Welcome to hell, sa utak ni Ireta ay paulit-ulit ang huling litanya ni Lukas matapos silang i-deklarang legal nang mag-asawa. Pagkatapos nitong pirmahan ang mga legal na dokumento ay umalis na ito, at nag-iwan lang ng nang-uuyam na ngisi sa kanya. Si Morris ang naghatid sa kanya sa mansiyon ni Lukas. Sobrang taas ng itim na bakal na gate at ganoon din ang bakod na nakapaikot sa property ng asawa niya. Mula sa labas ay walang masisilip sa loob. Apat na palapag ang mansiyon. Sa gate at sa bawat sulok ng propiedad ay may nakapuwestong mga tauhan ang Underboss. “This is your home now, Ms. Reg—ahm—Mrs. de Crassus,” ani Morris nang ibaba siya nito sa harapan ng pinakapinto ng mansiyon. “Salamat, Morris,” aniya. “I don’t usually say thank you, but I’ll make an exception—thanks for marrying m