Hinarang si Ireta ng dalawang tauhan ni Lukas nang palabas na siya ng sala. Matikas na nakatayo ang dalawang lalaking nakasuot ng itim na uniporme at ayaw siyang padaanin. Ang laking tao pa naman ng mga ito at tila mga bato sa tigas ang katawan, mahirap tibagin. “Umalis kayo riyan!” asik niya sa mga ito. Itinaas niya ang nakakuyom na kamao para sana suntukin ang isa sa dalawang tauhan ni Lukas, pero biglang nagsalita ang asawa niya. “Huwag mo nang subukang patumbahin kahit isa man sa dalawang tauhan ko. They’re black belts too, just like you. If you try to take them down, it won’t end well for you, trust me.” Napilitan siyang ibaba ang kamay, at naniningkit ang mga matang hinarap ang asawa. “Bakit ayaw mo akong paalisin ng sala? Ano ang plano mo?” Ngumiti sa kanya si Lukas. He was lei