“Room 208.” Huminto si Lukas sa tapat ng pinto kung saan nakasulat ang tatlong numerong iyon. Pinatunog niya ang dila nang umahon ang inis sa kanyang sistema. Naiisip niya palang ang mukha ni Ireta ay naiirita na siya. Marahas niyang pinihit ang seradura ng pinto. Tumambad sa kanya ang dalagang nakasuot ng hospital gown, nakalugay ang buhok, at inosente ang mukha. Napatingin ito sa kanya, ganoon din ang kasama nitong nurse.
Kumalam ang kamay niya nang magtagpo ang tingin nila ni Ireta. Gusto niyang hugutin ang punyal at isayad sa pisngi nito, mag-iwan ng linya ng sugat sa balat nito, upang alisin ang inosenteng anyo ng mukha ng dalaga.
“You’re finally here, love!” masigla nitong sambit, nagliliwanag ang mga mata.
Lumatay naman ang pagkagimbal sa mukha ng nurse nang mapansin nitong bulaklak para sa patay ang dala-dala niya.
Sinundan niya ng tingin ang minamasdan ng nurse, tapos ay napangisi siya nang matantong gilalas itong nakatitig sa bulaklak na hawak niya. “Ahh, this is for my beautiful fiancée,” aniya, mahihimigan ang matalas na sarkasmo sa baritono niyang tinig.
“P-pero para po iyan sa… sa…”
“It’s fine, Ms. Nurse,” singit ni Ireta, nagniningning ang tingin nito sa bulaklak na hawak niya. Ibinuka nito ang mga kamay. “Give it to me, love. I like it!” Todo ang tamis ng pagkakangiti nito sa kanya.
Naglaho ang ngisi sa mga labi ni Lukas, napalitan iyon ng malalim na simangot. Nagsalubong ang mga kilay niya. Ang huling taong binigyan niya ng bulaklak galing punerarya ay namutla at halos mawalan ng ulirat. Bakit ang Ireta na ito ay mukhang tuwang-tuwa pa?
This woman isn't normal, naisip niya.
Inihagis niya ang dalang bulaklak sa paanan ng kama. “You like it, then get it,” iritado niyang sabi. “Go, fetch your flower.”
“Excuse me, lalabas na po muna ako,” anang nurse nang maramdaman ang tensiyong umalsa sa loob ng silid, at nagmadaling lumabas ng kuwarto.
Napagsolo silang dalawa ni Ireta. Hindi nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga.
“Get it. Get the flower that you claim to like so much,” giit niya.
Her smile even widened, became annoyingly sweet even. “No need, you put it exactly where I want it—at the foot of my bed,” anito.
“May isa pa pala akong regalo para sa iyo,” aniya.
“Ano iyon? Ang dami mo namang inihandang regalo para sa akin. I’m flattered, really.”
Inilabas niya ang dalang maliit na kahon at inabot sa dalaga. “Buksan mo.” Ang kislap ng kabaliwan ay nangungutitap sa mga mata niya.
“Thanks, love.” Gumalaw ang kamay nito at inangat ang takip ng kahon. Saglit na namilog ang mga mata nito, subalit mabilis nitong nahamig ang sarili.
A glint of menace sparked in his eyes. The way his face distorted made him look like an evil clown. Evil but handsome nonetheless. “Do you not like my gift?”
Taliwas sa inaasahan niya ay bigla na lang humagikhik si Ireta. Hinawakan nito ang laman ng kahon. Walang pangingimi at walang pandidiri. Ang regalo niya rito ay pekeng putol na daliri. Pekeng daliring isinawsaw sa totoong dugo. Walang babaeng matino ang pag-iisip ang hahagikhik sa regalo niyang iyon.
“This? Siyempre, nagustuhan ko. I was only a bit disappointed. Buong kamay kasi ang ini-expect kong matanggap galing sa iyo, but I guess a single finger is fine,” anito.
“Hah.” Pinatunog niya ang dila. “Ang tapang mo rin talaga. Akala mo ba tinatakot lang kita? Ang pekeng daliring iyan ay puwedeng maging daliri mo na sa susunod. Kilala mo naman na kung sino ako, hindi ba? I am evil, ruthless, and I torture people. Nakita mo kung paano ko pinahirapan ang ama mo.”
“Oo, nakita ko. Para saan pa’t binigyan ako ng mga mata kung hindi ko naman gagamitin?”
“And you’re not scared of me?” Naglalaro ang makinang na panganib sa bola ng mga mata niya. Kahit sino ang makakita sa kanya ay sasabihing mapanganib siyang tao. “Ngayon palang sinasabi ko na sa iyo, dapat kang matakot sa akin.”
“Pft, bakit ako matatakot sa ’yo?” Bumaba ng higaan ang dalaga at lumapit sa kinatatayuan niya.
“Dahil kaya kong tapusin ang buhay mo,” mariin niyang sabi.
“Then, do it. Kill me. Gusto mong putulin ang mga daliri ko o hilahin ang mga kuko ko? Go ahead, here.” Itinapat nito ang isang kamay sa harapan mismo ng mukha niya. Mahaba ang mga daliri nito, makinis ang balat, at maganda ang hugis. Malinis din ang dulo ng mga kuko nito. The kind of finger that any man would willingly shove in his mouth. Pero hindi siya katulad ng ibang lalaki.
“Hmm.” Walang ingat niyang hinatak ang kamay ng dalaga. He sniffed the back of her hand. “A pretty hand excites the beast in me. If I were to pluck out your nails one by one, would you scream? You would, right? Gusto kong marinig ang sigaw na magmumula sa nanginginig mong lalamunan.” Dinakma niya ang likod ng ulo ng dalaga, mahigpit na kumuyom ang kamay niya sa buhok nito, at hinila iyon palikod.
Nahigit ni Ireta ang paghinga, at napadaing ito sa pagguhit ng sakit, pero imbes na makita ang panggigilalas sa mga mata nito ay pagkagiliw pa ang umusbong sa mga iyon.
“What the f*ck?” hindi niya napigilang isatinig.
Natawa si Ireta. “Bakit? Akala mo ba matatakot ako dahil lang hinatak mo ang buhok ko? Hah, you’ll have to do worse than that, because I’m loving this one, love. Pull my hair harder, daddy,” panunukso pa nito sa kanya at sinadyang lagyang diin ang pagkakabanggit nito sa katagang ‘daddy.’
Parang napasong mabilis niyang binitiwan ang dalaga.
“What’s wrong, daddy? Don’t you want to pull my hair anymore?”
“Stop calling me that!” sikmat niya rito.
“Call you what? Daddy? Bakit, masakit ba sa tainga? Or…” Bumaba ang malagkit nitong mga titig sa ibabang katawan niya, sa tapat ng umbok ng pantalon niya, “…or am I making you horny?”
Gilalas siya sa sinabi ni Ireta. “Shut the f*ck up. I’m not even hard.”
Namilog ang mga mata niya nang walang pasabing bigla na lamang lumuhod sa harapan niya si Ireta at ang sumunod nitong ginawa ay ang pagkalas sa sinturon niya. Sa sobrang bilis ng kamay nito ay nabuksan na nito ang pantalon niya.
“Then, let’s get you hard, love.”
“What the—” Hindi na niya natapos ang litanya dahil biglang dumagundong ang ingay ng mga nahulog na kagamitan.
Sabay pa sila ni Ireta na napatingin sa dakong pintuan. Nakatayo roon ang nurse na nandidilat ang mga mata at nakatingin sa kanya at sa babaeng nakaluhod sa harapan niya.
“Sh*t! Tumayo ka riyan, Ireta! F*ck!” asik niya sa dalaga.
“Bakit ako tatayo? Hindi pa nga tayo nagsisimula.” Ngumiti ito nang ubod lapad sa kanya, tapos ay binalingan nito ang gulat na gulat pa ring nurse, saka kaswal na kinawayan. “Hi, Ms. Nurse, we’re busy right now. Puwede bang bumalik ka na lang mamaya? And please lock the door. Thanks!”
Muntik pang magbuhol ang mga paa ng nurse sa pagmamadali nitong lumabas.
Tawa nang tawa si Ireta. Tumayo ito at naupo sa gilid ng higaan. “Nakita mo ba ang hitsura ng nurse? Parang nakakita siya ng multo. Your c*ck wasn’t even exposed yet!”
Dumiin ang pagtatagis ng mga bagang ni Lukas at marahas na inayos ang pantalon at sinturon. Itinutok niya ang hintuturo sa dalaga, habang naniningkit ang mga mata niya rito. “You do that again; I’ll wring your neck!” he growled like a mad dog.
“Ano ba ang ginawa ko? Fine, I thought of sucking your c*ck, but I didn’t go thru with it! Bakit nagagalit ka ngayon? O baka nabitin ka? Nabitin ka nga ba? Baka gusto mo palang matuloy iyon? Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong ituloy natin, para hindi ka mabitin.”
Eksaheradong namilog ang mga mata niya. “Nabitin? Are you crazy? I am not even interested in you!” hiyaw niya.
“Really?” Pinapungay nito ang mga mata at kunwari ay pinalungkot ang hitsura. “I thought these flowers you bought for me were to mourn for when I finally lose my virginity to you?”
Siya naman ang natawa dahil sa sinabi ng dalaga. “Walang mangyayari sa atin!” May pinalidad sa boses niya. “The worms will feast on your body first, before you can climb into my bed.”
Muli siyang nilapitan ng dalaga. Hindi siya nag-abalang tunghayan man lang ang mukha nito. The woman was about five feet, three inches tall. Sobrang liit nito kumpara sa kanya.
“So brutal,” tanging komento lang nito. Hindi man lang ito natinag. Hindi rin napunit ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. “Bakit parang gigil na gigil ka naman yata sa akin? You know, Lukas, you sound like a virgin.”
“I am not a virgin,” tanggi niya. Lalo siyang nanggigil kay Ireta, dahil sinadya pa talaga nitong diinan ang pagkakasambit sa katagang 'virgin.'
“Bakit ayaw kong maniwala?” Bigla itong tumingkayad. Itinulak pataas ng hintuturo nito ang baba niya. Tapos ay pinasayaran nito ng mainit na dila ang linya ng lalamunan niya. Her tongue sensually licked over the hot protrusion of his Adam’s apple.
Namilog ang mga mata ni Lukas nang maramdaman ang mainit na dila ng dalaga. Malinaw na malinaw niyang nararamdaman ang pagsayad ng dila nito sa tapat ng lalamunan niya. Kahit sa panaginip ay hindi sumagi sa utak niya na may babaeng gagawa niyon sa kanya. Marahas niyang itinulak palayo ang babae at nasapo niya ang tapat ng leeg.
Lalong lumapot ang ngiting ipinagkaloob sa kanya ni Ireta. Dumoble ang kislap ng panunuksong nagsasayaw sa mga mata nito. “You are a virgin, now I’m sure—one hundred percent sure.”
“Papatayin kita,” asik niya rito, nagngangalit ang ngipin.
“Shh, love. You’re feeling embarrassed, I know, but it’s fine. Don’t worry, I’ll give you your first taste of p*ssy, I am your fiancée after all.”