“Dance with me,” walang ligoy na sabi ni Ireta kay Lukas nang tumalilis na palayo ang babaeng kainitan niya kanina. Natakot yata sa kanya. Parang hindi pa nga nakakatakot ang sinabi niya rito. Sinabi lang naman niyang kakagatin niya rin ang daliri nito sagad hanggang buto. Ano ang nakakatakot d'un? Mas higit pa sa kagat ang kaya niyang gawin dito kung hindi nito ititigil ang pagdikit-dikit kay Lukas.
Napailing ang binata at nanulas ang nang-uuyam na tawa mula sa lalamunan nito. Halos kaya nang iguhit ni Ireta sa utak niya ang imahe ng mukha ni Lukas ngayon sa likod ng maskara nito. Puno ng sarkasmo at pang-uuyam. Iniisip siguro nitong ang lakas ng loob niya para anyayahan itong sumayaw.
"Dance with me, Lukas," ulit niya.
"Get lost," matabang lang nitong sagot.
Pinaraanan niya ng hintuturo ang tapat ng lalamunan nito hanggang dibdib, at nanunuksong kinalikot ang butones ng suot nitong itim na polo. Nakalas niya ang isa, ngunit bago pa niya makalas ang pangalawa ay nagawa na nitong tabigin ang kamay niya.
Behind his mask, she could see the murderous and disgusted glint in his eyes. Parang sinasabi ng mga mata nitong ayaw nitong mapadikit man lang sa kanya, na nasa dulo na ito ng hibla ng pagpipigil nito at malapit na nitong pilipitin ang leeg niya.
“Stay the f*ck away from me,” mariin nitong pagtataboy sa kanya. “Kung hindi mo narinig ang sinabi ko kanina ay uulitin ko ngayon: may dalawa akong panaksak dito. Baka gamitin ko sa iyo ang isa.”
She chuckled. “Do you really want to use it on me?” matapang niyang tanong dito.
“Hmm, yes. I want to see you bleed. Or I can just use my nail instead.”
Parang nakikinita na ni Ireta na sa likod ng maskara nito ay dahan-dahang kumukorte pataas ang magkabilang sulok ng mga labi nito para iguhit ang mapanganib na ngisi.
Hinuli ng binata ang kamay niya at minasdan. He flipped her hand facing upward so he could see the thin veins that crawled under her pale skin on her delicate wrist. “Gusto kong malaman kung gaano kalapot ang dugo mo.” Pagkasabi niyon ay idiniin nito ang kuko ng hinlalaki sa palapulsuhan niya. Bumaon iyon at lumikha ng sugat.
Nahugot niya ang paghinga sa pagguhit ng hapdi at kirot.
“Masakit ba? This pain isn’t even a fraction of what you’re about to feel if you piss me off—” Naputol ang pagsasalita nito nang humagikhik siya. Hindi siguro nito inaasahang ganoon ang magiging reaksiyon niya kaya bigla siya nitong binitiwan.
Tinitigan niya sa mga mata si Lukas. “Gawin mo.” She pressed her lower body against his own and anchored her arms around his neck. She was openly flirting with Lukas. She raised her face more so she could intently look him in the eye, her breathing becoming hot and heavy. “Do it, Lukas. I’m willing to welcome any kind of pain if it’s a gift from you.” Hinawi niya pataas ang belo at inilapit ang palapulsuhan sa mga labi niya, saka mainit na pinalis ang dugo mula sa sugat niya gamit ang kanyang dila.
“What the…” tanging nasabi ni Lukas at marahas na dumistansiya mula sa katawan niya.
"Bakit? Nagulat ka ba? Ha-ha, ganito talaga ako, eh," aniya, nakangiti.
Hindi ito umimik.
May dumaang waiter. May hawak itong tray kung saan nakapatong ang mga kopita ng wine. “Excuse me, I need two of those,” turo niya sa hawak nito.
Tumango ang waiter at magalang na inabutan siya ng dalawang kopita.
“This is for you, Mr. de Crassus.” Ibinigay niya ang isa kay Lukas. Ang kopitang hawak nito kanina ay naubos na nito at kinuha na ng serbidor.
“I refuse,” tanggi nito, malamig ang tono ng boses.
“Bakit? This is just wine. Walang lason ito. Pati ba ito tatanggihan mo? O huwag mong sabihing natatakot kang malasing? Mahina ka ba, Lukas?”
Dinig niya ang pagtatagis ng bagang ng binata. Sa mga mata ng maskara nito ay kitang-kita niya ang maigting na pagkairita nito sa kanya. "Gustung-gusto kitang ibaon sa ilalim ng lupa ngayon."
"Talaga? Bakit hindi mo pa ginagawa?"
Muli ay tumahimik ito. Ang hula niya ay nangako ito kina Hades at Morris na hindi lilikha ng kahit anong gulo, kaya nagpipigil ito ngayon.
Inangat nito ang maskara, sakto lang para makita ang mga labi nito.
Nagliwanag ang mukha niya. "Iinumin mo na ang wine?"
"Sh*t up. Nakukulili ang tainga ko sa iyo. Sarap busalan ng bibig mo," sikmat nito sa kanya. Marahas nitong hinablot ang hawak niyang kopita at dinala iyon sa labi nito, pero bago ito tuluyang sumimsim ay muli itong nagsalita, “If you want me to drink this, then you’ll have to drink it, too. Para kung may lason nga ay dalawa tayong mamamatay.” Inubos nito ang wine na nasa kopita, saka walang ingat at marahas na hinila ang buhok niya palikod upang itaas ulit ang kanyang mukha.
The moment she gasped because of pain, his mouth automatically descended upon hers, and she soon tasted the wine flowing into her mouth and down her throat. It was forceful, but it felt so erotic… at least for her. Lalo na at naglapat ang mga labi nila ng binata. Mainit ang mga labi nito. Mapula. Malambot. Mabango rin ang hininga nito.
She swore his tongue touched hers, sending a surge of electricity down the entire length of her spine. Nakiliti at nag-init ang buong katawan niya. Naramdaman niya rin ang bilog na hikaw na nasa dila nito na lalong nagpaliyab sa pagnanasa niya kay Lukas.
“Nilunok ko ang wine, kaya kailangang isayaw mo ako,” aniya.
“Brave. Alright, let’s go.” Inayos nito ang pagkakasuot ng maskara.
Hindi agad siya nakakibo. Hindi niya inaasahang papayag si Lukas.
Dinala siya nito sa gitnang espasyo, napapalibutan sila ng mga taong nagsasayaw. Pumailanlang ang musikang klasikal na ‘Lacrimosa.’ Napatingala siya kay Lukas nang marinig na ginaya nito ang tunog ng musika. He was humming! Dinakma nito ang ibabang likod niya at kinabig siya palapit sa katawan nito. Sobrang dikit nila sa isa’t isa, halos hindi na siya makahinga. Pero hindi siya magrereklamo. Dahil gusto niya ang pakiramdam na magkadikit ang mga katawan nila.
Lukas felt so good, so hard, against her softness.
Nagsayaw sila sa musika. Magaling ito. Idinuduyan siya ng mga kilos ni Lukas. Kahit hindi siya magaling sumayaw ay nadadala siya sa linis at pinong pagsasayaw ng binata.
“Ireta, talaga bang pagod ka nang mabuhay?”
Nanigas ang kanyang likod at kung hindi dahil sa pagdadala ni Lukas sa sayaw ay baka nahinto na sa paggalaw ang katawan niya. Hindi niya akalaing sasambitin nito ang pangalan niya. Akala niya ay hindi siya nito nakilala dahil sa suot niyang maskara at belo.
“Did you really think I would not recognize you just because you showed up looking like a corpse bride? At kung hindi mo napansin, idineklara mo kaninang fiancée kita. Walang ibang babae ang gagawa niyon, ikaw lang.”
“Fine, you're right, it's me," kaswal niyang pag-amin. "But, I am not a corpse bride.”
“Then what are you trying to masquerade as?”
“A priestess,” aniya.
“Hmm, priestess.”
“At ikaw? Let me guess, you are masquerading as Cerberus, the vicious dog of the Underworld, correct?”
“…” tanging reaksiyon ni Lukas.
Natawa siya. “Interesting. Alam mo bang ang ‘karakter’ ko ngayon ay galing din sa kuwentong mitolohiya ng mga griyego, at nakaharap na ng ‘Cerberus?’ Do you know Aeneas who was guided by Sibyl of Cumae, the priestess, in his journey to the Underworld? Alam mo ba kung ano ang ginawa ni Sybil? She fed a drugged honeycake to Cerberus and put him to sleep. Right now, love, I am that ‘Sybil.’”
Umungol si Lukas at nagmura. “F*ck you, did you drug me?” maigting nitong tanong sa kanya.
“Kung ako si Sybil, at ikaw ang Cerberus, ano sa tingin mo? Did I?” Napangisi siya. Hindi naglipat-segundo ay nakaramdam na siya ng bahagyang pagkahilo at umalsa ang temperatura ng kanyang katawan. Sh*t, she was drugged, too.
Ang wine.
May kinuntsaba siyang waiter sa simula palang. Ang wine ay para lang dapat kay Lukas. Hindi niya naman naisip na mapupuwersa rin siyang inumin iyon mula sa mismong bibig ng binata. Alam niyang may nalunok si Lukas sa wine. Pero may nalunok din siya. Kaya ngayon ay pareho silang apektado ng gamot na inihalo sa inumin.
“Come with me quickly.” Hinawakan niya ang kamay ng binata pero marahas nitong tinampal ang kamay niya.
“Huwag mo akong hawakan!” sikmat nito sa kanya, malagom ang boses.
“Tsk, huwag ka nang kumontra.” Hinuli niya ulit ang kamay ni Lukas. Sa pagkakataong iyon ay hindi na nito nagawang umalma. Napaungol lang ito. Sa tingin niya ay pinahihina na ito ng gamot na nainom nito. At ganoon din naman siya kaya kailangan na niyang kumilos nang mabilis. Kailangang makalabas na sila ng Mansiyon de Crassus.
“Pasensiya ka na, Lukas, hindi puwedeng makansela ang gabing ito. Kaya sasama ka sa akin. Tonight is the night we both lose our virginity.”