Kulang ang sabihing nilindol ang mundo ni Ireta. Napatingin siya sa posas na nasa sahig na ngayon. Tapos ay bumalik ulit ang tingin niya sa nakangising mukha ng asawa. He was grinning wide like a psycho—though a very handsome one at that. Nakapukol sa kanya ang mga mata nitong nangingislap sa tuwa. Tuwang dala ng katotohanang wala siyang kamalay-malay na pinagsasayaw na pala siya nito sa ibabaw ng palad nito, sa saliw ng musikang ito rin ang lumikha. Ginawa nga siya nitong manikang may lubid sa mga kamay at paa. Laruan lang pala talaga siya ni Lukas. Ganoon lang ang papel niya rito. “Nagpanggap ka lang bang nawalan ng malay nang bumaon sa balikat mo ang tranquilizer dart?” Iyon ang unang katanungang nagsumiksik agad sa utak niya. "For the record, that was real. I didn’t see it coming