“Hindi ako bababa rito! Dito lang ako!” hiyaw ni Ireta sa asawa. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa kalesa. Wala siyang planong bumaba ng kalesa. Dahil ayaw niyang umalis si Lukas. Kapag bumaba siya ay ikukulong siya agad nito sa kuwarto, at aalis na kaagad ito. Pupuntahan nito si Eliana. Nakahawak sa magkabila nitong baywang ang mga kamay, napapahugot ng malalim na paghinga at malalim ang pagkakakunot ng noo. Nakatingin ito sa kanya. “I’ll get back here as soon as I can, I promise, wifey. Kaya bumaba ka na muna riyan.” Naningkit ang mga mata niya. “Ano ba ang meron ang Eliana na iyan at hindi mo siya matanggihan? Ano ba ang alas na hawak niya laban sa iyo? P*tang ina, sabihin mo sa akin at ako mismo ang pupunit sa alas niyang iyan!” Hindi nagsalita si Lukas, sa halip ay umakyat ito n