“Lukas, ano ang plano mo sa asawa mo?” Mula sa kampanteng pagkakasalampak ng upo sa sofa ng mansiyon ni Hades ay napatayo si Lukas para abutin ang pakete ng sigarilyo sa center table. Nagsindi siya ng isang stick at dinala iyon sa labi. “Nagsumbong na naman ba sa ’yo ang ‘mabait kong asawa’? sarkastiko niyang tanong sa kapatid, sabay buga ng usok na hinithit niya mula sa sigarilyo. “Hindi siya nagsumbong, pero kayang-kaya kitang basahin. Ang presensiya mo palang dito ay malinaw na senyales na.” Humugot ng malalim na paghinga si Hades. “Tratuhin mo nang maayos ang asawa mo, Lukas.” “She’s my wife; I’ll treat her the way I want to.” Naningkit ang mga mata ni Hades. “You’re hurting your wife, Lukas.” “Hindi siya katulad ng iba, Boss. Kakaiba ang asawa ko, maniwala ka sa akin,” makahulug