Nagulat si Ireta sa kanyang nakita… Malawak ang silid na iyon, pero walang mga bintanang nagpapasok ng natural na liwanag sa loob. Ang ilaw ay nagmumula sa kristal na aranyang nakabitin mula sa kisame at sa isang pares ng antigong sconces na nakakabit sa pader. Ang ilaw mula sa mga iyon ay naglalabas ng dilaw at mapusyang liwanag. Ang mag kagamitan sa loob ng malapad na kuwartong iyon ay nagpapahayag ng karangyaan. Sa pinakagitna ay isang king-size bed. Ang kubrekama ay yari sa mamahaling seda, ganoon din ang punda ng mga unan sa uluhan ng higaan. Sa paanan ng kama ay nakapuwesto ang malaking storage bench. Kulay itim iyon, at tila kadudaduda ang laman. Parang may tinatagong misteryo at sekreto sa loob ng pahabang upuang may nakatagong imbakan sa loob. Sa sahig ay nakalatag ang malapad