Tahimik na nakaupo sa pang-isahang sofa si Lukas, habang sa silyang katapat ng inuupuan niya ay nakaupo naman si Eliana. Maputla ito, at humpak ang mga pisngi, nag-iinit ang mga mata, pero may nanginginig na ngiti ang nakaguhit sa kulay papel nitong mga labi. In-utos niya sa mga tauhan na dalhin si Eliana sa bahay-bakasyunan niya, na mas tama sigurong tawaging bahay-taguan. Dahil doon siya nagtatago kapag sinasabihan siya ni Hades na magpalamig muna, upang makasigurong hindi siya mahahabol ng mga kalabang puwersa pagkatapos ng bawat pagtugis niya sa mga importanteng taong kasapi ng kabilang organisasyon. Maliit lang ang bahay na iyon, na nasa liblib na pook. Napapaligiran ng mayayabong na puno ang bahay. Walang ibang nakatira malapit sa kinaroroonan niya, at sinasabi pa ngang may mababa