"Open your mouth, love." Walang pagdadalawang isip na ibinuka ni Lukas ang bibig. Napakamasunurin nito. Walang bakas ng pagmamatigas o pagtutol sa mga kilos ng lalaki. Napatingin si Ireta sa asawa. Nalilito pa rin siya. Hindi niya matukoy ang dahilan ng biglang pagbabago ng ugali ni Lukas. "Wifey?" untag sa kanya ni Lukas nang makita nitong nasuspende sa hangin ang kamay niyang may hawak ng kutsara. Nasa komedor sila at siya ang umaasikaso sa asawa. Kung hindi niya ito susubuan ay paano ito kakain? Hanggang kasi nang mga sandaling iyon ay nagmamatigas pa rin siya at maigting pa rin ang pagtanggi sa ideyang tanggalin na ang posas ng asawa. Pakiramdam niya, oras na matanggal ang posas ay tatlong bagay lang ang posibleng kahinatnan niya: Una, lalayasan siya ni Lukas; pangalawa, papatayin