“That’s my seat. Sinong walang utak ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na maupo riyan?” Nakatikwas ang kilay na nag-angat ng mukha si Ireta upang sinuhin ang taong nagsalita. Nakatayo ito sa tapat ng upuang inuukupa niya, ang upuang katabi ng kay Lukas. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa singkuwenta na marahil ang edad ng lalaking nagsalita. Nakasuot ito ng puting Fedora hat at pormal din ang kasuotan. Tumayo siya at nginitian ang matanda, kahit hindi niya nagustuhan ang talim ng dila nito. “I’m sorry, Mister—” Ibinitin niya ang litanya para hingin ang pangalan ng kaharap, bahagya pa niyang inilahad ang kamay dito. Umismid ito, at tinitigan lang ang nakabukas niyang palad. Malinaw na wala itong balak na tanggapin ang pakikipagkamay niya sana rito. “Hindi mo ako kilala?” sa halip ay t