CHAPTER 1
“What the f*ck? What fiancée?” Halos magsilabasan ang mga litid sa leeg ni Lukas nang marinig ang sinabi ng tao sa kabilang linya ng telepono. Nasa Mansiyon de Crassus siya, pinuntahan niya ang Mafia Boss para ipakita rito ang ulo ni Isidro Regueler, ang Boss ng Oxiris—ang kalabang grupong tinalo nila, bago niya isabit ang ulo nito sa pader ng headquarters ng Kratos.
Ang Kratos—pinangingilagan at ang pinakamakapangyarihang organisasyon ng Mafia, at siya ang may hawak ng pangalawang pinakamataas na posisyon bilang Underboss.
Mula sa pagkakaupo niya sa sofa ay napatayo siya nang tuwid. Ramdam niya ang biglang pagpintig ng ugat sa sentido niya.
“Mr. Lukas de Crassus, nasa ospital ho ngayon ang fiancée n’yo. Nasaksak siya sa ilalim ng balikat,” tugon lang ng kausap niya na nagpakilalang nurse kanina.
“Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang tanong ko! Anong fiancée ang pinagsasabi mo?” Umangat ang tono ng boses niya sa biglang pagsipa ng inis sa kanyang sistema.
“Uhm, a-ano po, si Miss…” Nautal na ito.
“Ireta. Ireta Regueler,” sambit ng isang tinig babae.
Tumikhim ang nurse. “Si Ms. Ireta Regueler ho.”
“Ireta?” Lumitaw sa gunita niya ang imahe ng dalagang anak ni Isidro Regueler. Iyong Iretang iyon ba ang nagpapanggap na fiancée niya? “Ibigay mo ang phone sa Ireta na iyan,” matigas niyang utos sa kausap.
Mayamaya ay narinig na niya ang tinig ng dalaga. “Hi, love. Gusto mo akong makausap?” Kalmado ang boses ng babae. Malambing. Malamyos. Parang hindi ito ang babaeng pumalahaw ng iyak habang nakagapos sa kinauupuan noong nabihag nila ito.
Kasama itong nakulong sa poder nila nang mahuli nila si Isidro. Sayang lang at pinakawalan ito ni Morris na siyang 'utak' ng Kratos. Kung siya lang ang tatanungin ay itutulak niya ito sa hukay kasama ng ama nito.
“Love my arse, sh*thead. Who the f*ck are you? Ayusin mo ang isasagot mo sa akin, dahil kapag hindi ko nagustuhan iyan ay gugupitin ko talaga ang dila mo!”
Eksaheradong suminghap ang dalaga, tapos ay nagpakawala ito ng mababang tawa na lalo niyang kinainis. “Who am I? You know me. I’m Ireta, your fiancée.”
“’That’ Ireta?” Gusto niyang makatiyak kung ito nga ang Ireta na anak ng lider ng Oxiris.
“Yes, love, ‘that’ Ireta.”
“Papatayin kita, Ireta,” mariin niyang wika, may matalas na pagbabanta sa himig ng boses niya. Halos mabasag ang mga bagang niya sa mariing pagkikiskisan. Hindi niya matukoy kung bakit imbes na lumayo at magtago na ay nagpapanggap pa ito ngayong babaeng pakakasalan niya.
“Nakita mo kung ano ang ginawa ko sa ama mo. Gagawin ko rin sa iyo ang ginawa ko sa kanya. Isa-isa ko ring puputulin ang mga daliri mo, tandaan mo iyan,” sikmat niya rito.
“Sure, but you have to f*ck me first. I don’t want to die a virgin. Iparanas mo naman sa akin kung paano ang makarating sa ikapitong langit. Gusto kong tumirik naman muna ang mga mata ko sa sarap.”
Kumuyom ang mga kamao ni Lukas. Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi ito ang Ireta na anak ni Isidro. Ang Iretang iyon ay takot at walang kakayahang sumagot nang ganito sa kanya. Ang Iretang kausap niya ngayon ay kalmado ang boses at mukhang naaaliw pa sa palitan nila ng mga kataga.
“You’re going to f*cking regret saying that,” asik niya sa babae.
“Bakit? Ano ang masama sa sinabi ko? Masama bang gustuhin kong magtalik tayo? Gusto kong matikman ka, at gusto kong tikman mo rin ako. Malay mo naman, magustuhan natin ang lasa ng isa’t isa. Baka hanap-hanapin mo pa ako.”
“You’re a f*cking wh*re.”
“Hmm, nuh-uh. I haven’t taken a d*ck inside me yet. Yours will be the first. So, f*ck me. F*ck me hard, Lukas de Crassus. I’m offering you my virginity. Malinis ang katawan ko, sariwa, at parang bagong saing na kaning naghihintay sa hapag, nag-uusok pa sa init.”
Nagtagis ang mga bagang ni Lukas. Ginag*go siya ng babaeng kausap. Dapat talaga ay pinutulan niya rin ito ng mga daliri sa kamay kagaya ng ama nito, o dapat tinapyas niya rin ang ulo nito para hindi na ito nakakaputak nang gan’un. Nakukulili ang tainga niya. Naiirita siya. “I am not interested. You can keep your p*ssy or your virginity to yourself.”
Kunwari ay suminghap ang babae, pero hindi naglipat-segundo ay bigla naman itong bumungisngis. “Baka naman may sekreto ka lang na ayaw ipakita? Teka, nag-assume na ako na ‘malaki’ ang sa ’yo. I’m not wrong, am I? I’ve imagined yours to be… hmm… maybe around 7 inches? Or bigger? It’s even bigger than 7, yes? 8? 9? Tell me, gaano ba talaga kalaki iyang tinatago mo sa loob ng pantalon mo?”
Nagngalit ang mga ngipin niya. Parang walang pagpapahalaga sa buhay nito ang babae kung kausapin siya nang gan’un-gan’un na lang. “None of your f*cking business.” Tapos ay bigla niyang naisip na sadya siyang iniinis ng babae. Natampal niya ang noo dahil nagpadala siya sa pang-iinis nito sa kanya. Nagpakawala siya ng nang-uuyam na tawa.
Muli siyang naupo sa sofa. He stuck out his tongue and licked his lower lip. The tip of his tongue touched the lip ring pierced at its corner. “Listen, clown.”
“Yes, love, I’m all ears. Ano iyon?”
“You'd better shut the hell up now before I stitch your filthy mouth shut. At alam mong hindi ako puro salita lang, kayang-kaya kong gawin ang mga sinasabi ko sa iyo ngayon.”
Tumawa ang dalaga sa kabilang linya. “Yeah?”
“Yeah,” aniya.
“Alam kong kaya mo, walang duda. Pero tatahimik lang ako kapag binigay mo na ang gusto ko.”
“Gusto mo? You mean if I f*ck you?”
“Yes, love!”
“No way. Hinding-hindi mangyayari iyan. Nag-aaksaya ka lang ng laway at pinapagod mo lang ang lalamunan mo.”
“Unfortunately for you, I don’t accept rejections easily. Puntahan mo na ako rito sa ospital. Hihintayin kita. Kapag hindi ka dumating, magpapatawag ako ng reporters. Ipangangalandakan ko sa buong mundo kung sino ka, kung sino si Hades de Crassus, at Morris de Crassus.”
Lumagatok ang bagang ng binata. “Tinatakot mo ba ako?” Nagpakawala siya ng tawang puno ng talim. Gusto niyang matawa habang ang kamay niya ay unti-unting iikot pagapos sa leeg ng babae.
“Tinatakot ba kita? Uhm, I’m not sure.” Humagikhik ito.
Bago pa magawang tumugon ni Lukas ay nawala na ang babae sa kabilang linya. Naglaho ang ngisi sa mga labi niya at nagdilim ang kanyang mukha. Iritado niyang ibinalibag ang cellphone.
“Sh*t! Crazy woman!” Umigting ang mga panga niya, tapos ay gumuhit ang mapanganib na ngiti sa mapula niyang mga labi. “You want crazy, I’ll give you crazy.”
_____
BAHAGYANG tumikhim ang nurse at lumingon kay Ireta. “Uhm, Ms. Regueler, sigurado po ba kayong fiancé n’yo ang taong pinatawagan n’yo sa akin?”
Nginitian niya nang buong lapad ang babae. “Of course! Tingin mo ba hindi ko kilala ang sarili kong fiancé? Siya ang lalaking pakakasalan ko at magiging asawa ko. Mga anak niya ang dadalhin ko sa sinapupunan ko. So, of course, I’m sure!”
Alanganing tumango ang nurse. “Ah, sige po. Magpahinga na po muna kayo, Ms. Regueler. Papunta naman na siguro rito ang fiancé mo.”
“Tama ka, mayamaya lang nandito na siya.” Alam niyang pupunta si Lukas. Pupunta ito dahil siya lang ang pinakaunang babaeng naglakas-loob na magpanggap na fiancée nito. Ang tanong ay kung ano ang balak nitong gawin sa kanya.
He’s unpredictable. Isa iyon sa dahilan kung bakit ang daming takot dito. Mahirap hulaan ang tumatakbo sa loob ng utak nito.
But she’s curious. And she's not afraid.
Come for me, love, anang utak niya at ngumiti nang buong tamis. Nahiga siya sa kama at minasdan ang puting kisame, habang binabalikan sa utak ang pinag-ugatan ng lahat na naging dahilan upang mabuhay ang interes niya para kay Lukas de Crassus.
A few days ago…
Caution: THIS MAN IS EXTREMELY DANGEROUS
“I want him.”
Nagniningning ang mga mata ni Ireta habang nakatitig sa kuwadradong litrato ng magandang lalaki sa ibabaw ng mesa, sa kanyang harapan. Wala siyang pakialam sa nakasulat na babala tungkol dito.
“Extremely dangerous? Pft.” Dinutdot niya ang litrato at malapad na ngumisi. Pinaraanan ng daliri niya ang linya ng mukha ng lalaki. Her delicate finger moved covetously. She wanted this man in the picture.
Nasa loob siya ng kanyang condo sa Miami, Florida. May tao siyang pinaimbestigahan, at ang litrato ng ‘taong’ iyon ay ang nakapatong sa mesa niya ngayon, si Lukas.
“Gusto ko ang lalaking ito. Masarap titigan. Maganda ang mukha. Matikas ang katawan. Mukhang malakas at matibay.” At higit sa lahat ay may kakaibang pagkaligalig ang nasisilip niya sa bola ng itim nitong mga mata. Iyon ang pinakagusto niya.
Isang tingin niya lang sa kislap na nakapaloob sa mga mata nito ay natukoy na niya agad na hindi ito ang tipo ng lalaking nagpapatali sa leeg. Hindi ito ang tipo ng lalaking ‘normal’ na katulad ng iba. He’s different. Ramdam niya iyon.
Magandang lalaki ito. Matikas ang tindig. Malakas ang dating.
The man’s face was chiselled, with hard angular features. A palpable sense of wickedness seemed to lurk behind his penetrating eyes. He had a sharp jawline. His hair, which reached down to the line of his broad shoulders and was neatly buzzed on either side, added to his brutal charm.
His nose rose proudly from his face, exuding a strong aura with its impressive height and slender bridge. The sharp arch of his nose seemed to have been sculpted with great precision, bestowing upon him an air of ruthlessness. The sadistic grin on his lips would tell anyone that he was neither forgiving nor merciful.
Nagtagal ang mga titig niya sa hikaw ng lalaki sa gilid ng ibabang labi nito at sa mga hikaw nito sa punong-tainga. Naglandas din ang mga mata niya sa tattoo nitong nasisilip niya sa leeg nito.
Ang nakasulat sa impormasyong kalakip ng litrato ay matangkad ang lalaki. He was about 6 feet, 7 inches tall. Below his photo, there were bold, crimson letters spelling out:
Beware, this man is dangerous. Hindi nangingiming pumatay.