CHAPTER 53

2055 Words

“Buntis na ba ang asawa ko?” Seryoso ang mukha ni Lukas habang nakatingin sa doktor na hindi magawang kumalma habang sinusuri si Ireta, dahil hindi niya inaalis ang matiim at matalim niyang pagkakatitig dito. Nakaupo sa kama ng kuwarto si Ireta. Nakasandal ito sa dalawang pinagpatung-patong na unan sa uluhan ng kama. Siya mismo ang nag-ayos ng sasandalan nito, para makatiyak na komportable ang asawa. Humugot ng malalim na paghinga ang doktor at pumihit paharap sa kanya. “Positive, Sir. Buntis ho si Mrs. de Crassus.” Nagliwanag ang mukha niya. Nagdadalangtao na si Ireta. Ang tagal din bago sila nakabuo, kahit na araw-araw silang nagtatalik. Kahit na ilang beses silang magniig sa isang araw, at palagi niya itong pinupunlaan ay hindi kaagad ito nabuntis. Pero ngayon ay may nabuo rin sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD