TAHIMIK ang buong paligid ng malawak na sementeryo. Kahit napakaraming tao ang nakiramay at naghatid sa ama ni Hamiel sa huling hantungan ay nanatiling solemn ang lugar. Andon lahat ng artista, singers, at models na na-handle ng ama nito mula noon hanggang sa bago ito bawian ng buhay dulot ng atake sa puso. Pati na rin ang mga malalapit na kaibigan at kapamilya nito ay nakiramay rin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Limien na wala na ang taong nagturing sa kanya bilang isang anak kahit hindi niya ito kadugo. Parang ang bilis ng pangyayari. No’ng araw na namatay ito ay iyon din ang araw na huli niya itong nayakap at nakausap. Ni hindi niya naisip na iyon na pala ang huli. Ni hindi man lang niya nagawang magpasalamat sa kabutihan ni Tito Haime. Ito rin kasi ang talent manager niya.
Inakbayan siya ni Hamiel. “Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, Limien. I feel so numb.”
Niyakap niya ito. “Pati ako ganyan din ang nararamdaman. Parang tatay ko na rin si Tito Haime.” Pumatak ang luhang kanina pa niyang pinipigilang pumatak.
Dahil na rin sa pag-iyak niya ay tuluyan na ring umiyak si Hamiel. Ramdam niya ang lungkot, pangungulila, at takot na nararamdaman nito ngayong wala na ang ama nito. Naiintindihan niya ito. Kung siya nga na wala pang malay sa mundo nang mawalan ng ama ay labis na nangungulila, ito pa kaya?
“How can I survive this pain?” sambit nito sa pagitan ng paghikbi. Mataman itong nakatitig sa kabaong ng ama. “Nawala na sa akin si Theacar at nawala pa si Dad. Mien, ’wag kang mawawala sa akin, ha. Maliban sa mama ko at mga kapatid, ikaw na lang ang natitira sa akin.”
Niyakap niya ito nang mahigpit. Hindi lang awa ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Alam niyang higit sa kahit anong bagay ay mas nangingibabaw sa kanya ang kagustuhang tulungan itong makabangon pagkatapos ng pagsubok na ito.
“I’m always here for you, Hamham. Hindi ako mawawala.”
“Thank you, Mien, and I’m sorry for the last time. Hindi na ako nakapag-sorry nang ayos sa mga nasabi ko.”
“Don’t mind it. Hindi naman importante iyong pinag-awayan natin.”
“Mien…” Humikbi pa ito bago bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. Tiningnan siya nito. Namamaga ang mga lumuluhang mata nito, tanda ng ilang gabing pagluha at pagpupuyat. Nagkasabay silang pawiin ang luha ng isa’t isa. “Salamat!”
Sinenyasan siya ng pari. Oras na para mag-alay ng awitin para kay Tito Haime habang ibinababa sa hukay ang kabaong nito. She was the funeral singer. Supposedly, si Hamiel ang kakanta pero nakiusap ito sa kanya kung puwedeng siya na lamang. Hindi pa raw nito kaya ang emotional burden na dinadala.
Siya ang kauna-unahang lumapit sa kabaong ni Tito Haime bago ito tuluyang ibaon sa hukay. Parang pinipiga ang puso niya habang pinagmamasdan ang mukha nito na napakamaaliwalas sa kabila nang biglaan nitong pagkamatay.
Tito, maraming salamat sa pagturing n’yo sa akin na parang anak niyo na rin. Mahal na mahal ko po kayo. ’Wag po kayong mag-alala, aalagaan ko po si Hamiel. Ipinatong niya sa kabaong ang puting rosas.
Umupo siya sa tapat ng isang piano. Naka-set up iyon sa tabi ng paglilibingan ni Tito Haime. Beside her was Geo, Christella, and Dana to play the guitar and do the second voice. Cielo was on the other side to play the violin. Beside him was Hinaro with his wooden beatbox. Lahat sila ay emotional din. Dahil sa araw na iyon, nawalan ng ama ang Karisma Band. She started playing the first notes of their rendition of Can’t Cry Hard Enough of Bellefire and her bandmates followed.
Nagsisimula na namang mangilid ang luha niya. Pumikit siya at dinama ang kanta. Buong puso niyang inialay kay Tito Haime iyon. Habang kumakanta naman siya ay unti-unti binababa ang kabaong sa hukay habang patuloy sa paghahagis doon ng rosas ang lahat ng mga nakiramay.
Binigyang laya niya ang tumulong luha na dumaloy sa kanyang pisngi habang kumakanta siya. Nang magmulat siya ng mga mata ay nahagip ng paningin niya ang mama ni Hamiel. Iyak lang ito nang iyak habang yakap ng kaibigan niya. Wala ring humpay ang pag-iyak ng dalawa pa nitong kapatid na sina Miguel at Amhiela. Walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman ng pamilyang iniwan ni Tito Haime. Muli, pakiramdam ni Limien ay sinasaksak siya sa dibdib. Gano’n pala talaga kasakit. Gano’n pala kahirap magpaalam sa taong namayapa na.
Pagkatapos ni Hamiel maghagis ng bulaklak sa hukay ay pinili nitong sa tabi niya manatili at mula roon ay tahimik itong humihikbi habang pinapanood ang pagbaba ng kabaong ng ama nito.
Maya-maya lang ay tinabunan na ng lupa ang hukay at nilagyan na rin ng lapida. Tuluyan na silang nagpaalam kay Tito Haime. Alam niyang mas malalim na sugat pa ang dapat mahilom sa mga susunod na araw. At kahit ano’ng mangyari, paninindigan niya ang ipinangako niya kay Tito Haime. Aalagaan niya si Hamiel.
***
ILANG minuto nang nakatanaw lang si Hamiel sa bughaw na langit habang nakatukod ang magkabilang braso sa hamba ng veranda ng kuwarto niya. Papalubog na ang araw. At muling pinapaalala noon ang kanyang ama. Limang araw na nang ihatid nila sa huling hantungan ang kanyang ama. Humingi siya ng isang linggong break sa mga kabanda para makapagluksa. At sa mga nakaraang araw ay hindi siya halos lumalabas ng kuwarto niya. Naroon lang siya, paminsan-minsan ay umiiyak o kaya ay tulala.
Hindi pa rin niya tanggap ang nangyari ngunit wala naman siyang choice. Indeed, kailangan niyang maging matatag. Ngayong wala na ang kanyang ama, siya na ang tatayong Padre de Familia.
“Dad, guide me. I don’t know what to do.”
Lumaki siyang palaging nasa tabi niya ang kanyang ama para umagapay sa kanya. Lahat ng desisyon sa buhay ay kinokunsulta niya sa ama. Kaya pakiramdam niya, higit pa sa kalahati ng buhay niya ang nawala. Hindi niya alam kung kaya ba niya ang responsibilidad na iniwan ng kanyang ama sa kanya. Tinapunan niya ng tingin ang hawak na gold medal. That was his first gold medal from a drag race competition way back when he was a kid. Iyon ang unang pagkakataon na nakasama niya ang kanyang ama sa race track. Muling nangilid ang luha niya. Bago umagos muli ang mga iyon ay itinago na niya sa bulsa ang medal at tumingin muli sa langit.
He sighed hanggang sa mapadako ang tingin niya sa katapat na bahay. He hadn’t seen Limien for the past few days. May music video shoot ito out of town. Before his father died, Limien and Vlad were working on a collaborative album. Nag-arrange ang dalawa ng sarili nilang piano versions ng mga iconic love songs.
On cue, namataan niya ang kotse ni Limien na paparating. Nag-park ang kotse sa tapat ng bahay nila. Agad na umibis mula sa sasakyan ang driver nito para buksan ang gate sa katapat na bahay. Sumunod na bumaba mula sa backseat ng kotse si Limien. Agad itong kumaway sa kanya nang makita nitong nasa veranda lang siya.
“Hey, Hamham! May pagkain ba riyan? Gutom na ako!” she cheerfully yelled.
Napatawa siya. “Tuwing magkikita na lang tayo, gutom ka!” he yelled back. “Wala ako sa mood magluto. Magpaluto ka na lang kay Manay Olive.” Ang tinutukoy niya ay ang yaya ni Limien mula pagkabata.
“Wala si Manay Olive. Nagpaalam na magsisimba sa Quiapo. Wala si Mama, nasa Vietnam pa for her film.” Isang film director ang nanay nito. “Pagod na ako. ’Di ko na kayang magluto!” She looked at him na may halong paawa acting.
He sighed then smiled. “Okay, pasok ka. Ipagluluto kita.”
“Yes! Wait magbibihis muna ako.”
Tinanaw niya ito nang pumasok ito sa katapat na bahay. Nang maglaho na ito sa kanyang paningin ay saka lang siya kumilos para lumabas ng kanyang silid.
Nakasabay niya pagbaba ng hagdan si Miguel na may hawak na laptop sa kaliwa at cell phone sa kanan. May kausap ito sa cell phone. Tinapunan lang siya nito ng tingin bago muling ibinalik sa hagdan ang paningin.
“Manage my account in the Forex trade, Zeth. Feed me updates. I can’t handle it now. I need more time in MDC Food Corporation,” narinig niyang sambit nito sa kausap.
A realization hit Hamiel. Lahat ng negosyo ng kanilang mga magulang ay si Miguel lang ang may alam. Though their mom was still working, majority ng trabaho ay na kay Miguel. It was unfair to his brother. Hindi kasi nito natupad ang sariling pangarap dahil kailangan nitong maging tagapagmana ng negosyo ng kanilang magulang habang silang dalawa ni Amhiela ay malayang nakuha ang propesyong pinangarap. Dapat hindi niya sinosolo lahat. Responsibilidad ko dapat iyon.
Pagkababa nila sa sala ay saktong natapos ang pakikipag-usap nito sa cell phone. Papunta sana ito palabas ng lanai nang tawagin niya ito. “Migs…”
Huminto ito at lumingon sa kanya. “Bakit, Kuya?”
“Iyong mga negosyo ni Dad—”
“’Wag mo nang isipin iyon. Nag-usap na kami ni Mama. At saka, malinaw naman sa last will ni Dad na ako ang mag-aasikaso ng lahat. Iyon ang ibinilin niya. You and Amhiela will just sit back and happily earn from shares of stocks nang walang kahirap-hirap. Isn’t it more than a good thing for the two of you?” he said in sarcastic tone.
Mula nang magtrabaho si Miguel sa US para hawakan ang ibang negosyo ng kanilang ama, napansin na ni Hamiel ang pagiging cold nito. Lumala ang sitwasyon ngayon dahil maging ang pagkamatay ng kanilang ama ay pinag-awayan pa nina Amhiela and Miguel. Their dad requested them to sign the Do Not Resuscitate Order nang atakihin ito sa puso. Gusto ng kanilang ama na kung sakaling atakihin uli ito ay hayaan na lang itong pumanaw. They all refused to sign the DNR Order except Miguel. Kaya nang tuluyang mamaalam ang kanilang ama, naibunton ng bunso nilang kapatid ang sisi kay Miguel.
Inaamin ni Hamiel, a part of him ay napapaisip din kung ano sakali ang nangyari kung hindi pumirma si Miguel. But unlike Amhiela, wala siyang galit sa kapatid kahit na ramdam niya na malaki ang galit nito sa kanya. Walang patutunguhan kung mag-away silang magkakapatid. Hindi naman na mabubuhay ang ama nila.
“Let me handle some of it,” saabi niya.
Tiningnan lang siya nito in poker face. “Let me see. Ano’ng alam mo sa Forex trade? Sa Philippine Stock Exchange? Equity, bonds, securities? Wala ’di ba? Ano’ng alam mo sa food service? Kailan ka huling tumuntong sa opisina ni Mama sa MDC para tumulong? Kailan ka huling bumisita sa mga fast food resto ni Mama? Wala ata akong maalala. Alam mo, kung talagang gusto mong tulungan ako, sana noon pa. Noong mga panahon na hindi ko alam kung paano ako magsisimula. I don’t need your help now, Kuya. You better just go back to your clinic and to your zoo. Tutal naman, mas ginusto mo pang magnegosyo kasama ang mga Ferrer kaysa asikasuhin ang negosyo ng pamilya.”
Tinamaan siya sa sinabi nito. Green Haven Farm was a business with the Ferrer clan. Maging ang veterinary clinic niya isang Ferrer din ang ka-partner niya. Nakuyom niya ang kamay sa pagpipigil na maundayan ito ng suntok. Pero hindi naitago ng kanyang mga mata ang totoong nararamdaman.
“Oh, did I just hit your ego? Bull’s eye ba?” Miguel sarcastically asked.
Hindi na siya nakapagpigil. Hinablot niya ang kuwelyo ng polo shirt nito at akmang susuntukin na niya ito. He was still trying to hold his grip, though. “Ano ba’ng problema mo, ha?!”
“Go ahead, Kuya. Punch me. Masakit ba ang katotohanan?” Lalong humigpit ang pagkakahablot niya sa kuwelyo nito.
On cue, pumasok ng mansion si Limien. “Hoy, ano ba iyan? Bakit kayo nag-aaway? Kaloka kayo!” Sinubukan nitong pumagitna sa kanilang magkapatid. Tiningnan siya ni Limien. “Let go, Hamiel.”
Hamiel sighed and let go of Miguel. Ngunit lalo lang siyang nainis nang pagak na tumawa ito.
“Tinatanong mo kung ano ang problema ko, Kuya?” Tinapunan nito ng tingin si Limien na napakunot ang noo at muling bumaling sa kanya. “Nasabi ko na kanina. I know you get it.” Then he started walking out. Ngunit bago pa ito makalabas ng lanai ay bumaling ito sa kanya. “On a second thought, sa ’yo na lang ang talent agency ni Dad. Wala naman akong hilig sa celebrities. You’ll be good at it for sure. Ikaw na rin ang tumapos sa mga nabinbin niyang movies and music videos projects as executive producer. Marami pa iyon. Just ask Tita Sandra about it. Baka naman kasi isipin mo, ipinagdadamot ko sa ’yo ang mga negosyo ni Dad. Hindi iyon sa gano’n. You are still incompetent and lack of knowledge. And as the next President of the board, I want you to know that I don’t hire people like that. HC Group of Companies don’t deserve less competent than the best. You’re not yet ready. Mag-aral ka muna. Saka mo ako balikan about that.” Then he continued walking hanggang sa maiwan silang dalawa ni Limien.
Nakakunot pa rin si Limien nang bumaling ito sa kanya. “Bakit parang may kasalanan ako? Masama na bang makikain sa kapitbahay?” tanong nito sa kanya. “Ano ba’ng pinag-aawayan n’yo?”
Napailing na lang si Hamiel sabay akbay kay Limien. “Don’t mind him. Ano’ng gusto mong kainin?” He tried to smile para bahagyang makalimutan ang kinakaharap na problema. Sa pagkawala ng kanyang ama, pakiramdaman niya isang bahagi ng kanilang pamilya ang unti-unting masisira.
***
ABALA si Limien sa pagkain ng kimchi habang hinihintay na maluto ang pork and beef strips na nakasalang sa frying pan. Samgyupsal ang ending nila ni Hamiel kapiling ang ilang bote ng Soju. Sila na lamang dalawa ang naroon. Ang kapatid nito, matapos mag-walk out ay tuluyan nang sumakay ng kotse at umalis. His mom and Amhiela was out somewhere too.
Hindi naman talaga siya nagugutom. Pinakiusapan lang siya ni Tita Mhiel na kausapin si Hamiel at yayain itong kumain. At dahil alam niyang hindi siya nito matitiis, madali niya itong nasuyong ipagluto siya.
Ikinuwento ni Hamiel ang naging sagutan nito at ni Miguel na naabutan niya habang inaasikaso nito ang kailangan sa ramyeon at samgyupsal session nila.
Napangiwi na lang si Limien matapos itong magkuwento. “Kaya pala feeling ko, galit siya sa akin kanina. Kasalanan ko bang Ferrer ang apelyido ko? May approval naman ni Tito Haime ang business venture natin, ah.”
“Hindi siya galit sa ’yo. Galit siya sa akin at sa mga naging desisyon ko.” He flipped the meat strips bago siya nito binalingan. “Mali ba ako? Will it be different kung nag-business major na lang ako at hinayaan ko ang dalawa kong kapatid na tuparin ang pangarap nila? Kung hindi ba ako naging celebrity at nag-asikaso na lang ako ng negosyo ni Dad, hindi ba magkakaroon ng hinanakit ang kapatid ko sa akin? ” He sighed. “Ako dapat ang nag-sacrifice at hindi si Miguel. Ang tanga ko, Limien. Ngayon ko lang ito na-realize. I should have been more sensitive of his feelings.”
“Well going back to the past, hinayaan ka lang ni Tito Haime na gawin ang gusto mo. Kung ang gusto ni Tito Haime ay i-handle mo ang businesses n’yo, pinigilan ka sana niyang kumuha ng Veterinary Medicine. It’s not entirely your fault,” sabi ni Limien sabay dampot ng lettuce at isa-isang pinaglalagay ang mga naroon sa mesa. She picked few kimchi, garlic, onion salad, Ssamjang, and pork strips. Inayos niya ang pagkakabalot ng lettuce bago niya ibinigay iyon kay Hamiel. “This is for you.”
Walang hiya-hiyang isinubo nito ang pagkain. “Thank you,” sambit nito matapos ngumuya. Inasikaso naman nito ang nilulutong ramyeon.
Matamang pinagmasdan niya si Hamiel. His talent in cooking came natural. Wala naman itong proper lessons sa pagluluto. Nagse-search lang ito ng recipes online. And he was talented enough to cook well, bagay na nakadadagdag sa pogi appeal nito.
Naramdaman ata nitong pinapanood niya ito kaya ngumisi ito nang bumaling ito sa kanya. Ang pogi talaga ng best friend kong ito. Natigilan siya. Heto na naman siya, kung ano-ano na naman ang napapansin niya kay Hamiel.
“Alam mo, Mien, puwede ka rin namang magka-crush sa best friend mo. I don’t mind—Nyabe siya!” reklamo nito nang subuan niya ito ng kimchi para tumigil ito sa sinasabi nito.
“Kumain ka na lang kasi. Iyong kapatid mo ang topic natin tapos bigla kang hihirit nang ganyan.” She couldn’t imagine herself having crush on him. It’s a crazy idea for her.
“Ikaw nga itong sinasamantala ako. I saw you.” Nginitian siya nito. Iyong signature nagpapa-cute na ngiti nito.
Napanganga siya sa sinabi nito. Obvious pala siya. “Hoy!”
“Hoy ka rin,” sambit nito habang nakatitig lang sa kanya.
All of sudden she felt awkward with his stare. “M-May iniisip lang ako.”
“Which is?”
“Ano…” Umiwas siya ng tingin at binalingan ang pork strips na nakasalang. Kinuha niya ang chopsticks at binaligtad ang mga iyon. She sighed to clear her mind. “Naisip ko lang bigla na hindi kaya sadyang iba lang ang trato ni Tito kay Miguel? Kasi naisip ko, ’di ba ikaw, may isip ka na noong nakilala mo ang tatay mo. You were four that time, right? He didn’t see you when you were a baby. Wala siya sa eksena noong ipinanganak ka. Noong ipinanganak si Miguel, naroon siya. Technically, ikaw ang panganay pero si Miguel ang first time experience ni Tito bilang full-pledge na ama. Alam mo iyon? Si Miguel, nasaksihan ni Tito mula pagbubuntis ni Tita Mhiel hanggang sa ipanganak siya at lumaki. Ikaw, may ilang taon ng buhay mo ang hindi niya nakita.”
“Are you saying na may favoritism si Dad?” Nalungkot ito sa sinabi niya.
“It’s not totally favoritism. May pinaboran siya in some ways for some reasons. Sa tingin ko, kaya ka pinayagan ni Tito na gawin ang kahit na ano’ng ginusto mong gawin dahil a part of him had that guilt feeling na hindi kayo nagkasama since day one mo sa mundo na na-experience niya sa mga kapatid mo. He did it to ease the guilt. At may iba siyang emotional attachment kay Miguel. Your dad might planned him to be his heir ever since he was born. Kumbaga, pagkapanganak kay Miguel alam na ni Tito na si Miguel ang magiging tagapagmana niya. At si Amhiela naman, given na iyon. Nag-iisa siyang babae at bunso pa. She’ll get what she wants.”
Napabuntonghininga ito at sumandok ng ramyeon at inihain sa kanya. “Ngayon na napag-usapan natin ito, I think tama ka. Sa mata ni Dad, pare-pareho kaming mahalaga pero iba-iba ang dahilan.”
She nodded. “’Wag mo na iyon pakaisipin. Tito loved you so much. Don’t forget that.”
“I know.”
For the next few minutes, katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa habang kumakain sila. Limien opened her phone to check some updates in social media while eating. Iyon na rin ang ginawa ni Hamiel.
Nakita niya ang relationship status post ni Theacar. Her best friend’s ex was now engaged to a man named Heijiro Yuri. Sinulyapan ni Limien ang kaibigan. By just observing, mukhang nakita na rin nito ang nakita niya. Natigilan ito at muling lumungkot ang mukha.
Muli niyang ibinalik ang atensyon sa post ni Theacar na naka-view pa rin sa phone niya. Napanganga siya nang makitang ni-like pa iyon ni Hamiel at nag-iwan pa ito ng comment:
Congrats! I’m happy for you.
“Hoy, Hamham! Kaloka ka. Bakit nag-like at comment ka pa? Ang plastic mo. Ang showbiz mo!” sermon niya rito.
Tumawa lang ito. “What? Mas maganda na iyon. At least, hindi na siya magi-guilty. Hindi na niya iisipin na may nasaktan.”
She rolled her eyes. “Ewan ko sa ’yo. Hindi ka naman talaga masaya para sa kanya. It should have been you and her and not her with other man.”
He sighed. “Eh, hindi nga iyon ang nangyari. Mag-move on ka na!” nakangiting sambit nito.
“Bakit ako ang mag-move on? Ikaw naman ang ex, ah!” untag niya.
“Mas mukhang ikaw ang hindi makatanggap na naghiwalay na kami, eh.”
Dinampot niya ang Soju at nagsalin sa dalawang shot glass. “Sinaktan ka niya. Hindi mo deserve masaktan nang ganyan. Ah, buti na lang din nga at hiwalay na kayo. Hindi mo rin pala siya deserve.” Iniabot niya ang isang shot glass dito. Tinanggap nito iyon. “Inom na lang tayo. Cheers!”
Magkapanabay nilang tinungga ang laman ng shot glass. Inilapag ni Hamiel ang baso at humalukipkip sabay sandal sa hamba ng upuan nito. “So anong klaseng babae ang deserve maging akin?”
Napaisip siya nang itukod niya ang siko sa mesa.Tinitigan niya ito. He was just lovingly staring back at her. “Iyong babaeng mamahalin ka rin higit pa sa kung gaano kita kamahal.” Kapwa sila natigilan sa sinabi niya. Kung gaano kita kamahal? Where on earth it came from? “I-I mean, deserve mo iyong babaeng mamahalin ka rin, aalagaan ka, higit sa nagawa ko na para sa ’yo. At saka… dapat kasingganda, kasing-sexy, at kasing-alluring ko siya. Major requirement iyon.” She tried to tell a joke para ’wag nitong mahalata na may ibang bagay na tumatakbo sa isip niya right at that moment.
Tumawa lang ito. “Kikiligin na sana ako sa sinasabi mo kaso bakit may gano’n sa huli?” pang-aasar nito.
Binato niya ito ng nadampot na tissue. “Ano ka ba? Suportahan mo na lang ang kagandahan ko.” Tumawa na rin siya.
Then all of a sudden, muli silang natahimik nang magkatitigan sila.
“Huwag ka munang mag-boyfriend, Mien,” sabi nito.
Napakunot ang noo niya. “Huh?”
“’Pag nagka-boyfriend ka na, hindi na tayo puwedeng maging ganito. Iyong oras mo para sa akin, kailangan mo nang i-give up para sa masuwerteng boyfriend mo. Hindi pa ako handang ipaubaya ka sa iba. Saka ka na lang sana magka-boyfriend. . . ’pag handa na ako,” seryosong sambit nito.
Nagulat si Limien sa sinabi nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang kumabog ang puso niya sa sinabi nito.
“H-Handa saan?”
“Sa ano…’pag handa na akong tanggapin na may ibang lalaking mag-aalaga sa ’yo. ‘P-Pag ready na akong makita kang may kasamang ibang lalaki.”
What the hell do you mean? “Para sa akin ba talaga iyon o para kay Acar?” tanong na lang niya.
Kumunot ang noo nito. “Bakit napasok si Acar? Para sa ’yo iyon.”
Dumoble ang kabog ng puso niya. “Tunog for ex, eh.” Umiwas siya ng tingin dahil nagiging awkward na ang ambiance para sa kanya. Nagsalin na lang muli siya ng soju sa shot glass. Ngunit bumalik ang kabog sa puso niya nang hawakan nito ang kamay niyang may hawak ng bote ng soju. Napatingin tuloy siya rito.
“Mien…” he sincerely gazed at her.
Inalis nito ang boteng hawak niya at sa isang iglap ay sinakop ng kamay nito ang kamay niya. Saglit na napalingon siya sa magkasugpong nilang kamay. It felt like she was in the most comfortable zone that way. Not to mention she found their hands perfect together.
“Thank you for being with me today,” pagpapatuloy nito.
Napangiti na lang siya. “I will always be here for you.”
He just lovingly smiled back.