Napako sa kinatatayuan si Ireta. Pakiramdam niya ay may mga kuryente at maliliit na tilamsik ng apoy ang nanulay sa bawat ugat ng kanyang katawan, dahil sa mga natuklasan niya. Kahit sa hinagap ay hindi pumasok sa utak niya na ganoon ang mangyayari. Lukas was obsessed with her! He was more obsessed with her than she was with him. Iyon ang sabi nito, at iyon ang nakaukit sa itim na bola ng mga mata ng asawa. Habang naghuhugpong ang kanilang mga tingin ay nakikita niya ang sariling repleksiyon sa balintataw nito. Para bang sinasabi sa kanya na kahit na ang repleksiyon niya ay naangkin na nito nang buo. Pinisil ni Lukas ang baba niya. Nakangiti pa rin ito. “Ireta, natatakot ka na ba sa akin ngayon? Tsk. Even if you’re terrified of me now, I won’t let you go. You are my wife, and you are mi