Habang nakaupo si Ireta sa tapat ng dressing table at sinusuklay nito ang mahabang buhok ay nakatayo naman sa likuran niya si Lukas, minamasahe nito ang linya ng mga balikat niya. Tapos ay pinadulas nito pataas ang mga daliri at pinindot ang mga sensitibong pulso sa leeg niya. Gumapang pang lalo pataas ang mga kamay nito at idiniin ang mga daliri sa kanyang sentido. Umismid lang siya. “Walang epekto sa akin iyan, Lukas.” “Ireta, huwag ka nang magalit sa akin.” Yumukod ito at hinalikan ang gilid ng leeg niya, sabay hawak sa kanyang tiyan. “Magkaka-baby na tayo, dapat ay palagi kang malambing sa akin. Dapat daw kapag buntis ang babae ay obligadong maging mabait sa asawa palagi.” Pinukol niya ng matalim na tingin si Lukas, nagkakatitigan sila sa repleksiyon ng isa’t isa sa salamin. “Sino’n