CHAPTER 5

1540 Words
Dinala si Ireta sa Maynila ng mga tauhan ni Morris at ibinaba sa airport. Alam niyang pipilitin siya ng mga itong sumakay sa eroplano at ililipad pabalik ng ibang bansa. But that’s not happening. Hindi siya aalis ng Pilipinas nang hindi nakukuha si Lukas de Crassus. “Ituwid mo ang paglalakad mo at huwag kang lumingap sa paligid. Derecho lang. Nakahanda na ang ticket mo at babalik ka ng Florida,” pormal na sabi sa kanya ng isa sa limang tauhan ni Morris na naglalakad kaagapay niya, binabantayan ang mga kilos niya. Ngumisi siya. “And what if I don’t want to go back home?” kaswal niyang tanong. Natigilan ang lalaking nagsalita. Nagtaka marahil ito sa tono ng boses niya. Walang bakas ng takot. Wala ni katiting na panginginig. Pumalatak ito. “Wala kang pagpipilian. Utos ito ni Sir Morris, kaya dapat ay sundin mo na lang.” “F*ck that Morris,” walang pakialam niyang sabi. Dinig niya ang paglagatok ng bagang ng lalaking kausap. Hindi nito nagustuhan ang tabas ng dila niya. Hindi nga naglipat-minuto ay kumuyom na ang kamay nito sa braso niya. “Ayusin mo iyang dila mo kung gusto mong makabalik ng Florida nang buo.” “Hah!” Sarkastiko siyang tumawa. “What, you’re going to cut off my tongue? Subukan mo lang.” Huminto sa paglalakad ang lalaki at lalong humigpit ang pagpisil nito sa braso niya. “Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Ms. Regueler. Masuwerte ka nang nakalabas ka ng headquarters nang buhay at humihinga pa. Kaya sundin mo na lang kung ano ang ipinapagawa namin sa iyo. Sasakay ka ng eroplano at uuwi ng Florida nang tahimik.” Pinatunog niya ang dila. “Too bad, I don’t want to go home.” “Ms. Regueler!” Naningkit ang mga mata niya nang sumakit ang braso niya dahil sa higpit ng pagkakapulupot ng kamay ng lalaki sa bahaging iyon. Matalim niyang sinulyapan ng tingin ang kamay nito. “Bitiwan mo ako,” matigas niyang utos dito, subalit ang anyo ng mukha niya ay nanatiling kalmado. Nagtagis ang bagang ng lalaki. Malinaw na nauubos na ang pasensiya nito sa kanya. Nagtagisan sila ng tingin. “Ang sabi ko, bitiwan mo ako,” ulit niya. Nagpakawala ng naiiritang tawa ang lalaki. Hinila siya nito at kinaladkad sa isang gilid, sa sulok na kubli sa mga taong dumaraan. Doon ay disimulado nitong inilabas ang maliit na punyal at itinutok sa bandang tagiliran niya. “Gusto mo ba talagang masaktan, ha?” mariin at paasik nitong tanong sa kanya. Mabangis ang bukas ng mukha nito. Umingos siya at walang pagdadalawang isip na hinila pataas ang kamay ng lalaking may hawak ng punyal. “Kung gusto mo akong saksakin, itarak mo iyan sa dibdib ko, huwag sa tagiliran lang.” Inangat niya ang kamay. Uncaringly, she pressed the pad of her index finger against the sharp tip of the dagger. Ni hindi siya kumurap kahit nang masugat ang daliri niya. Nagulat ang lalaki at napatingin sa dugong namuo sa daliri niya, tapos ay napatingin ito sa mukha niya. Nginisihan niya lang ang lalaki. She stuck out her tongue and licked the little blood from her wound. “Tastes good,” aniya. "Gusto mong tikman?" Binuntutan niya ang tanong niyang iyon ng nang-iinis na hagikhik. "Masarap," dagdag pa niya. Nandilat ang mga mata ng lalaki. “Baliw ka ba?” sikmat nito sa kanya. “Siguro, kaya bitiwan mo na ang braso ko.” “Hah! Baliw ka nga kung iniisip mong basta na lang ako susunod sa iyo at—” Namilog ang mga mata nito nang hawakan niya ang kamay nito at walang ligoy na itinarak ang punyal sa ilalim ng kanan niyang balikat. Sumirit ang dugo at kumalat iyon sa damit niya at sa kamay ng lalaki. Pati ang mga kasamahan nito ay nagulat sa ginawa niya. “P*tang inang—” Hindi na nito natapos ang litanya dahil bigla siyang humiyaw at kunwaring umiyak. Sa lakas ng palahaw niya ay nakuha agad ang atensiyon ng mga taong malapit lang sa kinaroroonan nila. “Tulungan n’yo ako! May sumaksak sa akin! Tulong!” sigaw niya, subalit ang mga mata niya ay nangingislap habang nakatitig sa lalaking kaharap. May paghahamong nakapaloob sa mga mata niya. Kumibot din ang kanyang mga labi at gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya, na kaagad din niyang binura at umaktong biktima ng pananaksak nang magsilapitan na ang mga tao at security guard patungo sa lokasyon nila. Sunud-sunod na nagmura ang mga tauhan ni Morris at napilitang tumakbo palayo ang mga ito. Lumupagi siya sa sahig at isinubsob ang mga palad sa mukha, subalit nanatiling matalas ang kamalayan niya. Pinakikiramdaman niya ang paligid. Dinig niya ang nagmamadaling yabag ng mga guwardiya palapit sa kanya. “Miss? Miss, okay ka lang ba?” tanong sa kanya ng isang security guard. “Hindi ako okay. I’m bleeding!” Lalo niyang nilakasan ang kunwaring iyak. Dinala agad siya ng mga ito sa ambulansiyang naghihintay na sa labas ng airport. Pagdating sa ospital ay tinanong siya ng nurses kung sino ang puwedeng tawagang kapamilya o malapit na tao sa kanya upang ipaalam ang kasalukuyan niyang sitwasyon. “Call my fiancé,” pagsisinungaling niya. Lingid sa kaalaman ni Lukas ay napakuha na niya sa mga tauhan niya sa Florida ang personal contact number nito. Inilabas niya ang cellphone at inabot sa nurse. “Please, call him for me.” Naputol ang paglalayag ng diwa ni Ireta. Naputol ang pagsariwa niya sa mga pangyayari bago siya napunta sa ospital na kinaroroonan niya nang mga sandaling iyon. Muli siyang nanumbalik sa kasalukuyan, kasabay niyon ay ang muling pagkurba ng matamis at matalas na ngiti sa kanyang mga labi. Napakurap-kurap siya at natantong nakatitig pa rin pala siya sa puting kisame. Napatingin siya sa suot niyang relo. Hmm, ramdam niyang kaunting minuto na lang, dadating na si Lukas de Crassus. _____ WALANG MATA ang hindi napatingin kay Lukas mula nang bumaba siya ng sasakyan sa tapat mismo ng ospital at pumasok sa entrada ng gusali. Umarkila siya ng itim na sasakyang pinaglalagyan ng kabaong tuwing may ililibing. Iyon ang ginawa niyang service car patungong ospital. Sa lobby palang ay napapalingon na sa kanya ang mga taong nandodoon. He was tall, dressed entirely in black, and wore a pair of dark sunglasses in mourning. May hawak siyang bulaklak galing ng punerarya, at nakasulat sa funeral ribbon ang: ‘For Ireta Regueler, may your soul find no rest.’ Lumapit siya sa front desk staff. “I’m here for Ireta Regueler. Hindi ko alam kung saang ward or kuwarto siya naroroon. Check it for me, will you?” Tumingala sa kanya ang empleyado. May dumaang paghanga sa mga mata nito, na kaagad ding napalitan ng pangamba nang makita nito ang bitbit niya. “Uhm.” Napatingin ito sa dala niyang bulaklak at sa pangalang nakasulat sa funeral ribbon. “Uhm, patay na po ba ang Ireta Regueler na hinahanap n’yo, Sir? Kung oo, sa morgue na po kayo dapat magpunta.” Nagpakawala siya ng mababang tawa. “No, no. She’s still alive.” “Buhay pa po?” hindi makapaniwala nitong tanong. “Yes, very much so, although I would love it if she were not.” Napaubo ito at mabilis nitong tinutok ang mga mata sa computer at tumipa. Tapos ay nag-angat ulit ito ng tingin. “Ahm, kaanu-ano n'yo p-po ang pasyente?" nauutal nitong tanong. Bumakas ang pagkayamot sa mukha ni Lukas. Pinukol niya ng matalim na tingin ang empleyado. "Don't f*cking waste my time here. Huwag ka nang magtanong pa. Baka gusto mong ikaw ang mabigyan ng bulaklak na para sa patay?" Namutla ito. "Second floor, room 208! Nasa room 208 ho ang taong hinahanap mo, Sir.” Kita ang matinding pagkahindik sa anyo ng mukha nito. "Madali ka naman palang kausap, eh. Good girl." Nginisihan niya ang babae, naaaliw na tinapik ang nanlamig nitong pisngi, at tumalikod na. Malalaki ang hakbang niya patungong elevator. Siya ang unang taong pumasok sa loob ng elevator. May humabol na may edad na babaeng may kasamang batang lalaki. Naudlot ang akmang pagpasok ng dalawa nang ngisihan niya ang mga ito. He then stuck out his tongue at the little boy and showed him his piercing. Natakot ang ina ng bata at mabilis nitong hinatak palayo ang anak. Napahagalpak siya ng tawa. Nakakatakot ba ang hitsura niya? Minasdan niya ang sariling repleksiyon sa pinto ng elevator. He looked good. He liked his piercings, and he liked the tattoo that was visible on his neck—the Cerberus, the multi-headed dog that guarded the gates of the Underworld. Itim ang kulay niyon at maganda ang pagkakatinta sa balat niya. His skin was pale with a touch of blush, revealing the faint hint of blood coursing just beneath the surface. Sa linaw ng balat niya ay mababanaag pa ang ilang maganda at pinong linya ng ugat sa ilalim niyon. Umalsa ang isang sulok ng mga labi niya matapos titigan ang repleksiyon. “Hindi naman nakakatakot ang hitsura ko,” natatawa niyang sambit sa kawalan. Bumukas na ang pinto ng elevator sa ikalawang palapag ng ospital. Lumabas siya at sinuyod ng tingin ang kada pintong nadadaanan niya. “Room 208.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD