Pagbalik ni Ireta sa loob ng auction room ay dumako agad sa kanya ang nagtataka at nagtatanong na tingin ng mga nandodoon. Nagtataka pihado ang mga ito kung ano ang ginagawa niya roon gayung pinalabas na siya kanina. Muli ay naupo siya sa upuang katabi ni Lukas. Bakante na ulit iyon. Sigurado siyang disimulado nang pinalabas ng mga taong tinawagan ni Edilbar si Dominico Pablo. “You’re here again? How annoying,” sambit nito, hindi nag-abalang tumingin sa kanya. “Oh? Kilala mo na ulit ako?” sarkastiko niyang tanong sa binata. Tumawa ito. His laugh was humorless, it even sounded a little hostile. “Where’s your 'seatmate,' by the way?” Ang tinutukoy niya ay si Dominico Pablo. “What seatmate?” nakakaloko nitong tanong. “Oh, were you one of those who didn’t get the 'memo' as well?” gina