“Akala ko ba…” Hindi magawang tapusin ni Ireta ang gusto niyang sabihin, nakamata lang siya sa asawang nakatayo ilang hakbang lang ang distansiya mula sa kanya. Nang basta na lang tumilapon si Lukas sa gilid ng kalsada kanina, kinutuban na kaagad siya na parang hindi aayon sa plano niya ang magiging takbo ng mga kaganapan. She knew they wouldn’t be able to take down Lukas so effortlessly. And she knew that he was capable of safely ejecting himself from his superbike. Nagkatotoo ang kutob niya. Nasa harapan niya ito ngayon at matatag ang pagkakatindig. May madilim na anino sa mga mata at nagtatagis ang mga bagang nito. Naghugpong ang mga tingin nila ng asawa. Titig na titig ito sa kanya, at kung pagbabasehan lang ang paggalaw ng mga muscles nito sa panga ay napipiho na niyang galit at i