Puno ng pagdududa ang tinging ipinupukol ni Ireta kay Lukas. Nasa loob lang sila ng kuwarto. Nakaupo sa uluhan ng kama ang asawa at nakasandal ang likod ng ulo nito sa headboard, habang nakapikit ang mga mata, at nasa likod pa rin nito ang nakaposas na mga kamay. “You’re staring at me too much,” biglang sabi nito na ikinapitlag niya. “Paano mo nasabing nakatitig ako sa iyo?” tanong niya rito. Ngumiti ito, hindi nag-abalang magmulat. “I just know, wifey,” makahulugan nitong sabi. Habang tumatagal ang pananatili nila sa isla ay mas lalo niyang nakikita ang misteryosong bahagi ng pagkatao ni Lukas. He wasn’t just the mad hellhound who aimlessly chased after his prey to sink his teeth into their throats. Hindi ito katulad ng sinasabi ng iba na walang pakialam sa kahit na ano at ang mahal