“Is that the warehouse?” yamot na tanong ni Lukas kay Klaver. Nakaupo siya sa backseat ng itim na SUV, na madilim din ang tint ng salamin kaya hindi sila kita mula sa labas ng sasakyan. Nakahimpil ang SUV sa madilim na korner, pero tanaw lang nila ang warehouse sa di-kalayuan. Ang sabi niya kay Klaver ay tawagan na lang siya kapag nasa kamay na ng mga ito si Eliana, pero nainip siya at naisip niyang matagal na rin siyang hindi sumasabak sa pakikipaglaban, kaya nagpasya siyang sumama na lang. He felt a sudden surge of thirst for blood from an actual war. Isa pa, nalagasan siya ng mga tauhan kaya hindi puwedeng hindi siya gumanti. He was never the type to forgive the enemy. Kapag may nagawang atraso sa kanya, ay triple-triple ang ganti niya sa mga ito. Kapag may pumatak na dugo mula sa ka