Nakaangkla ang kamay ni Ireta sa braso ng isang lalaki. Miyembro ito ng Kratos. Ordinaryong miyembro at walang mataas na katungkulan sa organisasyon. Ang usapan nila ay kailangan lang nitong maipasok siya sa loob ng Mansiyon de Crassus, at sampung milyon agad ang ibabayad nila rito. Madali naman itong kausap. Mabilis itong nasilaw sa malaking halagang napagkasunduan nila.
Nakapasok na sila sa pinakapinto ng mansiyon, at ngayon ay nasa malapad nang bulwagan. Halos kasinglawak ng function hall ng Gaston hotel (ang isa sa pinakasikat na hotel sa buong bansa) ang sukat ng bulwagang iyon.
Disimulado niyang hinayon ng tingin ang sarili.
She wore an elegant, form-fitting, strapless white evening gown. Yumayapos sa mahubog na kurba ng katawan niya ang tela. May suot siyang puting maskara na mula ulo hanggang kalahati ng ilong lang ang hangganan. Kita ang manipis na tungki ng ilong niya, ang mapula niyang mga labi, at ang kanyang baba. May suot siyang puting belong gawa sa lace.
Naudlot ang paghayon niya ng tingin sa sarili nang maramdaman ang palad ng kasama niyang lalaki. Lumapat iyon sa likuran niya at bahagyang pumisil.
“You’re hot, sweetheart, exactly my type. Gusto mo bang huwag na lang tayong tumuloy sa party na ito at samahan mo na lang ako sa hotel?” Malagkit ang pagkakatingin nito sa kanya.
Pumalatak siya at tumalim ang kislap ng kanyang mga mata sa likod ng kanyang suot na maskara. “Gusto mo bang basagin ko ang nasa pagitan ng mga hita mo?”
Natameme ito at nawala ang lagkit sa paraan nito ng pagtitig sa kanya.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Alisin mo iyang kamay mo sa likod ko, kung ayaw mong matapos sa iyo ang lahi ng pamilya n’yo. Because, sweetheart, if you touch me again, I’ll be sure to break your balls—one after the other. Para lasap na lasap mo ang sakit at ngilo.”
“B*tch,” pilit na kinokontrol ang boses na sikmat nito sa kanya.
Tumikwas lang ang isang kilay niya. “Ano'ng sabi mo? Ulitin mo nga?” Itinaas niya ang isang kamay at paulit-ulit na kumuyom sa hangin nang mariin na tila ba may pinipiga. Ipinapakita niya rito kung paano ang gagawin niyang pagbasag sa dalawa nitong itlog. “Alin sa dalawa ang una kong babasagin? Ang sa kanan o kaliwa?”
Humakbang ito palikod, natakot sa kanya. “Siraulo kang babae ka! Wala ka sa tamang pag-iisip!” pilit na kinokontrol ang boses na asik nito sa kanya at tumalilis na palayo.
“P*ssy #687.” Ganoon na karami ang bilang ng mga taong dinaig pa ang kunehong nabahag ang buntot matapos siyang makaharap at maka-engkuwentro. Napailing na lang siya.
No one can handle her, except Lukas.
Ramdam niyang si Lukas lang.
Inilingap niya ang tingin sa paligid. “Now, where’s my fiancé? Hmm.”
Sa di-kalayuan ay namataan niya ang matangkad na lalaking may suot na itim na maskara na ang disenyo ay mabangis na aso. Buong mukha nito ang natatabunan ng suot nitong maskara, pero nakasilip ang tattoo nito sa leeg at ang mga hikaw nito sa tainga kaya alam niyang si Lukas ang lalaking iyon.
Napangiti siya. “I see you, love. Wala kang kawala sa akin.”
_____
“MR. LUKAS DE CRASSUS.”
Napalingon si Lukas sa kanya. Alam niyang pamilyar dito ang malamyos na boses at ang pigura niya. Baka nga nakilala pa siya agad nito. Ang kaso lang ay wala itong planong aksayahin ang oras nito sa kanya o kahit na sa sinumang magbabalak na makipaglapit dito, lalo na kung babae at ang tanging misyon ay ang akitin lang ito.
Kilala niya si Lukas. Hindi ito ang tipong natutuwa sa atensiyong binibigay dito ng mga anak ni Eba. He’s different.
Kapag may naghubad sa harapan nito, tiyak na mauuna pang tumama ang bala sa taong iyon kaysa sa pagkabuhay ng interes nito. Hindi ito interesado. Wala itong pakialam.
Sinuyod siya ni Lukas ng malamig na tingin mula ulo pababa at saka inilipat na nito ang tingin sa ibang direksiyon, habang mabagal na sinisimsim ang wine sa hawak nitong kopita. Dumistansiya rin ito sa kanya.
Hah. Napapalatak siya. Halos patunugin na niya ang dila bilang reaksiyon sa tahasan nitong pang-iignora sa kanya.
But, did he really recognize her? Or did he see her as just another b*tch trying to flirt with him? Posible rin kasing hindi siya nito nakilala dahil may suot siyang maskara at belo, at dahil hindi lang talaga ito ang tipo ng taong inaalala ang mga bagay na hindi mahalaga at nakakaaliw para rito.
Muli sana siyang hahakbang palapit dito, pero may nauna nang lumapit kay Lukas. Babae. The woman was tall—supermodel tall. She looked like a snob, too. Tinapunan pa siya nito ng nang-uuyam na tingin bago ito kumapit sa kamay ng binata. “Hello, Lukas! Bakit wala ka man lang kausap dito?”
“Who the hell are you?” inis nitong tanong sa bagong dating. Hindi man lang nagkunwaring mabait si Lukas. He was already irritated. Dinig niya ang bahagyang angil sa buong-buo nitong boses. Marahas din nitong hinila ang kamay kung saan nakakapit ang babae. “Don’t touch me,” he growled at the woman, not caring if she felt embarrassed.
Napangisi siya. Ang ngisi niyang iyon ay hindi nakaligtas sa mga mata ng babae. Pinukol siya nito ng matalim na tingin.
“Ano ang nginingisi-ngisi mo riyan? Just who the f*ck are you?” pasikmat nitong tanong sa kanya, nagmamaldita.
Napalingon din ulit sa kanya si Lukas.
Kalmado niyang itinuro ang sarili. “Who am I? Why should I tell you? Who do you think you are to demand my name?” May angas ang boses niya, na ikinagulat ng babae.
“Hindi mo ba ako kilala? Do you even know who my father is?” ganti pa rin nito kahit na malinaw namang naintimida ito sa lamig at talas ng boses niya.
Puno ng sarkasmo ang ngiting umukit sa mapula niyang mga labi. “You’re asking me who your father is? Why, didn’t your mother tell you?” Pang-iinis niya sa babae.
Naningkit ang mga mata nito. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin! Kilala ko kung sino ang ama ko! Ang punto ko ay kung—”
“Iyon naman pala, eh,” sadya niyang putol sa litanya nito. “Kilala mo naman pala kung sino ang ama mo. Bakit itinatanong mo pa kasi sa akin?” Of course, she knew what the woman was trying to do. Gusto nitong ipagmalaki ang ama nitong kung sinong Pontio Pilato, pero wala siyang ganang sakyan ang pagyayabang nito.
“Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo,” anito, malinaw sa tono ng boses nito na pikon na pikon na ito sa kanya. “Miyembro ka ba ng Kratos?”
“I’m not,” walang gatol niyang sabi. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang kampante lang na nanonood sa kanila si Lukas. Parang nanonood lang ito ng sine. Kulang na lang ay kumain ito ng popcorn.
“Oh! That explains why you have no idea who my father is. Kung hindi ka miyembro ng Kratos, paanong nakapasok ka rito? Oh my God, you gatecrashed, didn’t you?” Sinundan pa nito ang tanong ng eksaheradong pagsinghap na kunwa’y hindi makapaniwalang basta na lang siyang pumasok sa masquerade ball ng mga de Crassus.
“Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang talaga? Hindi mo ba binasa ang imbitasyong pinadala sa iyo?”
“What?”
“Pft. The invitation clearly states that the invited person can bring a 'plus one,' whether or not that plus one is a member. And that’s me—the plus one. Naintindihan ba iyon ng utak mo?”
Kahit may suot na maliit na maskara ang babae ay sumabog pa rin ang pamumula sa bahagi ng mukha nitong hindi natatakpan ng maskara. “Makakarating ito sa ama ko.”
Tinaasan niya lang ito ng kilay.
Bumaling ito kay Lukas. “Lukas, huwag mong kausapin ang babaeng iyan.” Muli itong humawak sa kamay ng binata.
Sa pagkakataong iyon ay hinatak na niya ang kamay ng babae. “Huwag mong hawakan si Lukas.”
“Baliw ka ba? Bakit pinagbabawalan mo akong hawakan si Lukas?”
“Because he is mine.”
Umungol si Lukas, tapos ay nagpakawala ito ng mababang tawa. “I have two knives here. Gusto n’yo bang magpatayan? I’d love to see some blood spilled tonight.” Nahaluan ng pagkasabik ang timbre ng tinig nito.
“No!” tanggi agad ng babae.
“Boring,” paungol na sambit ng binata.
“Lukas! Aren’t you even going to throw this b*tch out?”
“Bakit niya ako ipapatapon sa labas? I am his fiancée,” aniya bago pa makapagsalita ang binata.
“Fiancee? Baliw ka ba? Walang fiancée si Lukas! At kung meron man, hindi magiging ikaw iyon! Ni wala kang singsing sa daliri mo! Ibig sabihin lang ay hindi nag-propose sa iyo si Lukas.”
Siya naman ang nagpakawala ng naaaliw na tawa, na ikinaigtad ng babae. “Tama ka, hindi siya nag-propose sa akin, dahil ako ang nag-propose sa kanya. As for the ring…” Tinaas niya ang kamay at minasdan ang daliri niya kung saan dapat isinusuot ang engagement ring.
“See, there’s no ring! At kahit gaano mo katagal na titigan iyang daliri mo, walang singsing ang bigla na lang susulpot diyan!” anang babae.
“Sigurado ka?” Sa harapan ng babae at ni Lukas ay isinubo niya ang ikaapat na daliri at mariing kinagat ang pinakadulong loob ng kanyang palasingsingan. Nag-iwan ng marka ang ngipin niya sa daliri niyang iyon.
Nalaglag ang panga ng babae.
“Mukha na bang singsing ang marka ng ngipin ko?” Ang paraan ng pag-angat ng magkabilang sulok ng mga labi niya upang iguhit ang mala-demonyong ngisi ay nagpahigit sa paghinga ng kaharap.
“You are crazy!” hiyaw nito, hindik na hindik.
She didn’t stop grinning like a mad woman. “Yes, I am. At kung hindi ka titigil sa kakaputak, ang daliri mo naman ang sunod kong kakagatin. Do you want an engagement ring like mine, too? Hmm? Sabihin mo lang, pero ang sa iyo ay isasagad ko ng kagat hanggang buto.”