito na, “My Sweetness, My Sandra, My Life” and later on nagkaroon ito ng tab para sa kanya na may heading na, “Our Little Princess, Limien” kung saan inilagay ng kanyang ama ang mga pictures, videos, at blogs na inialay nito sa kanya. Ipinagmalaki siya ng kanyang ama sa buong mundo. Kaya mula pagkapanganak ay marami nang nakakakilala sa kanya sa internet. At ngayon nga, may pangatlong corner na ito na may heading na, “Dear Daddy Ross.” Ginawa iyon ng kanyang ina noong namatay ang kanyang ama. Nagsilbing outlet naman iyon ng Mama Sandra niya habang nangungulila ito sa loving daddy niya. Mula noong ipinanganak siya, namatay ang kanyang ama, at ngayong nasa kolehiyo na siya ay patuloy silang mag-ina sa pag-maintain ng website na iyon na sa tagal ng panahon ay million na rin ang followers. Muling nanumbalik ang lungkot sa puso ni Limien. She really regretted that she lost the chance of growing up with a loving father. God knows how much she wanted to see her Dad, to embrace him, tell him everyday how much she loves him, and to dance with him all day and night until the dawn breaks. God knows how much she wanted her Dad to be there beside her…alive. Pero lahat ng iyon ay hopeless wishes na lang. Her dad would never come back. The late Ross Daniel Ferrer had a rare type of cancer of the blood known as Acute Myeloid Leukemia and died when she was just two years old. Mula noon ay hindi na muling nag-asawa pa ang mama niya. Ngunit sa kabila ng pagiging non-existent ng ama niya, hindi ito nagkulang sa pagmamahal sa kanya. Her dad left her with more or less seventy videos na installment basis niyang natatanggap. Ang ilan kasi sa mga video na iyon ay birthday gift nito sa kanya at ang iba naman ay naka-specify ang date kung kailan mapapasakanya. Ang mga videos na iyon na ginawa ng tatay niya ilang buwan bago ito mamatay ang siyang nagpakilala sa kanya kung sino ang kanyang ama. Noong bata pa siya, hindi niya alam na wala na siyang ama. Her mom kept on showing her videos and whenever she asked where her dad was, isa lang ang sagot ng kanyang ina: “Nasa malayo lang siya, anak.” She thought she had a broken family or her father was working abroad until she graduated in elementary. Ipinagtapat ng nanay niya na wala na ang tatay niya. Matagal na itong patay at ang tanging bilin nito ay ang ma-recognize ito bilang mapagmahal na ama. Iyon ang first time na nagluksa siya sa kanyang ama. Noong una ay hindi niya matanggap na patay na pala ito. He was so alive in those videos. Ilang buwan pa ang lumipas bago niya natanggap na ulila na siya sa ama . . . na hindi na niya puwede pang hilingin sa mga dasal niya na umuwi na sana ang daddy niya. Unti-unti, natanggap niyang sa kabilang buhay na lang sila muling magkikita. The videos were the living memories of her loving father. Kaya naman hindi na rin siya naghanap pa ng bagong ama. Naintindihan na rin niya kung bakit hindi na rin naghanap ng bagong asawa ang mama niya. Her father’s love for them was eternal. Ipinikit niya ang mga mata at umiling para iwaglit sa isipan ang napakarami niyang regrets sa buhay dahil hindi niya naranasang mayakap at makasama ang ama sa panahong nakauunawa na siya sa mundo. Bumuntonghininga siya at ipinagpatuloy ang pagta-type. Dad, sana nagustuhan mo iyong version ko ng Dance With My Father. Ako ang nag-arrange no’n. I got your talent, you know it. And hopefully, someday, my name will be known in the world of music . . . I want to be a female Jim Brickman icon someday. I will sing love songs and play the piano. But for now, I’ll start from being a female Beethoven, Ravel, and Mozart. Pagkatapos ko ng college, I’ll be working on my first classical music album. All arrangements of my piano pieces will be solely dedicated to you. That’s my way of sending back the love you had given me despite our great distance. I love you so much, Dad. I really do. Namataan niya sa mesa ang mga pictures no’ng mag-celebrate siya ng 18th birthday niya at ang mga pictures noong nag-jam sila ng Karisma Band sa Senang Hati. Napangiti siya. It’s also my 18th birthday today, Dad. Two nights ago, I celebrated my birthday with the family and close friends. Ayoko talaga ng party, Dad, kaya pasensiya ka na at hindi natupad ang sinabi mo sa akin na magpa-party si Mama nang bonggang-bongga para sa aking debut. Well, how can I enjoy a party if this date was also the reason why you are not here with me? I’m still asking why you have to leave on my birthday? Why did you leave us at all? Nevertheless, I had a great birthday celebration. Ando’n lahat ng close friends ko. And even your old folks had a small party with us. Nakakatuwa, Dad. Parents and their children were dancing and drinking together as if they were just group of friends. Yeah, Dad, may inuman session. But I didn’t drink much. Naalala niya ang dahilan kung bakit hindi siya nakainom nang marami noong gabing iyon. Her best friend, Hamiel guarded her throughout the night. Kapag dadampot siya ng alak ay inaagaw nito ang baso at ito ang umiinom. Ang ending tuloy, nalasing ito at siya ang naging dakilang tagapag-alaga. Tawa siya nang tawa noon. Ibang-iba kasi ang best friend niyang ito ’pag lasing. Salita ito nang salita ng mga bagay na hindi naman connected at kadalasan ay walang sense. Nangingiting binalikan niya ang pagta-type sa laptop niya. Dad, si Hamiel, palagi pa rin siyang nasa tabi ko. Kahit na busy siya sa trabaho niya and most of the time kung saan-saan siya pumupunta, hindi pa rin niya ako nakalilimutan. He’s still my kuya, my playmate, my brother, and my best friend. He’s my angel. Alam ko, Dad, ipinadala mo siya para may mag-alaga sa akin. Thank you, Dad. And in return, I promise to be his very best little princess no matter what. Dad, since it is my birthday, can I ask something from you? Si Tomomi, iyong college best friend ko, madalas kang nakikitang kasama ko. Sana lang, Dad, makita din kita, makasama . . . mayakap. Kahit sa pananginip lang, Dad. I’ll wait. I’ll patiently wait. Your loving daughter, Limien Rose Isinama niya sa blog post ang video ng performance ng Karisma Band noong kantahin niya ang kanyang version ng Dance With My Father of Luther Vandross para sa kanyang ama at ilang mga picture. Pagkatapos ay excited na kinuha na niya ang birthday gift niya galing kay Daddy Ross. As usual, it was a video. She set aside the laptop and turned on the flastscreen TV inside the entertainment room. No cell phone, no laptop, no internet, and no interruptions. Iyon ang drama niya tuwing kakausapin siya ng Daddy Ross niya sa mga video. Ibinibigay niya ang buong oras at atensyon niya rito at lahat ng iniiwan nitong bilin at payo sa kanya ay sinusunod niya. Hey there, my sweet lovely Limien Rose. How’s my eighteen year-old baby? I know by the moment you are watching this video, you are already a grown up lady. How do you look like baby? More of Sandra or more of me? Ngumiti si Limien. “It’s more of you, Dad.” Still feel awkward right? Ako rin. Pakiramdam ko nga isa na akong baliw. Imagine, I’m talking to my daughter that is years apart from my timeline here. But still, I’m full-heartedly willing to talk to you even from day to day kung puwede nga lang. Napagagalitan na nga ako ng Mama mo kasi siya ang nahihirapang mag-edit at mag-preserve nito para abutin mo pa ang mga video na ginawa ko para sa ’yo. Ang dami na nga, eh. By the way, how’s your beautiful Mommy? I-kiss mo ako uli sa kanya, ha. Sana ako pa rin ang one and only niya. Pero kung sakaling may iba na siya, I will still be happy. At least, may mag-aalaga na sa mag-ina ko. Ngumiti ang Daddy niya pagkatapos ay tuluyan nang tumawa. May violent reaction ang mama mo rito. Hindi raw mangyayari iyon. Okay, okay. So don’t forget to give her sweet hugs and kisses, baby. Biglang lumungkot ang mukha ng kanyang ama. I know I missed a lot about you. Your schooling, your teenage life, friends, peer pressure, and crushes. Uy, anak, may boyfriend ka na ba? ’Wag ka muna sanang magpaligaw. Love is not that easy to handle sometimes. Kaya unahin mo muna ang studies at career mo bago iyon. You’re still young, anyway. As of the moment, focus on your dreams first. Kahit ano pa iyon, suportado kita; suportado ka namin ng mama mo. And then find your destined guy when you’re ready. Fall in love, have years of relationship, and got married. Pero hangga’t hindi ka pa nakatatapos at hindi pa stable ang career mo, no manliligaw, no fling, no boyfriend, okay? Learn more about life. Para ’pag dumating ang love sa ’yo, siguradong handa ka na. Napangiwi siya. Nasapo niya ang noo. Paano na ang pagsintang-panis niya sa kapwa niya pianist na si Vladimir Cerio who happened to be her first crush way back in high school? Bawal pa pala. Dad naman, eh! Iwinaglit niya muna iyon sa isip at pinagpatuloy ang panonood ng video. Pasensiya na uli, anak ha. Wala si Daddy diyan sa tabi mo. Palagi na lang siguro akong hihingi ng tawad sa ’yo. Pakiramdam niya ay piniga ang puso niya nang mapansing nangilid ang luha ng kanyang ama sa video. Kung masakit sa kalooban niya ang mabuhay nang walang ama, batid niyang tripleng mas masakit sa kanyang ama na iwan siya. “Dad…” Ang totoo anak, gusto kitang mayakap. I want to be there for you. But fate did not allow it to happen. ’Wag ka sanang magagalit sa akin, anak, kung nagkulang ako sa ’yo at sa mama mo, ha. Hindi ko ito ginusto, anak. Tears fell from her eyes as the video captured the tears fell from her Dad’s lonely eyes. Ross seemed to lose his composure at that moment. You know what? Today, at this very moment that I’m doing this video for you, your Mama Sandra is crying at the other side of this room. Your mama is carrying you . . . the baby Limien who‘s too innocent and fragile. You’re just a year and four months old in my timeline, baby. Alam mo ba kung bakit kami emotional ngayon? Look. Tinanggal ni Ross ang bonnet sa ulo nito. Tumambad sa video ang nanlalagas ng buhok ng kanyang ama. First time nitong ipinakita sa kanya ang epekto ng cancer at chemotheraphy sa katawan nito. Napapansin niyang patuloy itong namamayat sa bawat video na natatanggap niya. At ngayon, halos makalbo na ito… malayo sa itsura nito sa mga videos na napanood niya noong bata pa siya. Kaunti na lang ang buhok ng daddy mo, oh. I undergone chemotherapy hoping na baka mapahaba pa ng treatment ang buhay ko. Nag-decide kami ng Mama mo na subukan lahat ng possible treatment para magtagal pa ako sa piling n’yo, but . . . things are not working out. It feels like my dying period has begun. Tinapat na kami kanina ng mga doctor na hindi na raw ako magtatagal. Kinakain na ng cancer ang katawan ko. Nang malaman namin iyon ni Sandra, ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko. Paano ka na, ’pag nawala na ako? Her dad started to shed tears. Limien felt the emotional pain that her Dad was carrying that time. Unang pagkakataon din niyang nakitang umiyak ang tatay niya. Ross was always smiling and happy in his past videos. But this video was really different. As she watched her Dad crying ay tuloy-tuloy din ang pagpatak ng luha niya. “Dad, stop crying, please.” She moved closer and touched the TV screen hoping that she could literally wiped the tears of her Dad even if she knew, she couldn’t. It was really heart-breaking. Mabigat sa dibdib na ipinagpatuloy ni Limien ang panonood. Ross wiped his own tears and smiled. Pero hindi umabot sa mata nito ang ngiting iyon. Ooops! I’m sorry, anak. Na-carried away ang daddy mo. Mama mo kasi, iyak nang iyak. Nahahawa tuloy ako. Sandra, come here. The young version of her mom appeared in the video. Pugto ang mga mata ng mama niya. At gaya nang sinabi ng tatay niya kanina, buhat ng kanyang ina ang baby version niya. Umupo ito sa tabi ng dad niya and smiled. Halos walang ipinagbago ang hitsura ng nanay niya even after years. Hi ,anak, look, oh. Ang taba mo ngayon and you’re so cute. Anyway, may speech pa itong tatay mo kaya maikli lang ang exposure ko, ha. Tumawa ang mga ito. Napangiti rin siya. Tinapunan muna ng tatay niya ng nakakikilig na tingin ang nanay niya bago muling bumaling sa camera. Her mom and dad was an evidence that eternal great love really do exists. Kaya nga hinihiling din niya na someday magkaroon siya ng one great love katulad ng love story ng mga magulang niya. I love your mama so much. Her dad gave her mom a quick kiss at muli itong bumaling sa camera. Kapag wala na ako, ikaw na ang bahala sa kanya, ha. And I hope someday, you’ll find your one great love too. Paano, time’s up na? Wait, may graduation gift nga pala ako sa ’yo anak. I know you still have few years to finish college but I want you to know about it at this early. It was a parcel of land located in Tagaytay. It’s all yours. Do whatever you want on it. Sa ngayon naka-invest ang lupa sa kompanya ng lolo mo, sa Pontez Group of Companies. I ask your mom to give you some challenge or consequence before you get it. You’re not young anymore. You need to learn more about life. Whatever her condition will be, I know you can do it. Good luck, baby Limien. I love you so much. ’Til next time, baby. Take care. Her parents waved before the video turned black. Ilang segundo nang tapos ang video ay nakatingin pa rin siya sa TV. Her heart was filled with mixed emotions. It was so glad to know how much her Daddy loved her. Ngunit kapag naiisip niya ang sad part ng mga video ng dad niya ay hindi niya maiwasang maging emotional. Few minutes after ay ibinuhos lang niya sa pag-iyak. Her dad never failed to make her cry. Wala naman siyang magawa kung ’di ang umiyak na lang. Kung mabubuhay lang sana ng mga luha niya ang kanyang ama. Kaya lang, hindi naman puwede iyon. Nang lumuwag na ang pakiramdam niya pagkatapos umiyak ay kinuha na niya ang DVD at itinago na iyon sa cabinet kasama ng iba pang videos mula sa kanyang ama. Tapos na ang session niya with her late father. She turned on her cell phone as she walked toward her mom’s room. Inabutan niya si Mama Sandra na natutulog sa kama nito. Yakap-yakap nito ang isang unan na dinamitan nito ng polo ng kanyang ama. Her mom used to live in that kind. Para daw hindi ito masyadong mangulila sa asawa ay ginawa na nitong parte ng buhay ang bihisan ang unan ng mga dating damit ng kanyang ama. Sa ganitong paraan, pakiramdam ng mama niya ay kapiling lang nito sa pagtulog ang yumaong asawa. Hindi na niya inabala pa ang ina. Tahimik siyang bumalik sa silid niya. She received a text from the Karisma Band’s road manager, Richael. From: Richael Gabuya Band rehearsal at 3pm today for a tv show guesting. Venue: Pontez Media Recording Studio. See you later guys.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
40.5K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.4M
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
179.7K
bc

Sexytary |SPG|

read
549.5K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook