Chapter Two

3514 Words
“WOW! This place is awesome!” bulalas ni Limien. Nakarating na sila sa Tagaytay. Nang ipasok nila ang sasakyan sa gate ay tumambad sa kanila ang isang villa. Pumasok sila sa loob ng villa at ngayon ay nasa veranda sila sa second floor. She never seen the place before. Or rather, hindi na niya maalala ang mga sandaling dinadala siya rito ng nanay niya noong bata pa siya. Na-excite tuloy siya kung ano pa ang matutuklasan niya sa lugar na iyon. Sabi ni Mama Sandra, iilang bahagi lang ng lupain ang na-develop. May picnic area ang lupain kung saan tanaw ang Taal view. Pinarerentahan daw dati ng kanyang yumaong ama ang lugar para sa gustong mag-prenup pictorial doon. Iisa lang ang nakatayong bahay roon—ang villa. May dalawang ektarya raw na may tanim na mangga. And the rest of the land were undeveloped. Nasa sampung hektarya ang kabuuan ng lupa. “Ano’ng plano mo rito?” tanong ni Hamiel. “Like what Dad said, matutupad ko na ang pangarap ko. This will be the best botanical garden in the country. Sabi ni Mama, I need to learn how difficult it was to handle business and earn on my own. Kailangan kong magpasa ng project proposal sa board of directors without help from anyone in Pontez Group of Companies. I need to pass the proposal and get the approval of the majority of the board. Kapag nagtagumpay, ipatatayo na ng Pontez Group ang dream botanical garden and resort ko.” “Wow, ang dami naman. Kaya mo ba?” “Kakayanin. I need it to own the land.” Bigla siyang may naisip na idea. “Hamiel, why don’t we work together on this?” “Huh? Paano?” Iminuwestra niya ang kalawakan ng lupa. “Sa tingin mo ano’ng puwede pang gawin sa lupa maliban sa botanical garden na may kinalaman sa gusto mong gawin sa buhay mo?” nakangising tanong niya. Definitely, her idea would make him say yes to this joint venture. Napaisip din ito sabay excited na ngumiti sa kanya. “Are you thinking of putting up a zoo?” Tumango siya. “Oh my! Sure, Mien! That is so great! Finally, I could be with the animals… more animals than cats and dogs.” Napatawa siya. “I know you will like it.” Inilibot niya ang paniningin. Mula sa veranda ay tanaw ang scenic view ng Taal Volcano. “Anyway, iyon nga. Kung papayag ka, magtatayo tayo ng zoo sa isang part nito, botanical garden, plus hotel rooms, villas and cottages for accommodation, swimming pools and recreation areas. This resort will be the next best tourist destination of Tagaytay!” excited na ring sambit niya. Binalingan niya ito. He was attentively listening to her ideas. “What do you think?” “This is more than a good proposal. I’m in, Mien.” She offered her hands to him. “Then it’s a deal.” He accepted her hands. “Deal closed.” All of a sudden, nagkatitigan sila. Nagkangitian. At biglang nag-iwasan ng tingin kasabay ng kapwa nila pagbawi sa kanilang mga kamay. Sa ’di niya rin maintindihang pangyayari ay tila may kabang biglang umusbong sa puso niya nang magkatinginan sila. Nailang na rin siguro ito sa kanya kaya bigla na rin siya nitong binitawan. “Ma’am Limien . . .” Napalingon sila pareho nang tawagin siya ng caretaker ng bahay, si Mang Alonso. “Handa na ang tanghalian, hija. Kumain na kayo ng boyfriend mo,” sambit nito. “Ay hindi ko po—” Hindi naituloy ni Limien ang sasabihin nang akbayan siya muli ni Hamiel. “Sige, po. Susunod na po kami ng girlfriend ko,” sambit ni Hamiel kay Mang Alonso. “Aray!” Siniko niya ito. “At kailan kita naging boyfriend, Mr. Hamiel Catacutan? Baka isumbong ako niyan kay Mama.” Tumawa lang ito. Hindi iyon ang unang pagkakataon na napagkamalan silang magkasintahan. Ang totoo, maraming nagsasabi na para silang mag-boyfriend tuwing magkasama sila. Marami rin ang napu-frustrate sa kanilang dalawa. Their fans were the same. Para silang love team kung ituring sa social media. Most of the people surrounding them believed that someday they would realize that they belong to each other. Pero para sa kanilang dalawa, alam nilang hindi gano’n iyon. Maraming hindi makaunawa ng kakaibang pagmamahalan nila ni Hamiel. Yes, they love each other but that love thing was not meant for romance at all. “Tara na, gutom na ako.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa komedor kung saan nakahain ang tanghalian nila. “Kain lang kayo nang kain, mga anak ha,” sambit ni Mang Alonso. Adobong manok at Afritada ang niluto nito para sa kanila. “Kayo rin po. Sumabay na po kayo,” alok niya rito. Magsisimula na siyang kumain nang mapansin niyang matamang nakatitig sa kanya ang matanda. Alanganing ngiti lang ang iginanti niya rito. “Kamukhang-kamukha mo ang tatay mo. Para kang babaeng version ni Ross,” sambit nito. “Marami nga pong nagsabi sa akin na kamukha ko nga raw po si Daddy,” tugon niya. “Napakabait ng iyong ama. Hindi siya marunong mang-mata ng kapwa. Noong buhay pa siya, madalas siya rito para asikasuhin ang lupang ito. Para daw ’pag nagkaanak siya ay may mamamana naman daw ang anak niya mula sa kanya. No’ng huli kitang makita, hija, sanggol ka pa noon. Ipinapakilala ka niya sa mga tauhan niya rito.” “Ano po’ng madalas ginagawa ni Daddy ’pag kasama niya ako noon?” Natutuwa siyang makarinig ng kuwento tungkol sa kanyang ama. Kaya naman habang kumakain sila ay nagpakuwento siya kay Mang Alonso tungkol sa kanyang ama. “Ang natatandaan ko, paborito mong makalanghap ng sariwang hangin. Gustong-gusto mo iyon. Tumatawa ka ’pag dinadala ka ni Ross sa mahangin na lugar. At madalas, doon siya nakaupo habang pinapatulog ka.” Itinuro nito ang isang rocking chair sa may veranda. “Malakas pa ang tatay mo noon. Pero ilang buwan lang ang lumipas, nabalitaan naming wala na siya. Ilang taon rin akong nagsilbi sa tatay mo at ngayon naman ay sa nanay mo.” “Sabi po ni Mama, tumira daw kami rito ng isang taon matapos mamatay si Daddy,” sambit ni Limien. “Ah, oo. Naging yaya mo pa nga ang asawa ko.” “So ito pala ang lugar kung saan nagluksa ang mama mo. This is a place with sentimental value,” komento ni Hamiel. “Ang mama mo noon, malungkot na malungkot. Kahit dinadalaw siya ng mga kaibigan niya at kaibigan ng daddy mo, dumating kayo rito at umalis kayo na walang pagbabago sa mama mo. Malungkot pa rin siya. Kahit naman ngayon gano’n pa rin siya. Paminsan-minsan, dumadalaw rito ang mama mo at tuwing mapapagawi siya sa veranda na iyan, nalulungkot siya.” Marami pang ikinuwento si Mang Alonso tungkol sa kanyang mga magulang hanggang sa matapos nila ang pagkain ng tanghalian. Tumambay muna sina Limien at Hamiel sa veranda. Umupo siya sa rocking chair. “It feels good to sit in this chair where my dad used to sit back and made me sleep.” Umihip bigla ang hangin. Nagkatinginan sila ni Hamiel. “Hala, ang daddy mo, nagpaparamdam na,” sambit nito. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa rocking chair. “Ikaw kasi sinabi mo kanina na girlfriend mo ako,” natatawang sambit niya. “Joke lang naman iyon! Peace po, Tito Ross.” Tumawa lang si Limien. “Takot ka sa mumu ano?” “Bakit ikaw hindi?” “Takot din!” “Ikaw rin naman pala, eh. Tara na nga, libutin na natin ang hacienda mo.” They went out of the villa hanggang sa makarating sila sa isang pababang bahagi ng daan. Ayon kay Mang Alonso, may buhay na ilog daw roon. Umuna ng pagbaba si Hamiel sa medyo mahirap na daan pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya para alalalayan siya. “Dahan-dahan, medyo madulas ang daan,” sambit pa nito sabay ngiti. Napangiti na rin siya. “Ganyan ka rin ba sa mga naging girlfriend mo?” “Anong ganyan?” “Ganyan. Maalaga, malambing, gentleman, sweet…” Napaisip siya sa mga sinabi niya. Bakit nga ba niya biglang napansin iyon? And come to think of it, na kay Hamiel din pala ang mga qualification na gusto niya sa lalaki. “Well I don’t know. Lahat ng naging girlfriend ko, isa lang ang sinasabi. Hindi raw nila naramdaman na may boyfriend sila. Maybe, I’m a good friend but not a good lover,” malungkot na sambit nito. “May problema ba kayo ni Theacar?” Malungkot pa rin ito nang balingan siya nito. “Matagal nang may problema ang relasyon namin. In denial lang ako. Hindi na rin ako magtataka kung sa pagbalik niya rito, hindi na niya ako itratong boyfriend niya. She might be enjoying other man’s company by now.” “Parte na naman ba iyan ng pagkapraning mo?—Ay!” Bigla siyang nadulas. Agad naman siya nitong nayakap bago pa siya bumagsak sa medyo maputik na lupa. “Sinabi ko nang dahan-dahan nga at madulas. Okay ka lang?” nag-aalalang sambit nito habang nakatitig sa kanya. Napatango lang siya. Ano ba’ng nangyayari? Para siyang nasa isang romantic movie o romance pocketbook. Siya ang heroine at ito ang hero. Iyon ang pakiramdam niya. Hmmm, sweet, caring, savior, guwapo, papable, mayaman, talented, yummy. Hindi ka naman bad choice, Hamham. Napiling niya ang ulo nang wala sa oras. Ano ba iyong pumasok sa inaagiw niyang utak? Kailan pa niya naisip na bigyang malisya ang mga eksena nilang dalawa? Muntik na niyang makalimutang si Vlad ang matagal na niyang pinangarap na maging first boyfriend. Agad siyang umayos ng tayo at nginitian ito na pawang walang nangyari. They continued walking. “Hindi ako napapraning lang this time. Nagsisinungaling na si Theacar sa akin,” sambit nito. “Ha?” “I called her. Sabi niya kanina, magpapahinga lang daw siya. Pero narinig ko ang boses ni Heijiro na niyaya siyang mamasyal. And maybe, I’m stupid. Pinabayaan ko lang sila.” Sa wakas nakarating na sila sa may ilog. “Gano’n? Teka nga, eh, ano ba talagang status ng relasyon n’yo?” “Ewan ko na, Mien. It seems like she wants to break up with me every time we talk to each other. Sabi niya, namamatay na ang relasyon namin. I know it’s my fault kasi wala akong oras sa kanya at hindi ko siya magawang maging first priority ko. Gusto kong bumawi. Ayaw naman niya.” “Hindi ko maisip kung paanong wala kang oras sa kanya, eh, sa akin nga may oras ka—OMG! Is it my fault? Iyong dapat oras para sa kanya, naibibigay mo sa akin!” Umupo sila sa batuhan sa may gilid ng ilog. “Saan naman galing iyan? Hindi gano’n iyon. Enough about my love life. Business na lang pag-usapan natin.” Inilibot nito ang paningin sa ilog. “Maybe we could make this place as picnic area. Bawal maligo sa ilog. Palagyan natin ng narrow bridge dito sa baba o hanging bridge doon sa itaas. What do you think?” Talagang nag-shift na ito ng topic. “Maganda nga iyan. Kailangan natin ng landscape artist, architect, at financial adviser, business consultants for project proposal.” Hamiel just winked on her. “Madali na iyan. I have lots of connections.” *** THREE months later… Nagmamadaling naglalakad si Hamiel sa hallway ng Pontez Building. That day was the presentation day of Limien. Hindi niya ito nasamahan sa presentation dahil sa may nauna siyang commitment. He was in his way to Pontez Realty Corporation na nasa kabilang building lang ng Pontez Media Productions kung saan naganap ang pictorial niya. Agad niyang tinungo ang board room pero huli na pala siya. Wala ng tao roon. “Sir, can I help you?” tanong sa kanya ng isang napadaang staff ng Pontez. “Tapos na ba iyong meeting ng board?” tanong niya. “Katatapos lang, sir.” “I see. Nakita mo ba si Limien?” “Ay opo, sir. Pumunta na po siya sa office ni Ma’am Sandra sa Pontez Media.” “Okay, thanks!” He turned around and went back to the next building. May connecting bridges sa apat na building ng Pontez Compound. Habang papatawid siya ng tulay ay nakasalubong niya ang kanyang ama. “Hamiel! Congratulations! You made me so proud of you, son!” bungad agad ng ama niya sa kanya. “Thank you, Dad.” Masarap talagang makarinig ng papuri mula sa magulang. “I assume na-approve iyong proposal namin.” Isa ang kanya ama sa board of directors ng Pontez Group. “Definitely, yes! Pero kaya mo pa ba? You already have the clinic, your endorsements, the Karisma Band, and this. Intensive time management na ang kailangan mo, anak.” “The band decided to lie-low, Dad. Cielo will be out of the country in a while for his studies. Me and Limien will have to focus in Green Haven Farm. Dana will take good care of our pet clinic. Kaya ko pa naman Dad, ’di ba?” “You can do it, son. ’Di ba sabi ko sa ’yo, never say you can’t. I believe in you. And no matter what, alam kong kayang-kaya mo iyan.” “I know, Dad. Andyan ka palagi, eh.” Ngumiti lang ang kanyang ama. There’s something strange with his father. Lately, napadadalas ang pag-spend nito ng time with the family. Madalas na rin itong nagre-request na umuwi siya sa bahay nila kahit most of the time ay magkasama sila ’pag may shooting siya ng commericial, TV appearanc0es, at ramp modeling events. Madalas din silang mag-drag racing at motocross, the common sport that they both loved. “Nagpapasundo ang mama mo. I have to go.” “Ay, Dad, nakita n’yo po si Limien?” “Nasa office siya ng mama niya sa Pontez Media. Hmm, liligawan mo na ba ang batang iyon? Nagkausap kami ni Sandra. Wala pa namang boyfriend si Limien. Isa ako sa magiging masaya ’pag siya ang nakatuluyan mo anak.” Napabuntong-hininga siya. Here he goes again. “Dad!” Tumawa ang kanyang ama. “Okay. Sabi ko nga, hindi ko dapat pinapakialaman iyang bagay na iyan. See you then, son.” “Take care, dad.” “You too.” Dali-dali siyang nagpunta sa opisina ni Tita Sandra. He was about to knock on the door nang may marinig siyang kaduda-duda mula sa loob. “Aray! Masakit naman, Vlad. Dahan-dahan please!” “’Wag ka kasing malikot. Lalo tayong magtatagal nito. Kaunting tiis, malapit nang matapos ito.” Nanlaki ang mata niya sa narinig. Are they making their way inside Tita Sandra’s office? Ano ba’ng kalokohan ang ginagawa ng dalawang iyon sa loob? Agad niya ipiniling ang ulo. Napapraning na naman siya. That was quite impossible. Boyfriend nga wala ito, ang magka-bed scene pa kaya? Pero bakit gano’n ang mga naririnig niya? “Aray! ’Wag na lang kaya. Ang sakit, eh.” “Anong ’wag na lang? Hindi puwede. Mawawala din naman ang sakit maya-maya lang.” Naalarma siya. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nagkaroon ng feeling na dapat niyang ilayo si Limien sa kahit anong tukso. Hindi siya makapapayag na may maka-bed scene ito! Kung bakit tutol na tutol siya ay hindi niya alam. Basta ang nasa isip lang niya nang mga oras na iyon ay ang iligtas ang prinsesa niya. “Uy, Hamiel. Ano’ng tinatayo-tayo mo riyan?” Bago pa niya mabuksan ang pinto ay nakita na siya ni Tita Sandra. Alanganing ngiti ang ibinigay niya sa mama ni Limien sabay pasimpleng harang niya sa pinto. Malalagot nang husto ang kaibigan ’pag nahuli ito ng ina sa ginagawang milagro sa loob. “Hi, Tita. Hinahanap ko po si Limien.” “Andyan siya sa loob kasama si Vlad. Pumasok na tayo sa loob—” “Ay Tita, magkape muna kaya tayo sa cafeteria?” “Magpatimpla na lang tayo ng kape sa secretary ko. Masarap magtimpla ng kape iyon.” “Pero—” Hindi na niya napigilan ang mama ni Limien nang buksan nito ang pinto. Patay! Pero si Hamiel ang napahiya sa sarili niya nang makita kung ano ang ginagawa ng pinagbintangan niyang may milagrong pinagkakaabalahan. May hawak na bulak si Vlad na akmang idinadampi nito sa noo ni Limien. Natigilan na lang tuloy siya. “Hamham!” Parang batang tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya. “We did it, Hamham! Approved na sa board ang project proposal natin!—Aray!” Bumitaw siya agad sa pagkakayakap dito at tiningnan niya ang noo nito. May sugat iyon at bukol. He touched her cheeks and move closer to her face. Pagkatapos ay maingat na hinipan niya ang bahagi ng noo nito na may sugat at bukol. “What happened? Bakit may bukol ka?” “Ah…eh…” alanganing ngumiti lang ito sa kanya. “Katarantahan niya kanina, nauntog sa elevator. Clumpsy as always,” sabat ni Tita Sandra. Napabaling si Hamiel dito. “Congrats nga pala sa inyo. Basta ’pag may kailangan kayo ha, ’wag kayong mahiyang magsabi sa akin. I’ll help you out.” “Thank you, Mama.” “Thank you po, Tita.” “Sige, may meeting lang kami nina Herald. Kayo na ang bahala kay Limien, ha. You may go out and celebrate. Hamiel, ihatid mo lang si Limien sa bahay. I’ll go ahead.” Lumabas na ito ng silid. “I’ll better go too,” sabat ni Vlad. “Sumama ka na sa amin ni Limien,” anyaya niya rito. Alam naman niyang gustong-gusto rin naman ni Limien na makasama pa ang ultimate crush nito. “Kayo na lang muna, pare. May trabaho pa ako, eh. Magagalit na si Ate Tomomi dahil tambak na ang trabaho ko sa Keithan Apparels.” Papalabas na ito ng pinto. “Okay sige. Pakisabi rin sa ate mong workaholic, magpakita naman siya sa akin. I miss her. Vlad, thank you, ha,” pahabol ni Limien. “No problem basta ikaw. Iyong rehearsal at dinner natin bukas don’t forget.” Nginitian pa nito ng pa-cute si Limien bago ito lumabas ng office. Silang dalawa na lang ang naiwan. “So you have a dinner tomorrow. Makaka-score ka na kay Vlad!” biro niya. “Sira! Pag-uusapan lang namin iyong investment niya para sa Green Haven Farm.” Parang hibang na nakatingin lang si Limien sa nakasarang pinto. “Ang guwapo niya talaga. Ang sweet pa! Ginamot niya ang noo ko!” Tumili ito na parang kinikilig. Napailing lang siya. “Ang ganda ko, Hamham!” Pabirong binatukan lang niya ito sabay iwas dito at umupo siya sa sofa. “Para kang baliw riyan. Ganyan ka ba ma-in love? Kung ako ang lalaking tipo mong mabiktima, matatakot ako sa ’yo. Hmmm, mabalaan nga si Vlad. Kawawa naman ang kaibigan nating iyon dahil sa pagnanasa mo.” Binato siya nito ng throw pillow. “Ang sama mo talaga! May date kami bukas after ng rehearsal namin para sa TV guesting. Makapagpa-parlor kaya?” Umiling-iling siya. “Baliw nga!” Tumayo na siya at hinila ito papalabas ng office. “Tara let’s celebrate. Hindi na natin magagawa ang mag-celebrate sa mga susunod na araw dahil magiging busy na tayo.” Inakbayan niya ito. “Ilibre mo ako, Hamham!” Gumanti ito ng yakap sa kanya. Wala silang pakialam kung pagtinginan sila ng staff ng Pontez. Sa gano’n sila ka-sweet, wala namang silang magagawa. At isa pa, isa iyon sa mga moment nila ni Limien na hindi niya maipagpapalit sa kahit anong bagay. “Ilibre kita ng pisong fishball sa labas,” biro niya. “Ang kuripot!” “Sige, dalawang piso.” “Ang kulit mo!” “Ano? Cute ako? Matagal na ano.” Tumawa ito. “Cute din ako ’di ba?” “Pag-iispan ko ang sagot diyan—Aray!” Tinampal nito ang tiyan niya. “Aba, mas may form na ang abs mo, ah,” buska nito. “I’m preparing for the summer collection photo shoot of Keithan Apparels. Gusto mong makita?” Pabirong iaangat na niya ang laylayan ng polo shirt nang pigilan siya nito. “Yuck!” Umiwas pa ito ng tingin. “Yuck ka riyan. Malay ko nga pinagsasawaan mo rin ang mga pictures ko sa internet, eh.” “Hindi ako interesado. Kay Vlad na katawan lang ang gusto kong makita.” Tumawa sila. “’Yan ang mas yuck! Lagot ka sa tatay mo. Bawal ka pa makasilay sa katawan ng lalaki! Bata ka pa for that.” “Iyon lang. Kahit twenty-five na ako, hindi pa rin puwede. Kawawa naman ako.” Napuno sila ng asaran at tawanan habang lumalabas ng gusali. Kumain sila ng street foods na matagal na nilang trip. Hindi lang nila masyadong na-enjoy ang maglagalag nang malaya dahil maraming naka-recognize sa kanila. Ilan din ang nagpa-picture at nagpa-autograph. Pagkatapos noon ay dumiretso na sila sa Senang Hati para sa gig with Karisma Band.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD