‘Nasaan na ba si Lukas de Crassus?’ piping tanong ng maliit na tinig sa loob ng utak ni Ireta. Gusto na niya itong makita. Napapagod na siyang umarte at maglabas ng pekeng luha. Ang dami nang nangyari mula nang dukutin siya ng mga miyembro ng Kratos at dalhin sa Pilipinas. Nayayamot na siya sa pagkukunwaring takot, kahit ang totoo’y ni hindi man lang tumayo ang mga pinong balahibo niya sa batok sa lahat ng mga karahasang nasaksihan niya. Nanlalagkit na rin ang mukha niya sa luha. Pekeng luha.
Lukas…
All she ever wanted was to see him.
To smell his scent.
To feel his skin.
Mainit kaya ang balat nito? Makinis? Masarap kayang paraanan ng hintuturo ang dibdib nito?
Sh*t, she had been craving him since she saw his picture.
Inilingap niya ang mga mata sa paligid. Alam niyang nasa basement siya ng kung saang lugar. Headquarters siguro iyon ng Kratos. Nakaupo siya sa bakal na silya at ganoon din ang ama niyang si Isidro Regueler. Magkaharap ang posisyon ng inuupuan nila, habang si Morris de Crassus na ‘utak’ ng kalabang organisasyon ay kampanteng nakaupo sa couch na may mataas na sandalan. Kalmadong nakapukol sa kanila ang malamig nitong mga titig. Nakadekwatro ang mga paa nito at walang pagmamadaling hinihithit ang sigarilyong nakasipit sa pagitan ng dalawang mahahabang mga daliri sa kanang kamay.
Parang bato. Halos walang ipinagkaiba sa estatwa. Ganoon ang tingin niya kay Morris. He was prim and proper; cold and reserved. Bagay dito ang suot nitong malinaw na salamin sa mata. Mukha itong matalino. At sa tingin niya ay matalino itong talaga. Kung nahuli nito ang ama niya ay napipiho niyang may utak nga ang binata, sapagkat si Isidro Regueler ay ang tipo ng taong hindi papahuli nang buhay. Sabagay, hindi naman magiging Consigliere ng Kratos si Morris kung mangmang ito.
Muli niyang minasdan si Morris de Crassus.
Handsome but boring.
She wanted someone who was just as insane as she was.
Iyong kayang tapatan ang pagiging baliw niya. Yes, she wanted someone crazy—like Lukas.
Where the hell is he? nababagot nang ingos ng maliit na boses sa loob ng utak niya. Pinaraanan niya ng tingin ang palibot. Nakapaikot sa kanila ng kanyang ama ang mga miyembro ng Kratos. Matikas na nakatayo ang mga ito at itim lahat ang kasuotan.
Biglang may nahagip na pigura ang gilid ng mga mata niya. Iginalaw niya ang mukha at ipinaling sa direksiyong iyon at pakiwari niya ay huminto ang pagtikatik ng mga orasan. A tall man strode in through the doorway. He was really tall. Right, 6’7” was accurate.
'Lukas,' sambit ng tinig sa loob ng utak niya.
He really was the mad hellhound of the Mafia world. Malakas ang dating nito, katulad na lang ng kung gaano kalakas ang pag-iigting ng dibdib niya sa bawat paggalaw at hakbang nito. Lukas had such strong legs, powerful strides. He walked like he owned the Mafia world.
Mabangis ang kinang na nakapaloob sa matalas nitong mga mata. Para nga itong mabagsik na aso, handang lapain ang kahit na sino mang humarang sa harapan nito. Alam niyang kaya nitong sakmalin sa leeg at punitin ang lalamunan ng taong gustong kumalaban dito. Pero bahagyang umaalsa ang isang sulok ng mapula nitong mga labi. He was grinning like the devil. Ahh yes, iyon ang gusto niya.
She squeezed her legs together, because she felt something warm and wet between her legs. Nakita niya lang si Lukas de Crassus ay pumintig na ang pagkab*bae niya. She had no idea her body could react this strongly to a man! Wala pang lalaking nakapagpainit sa katawan niya. But right now, she was wet! Alam niya, ramdam niya iyon.
Hah, she wanted Lukas to f*ck her!
She wanted that strong body of his to be on top of her as she squirmed in bliss under him. She wanted that hot lower body of his to position between her legs, wanting her hot muscles to contract as he pistoned his c*ck inside her. Sh*t, she felt so horny all of a sudden—all because of Lukas de Crassus!
Isang tingin niya lang sa binata, batid na agad niyang ito lang ang lalaking para sa kanya. Ang lalaking nababagay sa kanya. At ngayong alam na niyang ganoon kalakas ang epekto nito sa kanya ay nunca pa niya itong pakakawalan. Hahabulin niya ito kahit sa pinakadulo pa ng mundong ibabaw.
Nakatali ang kalahati ng buhok ni Lukas—a half ponytail. Sa mga mata niya ay kumikinang ang mga hikaw nito sa gilid ng kilay, sa tainga, at sa gilid ng ibabang labi nito. He was wearing black from head to toe. Sumandal ito sa pader, pinagkrus ang mga kamay sa tapat ng dibdib, at ang isang tuhod ay nakatiklop pataas at nakatukod ang paa sa parehong pader. Ang kabilang paa naman ay tuwid lang na nakalapat sa sementong sahig.
Muntik nang sumungaw ang matamis at nasasabik na ngiti sa mga labi niya, mabuti na lang at nasaway niya ang sarili.
Kailan pa ba siya makakalapit nang tuluyan kay Lukas de Crassus? But acting like a helpless daughter of the rival Mafia really was a great idea! Kung hindi niya ginawa iyon ay alam niyang mahihirapan siyang makita agad sa personal si Lukas de Crassus.
Dumaan ang mga minuto, na naging oras. She stayed true to her ‘character,’ kahit ang totoo ay nasusuka na siyang umarteng mahina.
Si Isidro naman ay nagpa-panic na, dahil alam nitong papatayin talaga ito ng Kratos. Nang binantaan itong babarilin siya ay lumabas agad ang totoong tingin at pagtrato sa kanya ng ama. Wala itong pakialam kahit na may tumagos pang bala sa ulo niya. Ang dami nitong ibinatong masasakit na salita sa kanya. Na kesyo wala naman siyang kuwentang anak, at inutil siya. Na wala siyang ambag o tulong dito.
So, what? Ni hindi nga nito alam kung anong klaseng tao talaga siya, at kung ano ang kaya niyang gawin. Ang buong paniniwala nito ay mahina siya.
She couldn’t care less.
Sapul palang alam na niyang hindi siya mahal ng ama niya. Patas lang naman sila. Hindi siya nito mahal, hindi rin naman niya ito mahal. Wala itong pakialam kahit mamatay siya, ganoon din ang nararamdaman niya para rito.
He was never a father to her anyway.
Alam niyang nasa tiyan palang siya ng ina niya noon ay binalak na ni Isidro na ipalaglag siya. But she was a stubborn embryo that clung tightly to her mother’s womb. Hindi siya nalaglag at nailuwal siya nang malusog ng ina niya. Mula nang isilang siya sa mundong ibabaw ay hindi kailanman ipinaramdam ni Isidro sa kanya na mahalaga siya rito.
Wala itong 'amor' o kahit katiting na interes sa kanya. Kaya inalam niya kung totoo bang mag-ama sila ni Isidro Regueler at natuklasan niyang hindi sila magkadugo. May nakatalik na ibang lalaki ang ina niya bago nito nakilala at nakarelasyon si Isidro at nagbunga ang pakikipagtalik na iyon—siya ang bunga. Kalaunan ay nagkasakit ang ina niya hanggang sa namatay ito. And Isidro Regueler didn’t even pretend to care. Ultimo bulaklak para sa namahingang kaluluwa ng ina niya ay wala silang natanggap.
So, may God forgive her soul, but she felt nothing right now, even if Isidro was being tortured. Hindi siya makaramdam ng awa rito, kahit na panay ang palahaw nito. He wasn’t even the ‘sperm donor.’ He was just the man her mother falsely introduced as her father.
Mayamaya ay napalingap siya sa kinilalang ama. Nakaharap dito si Lukas. May kasabikang nagkukumislap sa mga mata ng binata habang pinapahirapan nito si Isidro. Disimulado niyang pinagmasdan ang mga kamay ng binatang ekspertong gumagalaw. He really was a torture master.
Dinig ni Ireta ang mga patak ng dugo sa sahig na galing sa dulo ng mesa at tumulo na pababa. Ipinikit niya ang mga mata at sinamyo ang amoy ng dugong humalo na sa hangin. God, she liked it, especially because the smell of blood mingled with Lukas’ scent. The blood in her veins vibrated with a strong sense of excitement. Gustung-gusto na niyang hawakan si Lukas, subalit nakagapos pa rin ang mga kamay niya sa likod.
Pero kahit hindi nakatali ang mga kamay niya ay hindi pa rin niya puwedeng basta na lamang hilahin si Lukas. Baka patayin siya ng mga ito roon mismo. Ngayong nakita na niya sa personal ang binata ay nakumpirma niyang gusto niya talaga itong maangkin. At gusto niya ring magpaangkin dito.
‘Lukas is mine,’ sa loob-loob niya.
Mayamaya pa ay hinatak siya patayo ng isang tauhan ni Morris at itinulak siya palapit sa Consigliere. “Raise your head and look at me,” utos nito sa kanya.
Sinunod niya ito. Nakapukol pa rin sa mukha niya ang mga mata ni Morris.
“Come closer,” anito.
Humakbang naman siya palapit dito. Wala siyang makapa ni kakarampot na takot. Kumakabog ang dibdib niya, oo, pero hindi dahil sa takot, kundi dahil sa matinding kagustuhang puntahan na si Lukas. Ang lakas ng 'hatak' nito sa kanya.
Ibinaba ni Morris ang mukha sa gilid ng ulo niya, sa kanyang punong-tainga, at bumulong, “You’re not as frightened and devastated as you wanted others to believe, are you?” Mahina lang ang boses nito, sapat lang upang marinig niya.
Hindi siya kumibo. Nayayamot siya. Naiirita. Tunay ngang 'utak' ito ng Kratos, dahil nabasag agad nito ang 'maskara' niya. Natukoy agad nitong nagkukunwari lang siya.
Naiinis siya.
If only she could aim a knife at Morris’ throat, it would be lovely. Pero wala siyang hawak na kutsilyo.
“I know the truth, Ireta. You are not completely innocent,” patuloy nitong bulong sa kanya.
Bingo! Gusto niyang ngumisi nang mapang-uyam, subalit pinigilan niya ang sarili. But Morris was right, she wasn’t ‘the’ damsel in distress, she’s the psychopathic b*tch.
Pumalatak siya. “Then, kill me. Kill me like you did my father. Pull out my nails and chop off my fingers. Shoot me in the head or stab me with a knife. I will not complain,” sabi niya, mababa lang din ang boses. Silang dalawa lang ang nakakarinig sa kanilang pinag-uusapan.
Bahagyang umalsa ang isang sulok ng mga labi ng Consigliere. “There was a famous quote I have read once about how most evil things are always done by those who never firmly decide to be either good or evil.”
“So?”
“Maligalig pa ang utak mo, Ireta. Pakakawalan kita ngayon at magdesisyon ka kung saan mo gustong pumanig. If you ever decide to go against us, then I will find you again… to kill you, of course, the way we killed your father. For now, we will set you free.”
Pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya ni Morris. Malamig ang pakikitungo nito sa kanya, halos hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi siya halos makapaniwalang may babae itong labis na pinoprotektahan at minamahal—ang asawa nito. She wondered how his wife was able to worm her way into that cold Mafia man's heart. Hindi niya kayang isipin kung paano maglambing ang lalaking iyon sa isang babae.
Ahh, she wasn’t interested anyway.
Si Lukas lang ang pinag-iinteresan niya ngayon. Wala nang iba pa. At lahat ng nakakapukaw sa interes niya ay nakukuha niya.
Lukas was no exception.
Mahuhulog din ito sa mga kamay niya.
At buhay pa siya. Mukhang makakalabas talaga siya ng headquarters nang buhay pa.
Misson accomplished! Walang ililibing na katawan si Edilbar! Gusto niyang matawa. Nakikinita na niya ang ekspresyon ng alalay oras na malaman nitong hindi siya pinatay ng Kratos.
Sumulyap siya kay Lukas.
Hah, Lukas de Crassus, sambit ng utak niya. Humanda na ito, dahil magsisimula na ang paghahabol niya sa binata. At nakahanda siyang habulin ito kahit magtago pa ito sa pinakadulo ng mundo. Titiyakin niyang makukulong ito sa lambat na ilalatag niya.