“Let’s eat breakfast together, love. Nagluto ako,” masiglang sabi ni Ireta sa asawa nang bumungad ito sa komedor. Lukas was naked from the waist up, wearing only a pair of ash-colored drawstring pants. Kitang-kita ang matitigas nitong muscles sa tiyan at ang magandang hulma ng dibdib nito. Kita rin ang malapad na linya ng balikat ng lalaki. Hindi nagsalita si Lukas. Dinaanan lang siya nito. Hindi nito pinansin ang mga pagkaing inilapag niya sa lamesa. Nag-uusok pa sa init ang sinangag. Nagluto rin siya ng tapa, tocino, daing na bangus, at itlog. Naghiwa pa siya ng hinog na mangga at papaya, at pinagtimpla niya ng kape ang asawa. “Love, maupo ka na. Kain na tayo,” pag-aaya niya ulit dito, baka hindi lang siya nito narinig agad. Pinaghila na niya ito ng upuan sa kabisera ng mesa. Imbe