CHAPTER 7

1661 Words
Kinaladkad si Ireta ng mga guwardiya palabas ng ospital, pero ni hindi nawala ang ngising nakaukit sa mukha niya. Inaalala niya sa likod ng utak ang mukha kanina ni Lukas. Halos mabasag ang mga ngipin nito sa mariing paglalapat. Lihim siyang natawa. Ano ba ang mali sa sinabi niya rito? Sinabi niya lang naman na ipapatikim niya rito ang una nitong 'hiyas,' tapos ay napikon na ito agad. “Huwag na huwag ka na uling manggugulo rito sa ospital, dahil kapag umulit ka pa ay tiyak na may kalalagyan ka!” asik sa kanya ang isang guwardiya matapos siyang itulak sa labas ng pinaka-entrada ng gusali. Konektado si Lukas de Crassus sa head ng ospital kaya nagawa nitong ipatapon siya sa labas. Pero wala siyang pakialam, at wala namang epekto iyon sa kanya. She was expecting worst things from him. Akala nga niya ay pipilipitin nito ang leeg niya. By the way his eyes lit up murderously at her, she really thought that day would be the end of her. But who would have thought that Lukas could be quite the softie. Hindi nito tinangkang baliin ang leeg niya. Tumuwid siya ng tayo at sinalubong ang matalim na titig ng mga guwardiya. Nagtagal ang tingin niya sa nag-iisang humawak sa braso niya at ang naglakas-loob na sigawan siya. Dahil lang hindi siya pumalag kanina ay inisip ba agad nitong mahina siya? Hah! “Ano ang tinitingin-tingin mo riyan?” Dinuro siya nito. “Tsk.” She clacked her tongue and caught his finger then twisted it as hard as she could. Napahiyaw ito dahil sa ginawa niya at awtomatikong namula ang buo nitong mukha. Nagmura ito, lukot na lukot ang hitsura. “P*tang ina kang—” Bago pa ito makaalma o ang mga kasama nito ay hinugot na niya ang matalim na punyal mula sa garter holster na nakapaikot sa kanang hita niya. Madali lang sa kanyang hugutin iyon, dahil suot niya pa rin ang hospital gown. Kanina sa loob ng ospital ay may iilang tao siyang tinawagan. Tapos ay may naghatid na ng mga gamit niya, kasama na roon ang kanyang mga punyal. Ang taong iyon ay isa sa mga konektado sa kanya. Idiniin niya ang talim ng punyal sa tagiliran ng lalaki, pero hindi niya tuluyang ibinaon sa laman nito. “H-huwag! H-huwag mong ibaon iyan, parang-awa mo na!” Nabasag kaagad ang boses nito at lumingkis ang pagkahindik sa boses nito. Naestatwa naman ang mga kasama ng lalaki. Natawa lang siya at lalong pinilipit ang daliri ng lalaki na nagpaigik dito. “Ang tapang-tapang mo kanina, ano ka ngayon?” tanong niya sa namutlang guwardiya. Pinukol niya ng matalas na tingin ang mga kasamahan nito. “Huwag kayong lalapit kung ayaw n’yong sa inyo ko ibaon ito,” banta niya sa mga ito. Tumawa ang isa sa tatlong kasama ng nasa mismong harapan niya. “Sinanay kami kung paano rumesponde sa ganitong sitwasyon, Miss. Hindi kami natatakot—” Walang pagdadalawang-isip niyang inihagis ang punyal sa direksiyon ng nagsasalita. Dumaplis iyon sa pisngi nito at sumirit ang dugo. Nawalan ng kulay ang mukha nito dahil sa ginawa niya. Kung gaano kabilis niyang inihagis ang punyal sa dako nito ay ganoon din kabilis ang muli niyang paghatak sa isa pang punyal na nakasiksik sa garter holster niya at itinutok iyon sa tagiliran ng kaharap kaya hindi ito nakakuha ng tsansang pumalag. “Just so you know, I intentionally missed your face and only scraped it a bit. But the next one will land between your eyes,” she told the man, grinning like a psychopathic b*tch. “Baliw ka! Tatawag kami ng pulis!” “Go ahead. Tumawag kayo ng pulis. Walang pumipigil sa inyo.” Nagsipulasan agad ang mga ito at ni hindi man lang lumingon. Wala rin ni isa sa mga ito ang naglakas-loob na tumawag sa istasyon ng pulisya. Natawa ulit siya. “Ako lang ’to, bakit takot na takot naman yata kayo?” natatawa niyang tanong sa kaharap, sa taong tinututukan niya ng punyal. “M-maawa ka sa akin, p-pakawalan mo na ako,” samo ng lalaki, halos mamuo na ang luha sa mga mata nito. Lumakas ang kanina ay mahinang tawa niya. “Nakakatawa ang hitsura mo. Paano pa kaya kung putulin ko ang isang daliri mo?” Napanganga ito at halos kasingputla na ng papel ang mukha. “Huwag! Luluhod ako kung gusto mo, basta huwag mo lang putulin ang daliri ko.” “What are you so scared of? Replantation can still be done within 6 hours of injury. Of course, there are factors to consider, but your finger still has a fighting chance and—” Bago pa niya magawang tapusin ang sinasabi ay nawalan na ng malay ang lalaki. Naikibit na lamang niya ang mga balikat. “Fine, maybe next time,” aniya kahit alam niyang hindi na siya nito naririnig dahil nakahandusay na ito sa semento. Tumuwid siya ng tayo at hinugot ang cellphone. Tinawagan niya si Edilbar. “Edilbar, guess what? I'm still alive!" Dinig niya ang paghugot ng malalim na paghinga ng alalay sa kabilang linya. Napailing na lang siya, na may kasamang ngisi. "Nandito ka na ba sa Pilipinas? Ang mga tauhan ko, kasama mo ba?” Tuwid at pormal ang tono ng boses niya. “Yes, Madam. Nasa hotel kami ngayon.” Sinunod nito ang iniwan niyang mensahe rito noon na kailangan ay sundan siya ng mga ito sa Pilipinas, buhay man siya o patay. “Okay, great. Now, send someone to the nearest police station from my location. You can track my coordinates, right? Siguruhin n’yong walang may magrereklamo laban sa akin.” “Madam, may nagawa ka bang…” “I did. May isang nasugatan sa pisngi, at may isang nawalan ng malay. Magpadala ka rin ng tao rito para linisin itong basurang nakabulagta sa daan. Nawalan ng malay ang isang ito dahil sa sobrang nerbiyos.” “Sige po, Madam.” “Also, I need you to buy me a mansion.” “Mansiyon?” “Bagong mansiyon. Buy me the biggest and the grandest that you can find.” “Ayaw mo bang tuluyan na lang tumira sa naiwang mansiyon ng ama mo, Madam?” tanong ni Edilbar. “No, I’m going to sell it. Ang bawat sulok ng mansiyong iyon ay napipiho kong nangangamoy ‘Isidro Regueler.’” “Naiintindihan ko, Madam. Aayusin agad namin ang proseso para maibenta ang mansiyon ng ama mo.” “Ang mga lehitimo niyang negosyo, kumusta na?” “Nakapangalan na po sa inyo, Madam.” “Good job. I’ll introduce myself as the new owner effective immediately. And get me the best coach for Brazilian Jiu Jitsu. Mangangalawang ako rito kung wala akong training. Kung gusto kong makontrol ang isang Lukas de Crassus, hindi puwedeng mahina ako.” Tumikhim si Edilbar. “Pero, Madam, black belt ka na po sa Jiu Jitsu. Imposibleng mangalawang ka sa kakaunting araw palang na walang training.” Pumalatak siya. “Gawin mo na lang ang ipinagagawa ko sa iyo,” pagkasabi niyon ay pinutol na niya ang tawag, tapos ay nag-dial siya ng bagong numero at tinawagan ang presidente ng isa sa pinakamalaking kompanya ng sasakyan. “It’s me, Ireta Regueler.” “Ms. Regueler!” “I need a new car.” Sinabi niya ang lokasyon niya sa kausap at pinindot na ang end button. Ito ang hindi alam ng ama niya. Hindi alam ni Isidro na sobrang lawak ng koneksiyon niya sa mga importanteng tao sa lipunan. Akala talaga nito ay inutil siya at walang silbi. Wala pang kalahating oras ay humimpil na sa harapan niya ang bagung-bagong Bugatti La Voiture Noire. Umangat agad ang isang sulok ng mga labi niya. “Nice.” Bumaba ang lalaking nasa likod ng manibela. Sa pormal nitong kasuotan ay madaling matutukoy na hindi ito ahente lang ng kompanya. Parte ito ng ehekutibo. “I’m the Senior Manager of the Company. And here’s the key fob.” “Thanks." "Ms. Regueler, if you have time, maybe we can grab some coffee and—” "Get lost,” walang emosyon niyang sabi. Wala siyang balak na pakinggan ang lalaki, maaaksaya lang ang oras niya. Tinungo na niya ang sasakyan at lumulan sa loob niyon, tapos ay walang ligoy niyang pinaharurot iyon ng takbo at nag-iwan lang ng alikabok sa pinaghimpilan niyon kanina. Nasa kahabaan na siya ng kalsada nang muling tumawag si Edilbar. Nai-connect na niya sa infotainment system ng sasakyan ang kanyang cellphone kaya malaya siyang sagutin ang tawag ng alalay kahit na hindi na niya hawakan pa ang pisikal na aparato. “May nabili na akong mansiyon para sa iyo, Madam,” imporma nito sa kanya. “Wow, ang bilis! Magaling ka talaga. Expect a bonus from me.” “Salamat, Madam. Kailangan mo na lang pirmahan ang mga importanteng dokumento para tuluyan nang mailipat sa pangalan mo ang property. Pero kahit ngayon ay puwede ka na pong dumerecho roon.” “Sure.” Nakatanggap siya ng bagong mensahe. Alam niyang address na iyon sa bago niyang mansiyon. Napangisi siya. Hindi talaga siya binigo ni Edilbar. Mabilis at malinis pa itong kumilos. “Madam, may masquerade ball sa Mansiyon de Crassus bukas ng gabi para sa mga kasapi ng organisasyon,” pagbibigay-alam nito sa kanya. “Great. Get me an invitation.” Dinig niya ang alanganing pagtikhim ni Edilbar sa kabilang linya, kaya naitirik niya ang mga mata sabay ungol nang buong pagkayamot. “Now, what?” “Mahigpit ang mga de Crassus. Hindi tayo basta-bastang makakakuha ng imbitasyon.” “Then make me the 'plus one' of anyone from that organization. I'm sure not all of them are as high and mighty as the de Crassus brothers. There has to be at least one dirty little pig in that group.” “…” “I want that invitation in my house tonight. Dahil kailangan kong gapangin si Lukas sa masquerade ball na iyan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD