Mariing ipinikit ni Ireta ang mga mata habang iniisip ang imahe ni Lukas. His ears, eyebrows, and the corner of his underlip were pierced. Ang dila rin kaya nito? Ahh, what would it feel like to kiss a man with a tongue piercing? Masarap kaya? Nakakakiliti? Hindi na siya makapaghintay na makaharap si Lukas para malaman na niya ang sagot sa mga katanungang nasa utak niya.
“Madam, ipapadukot ko ba si Lukas de Crassus?” tanong ni Edilbar sa kanya. Naroroon ang tono ng pagtutol sa boses nito, datapwat ay wala itong magawa para baguhin ang kapasyahan niya.
“No need. They will come for me; I can feel it.” Ang ama niya ang lider ng Oxiris—ang kalabang organisasyon ng Kratos kung saan naman nabibilang ang mga de Crassus.
She knew the ‘de Crassus’ weren’t people to mess with.
Kilalang-kilala ang mga ito, lalo na sa mundo ng Mafia.
‘They kill people. They’re beasts.’ Ganoon ang taguri ng mga tao sa mga de Crassus. Mga halimaw na hindi marunong maawa at magpatawad. Brutal lalo na sa kaaway ng mga ito.
Pero hindi siya natatakot.
Bakit siya matatakot?
Napangisi siya.
Alam niyang ambisyon ng kanyang ama na makuha ang pinakamataas na trono at ang kilalaning pinakamakapangyarihang tao sa mundo ng Mafia. Kaya nga pinadala siya nito sa ibang bansa. Ang layunin nito ay ang makakilala siya ng mga taong potensiyal na makakatulong dito na lalong mapalago at mapalakas ang Oxiris.
“Ano ang ibig mong sabihin, Madam?” kunot-noong tanong ni Edilbar.
“Hindi ba mainit na ang away sa pagitan ng Oxiris at Kratos?” baling niya sa kausap.
“Ang huling report ay nagiging marahas at madugo na ang labanan sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo.”
“That’s exactly why they would come for me.” Ngumiti siya nang malawak. “And I’ll be waiting with my pink lipstick on. Magmumukha akong inosenteng dalagang walang kalaban-laban.”
“Pero itinago ka ng ama mo rito sa ibang bansa? Iilang tao lang ang may alam ng tungkol sa iyo.”
“Sa tingin mo ba hindi malalaman ng Kratos ang tungkol sa akin? They are the most powerful and dangerous in the underworld; it would be easy for them to discover my existence. Besides, I am not even hiding. I want them to find me, so they shall.”
“Pero baka malagay sa peligro ang buhay mo, Madam…” Nag-aalala para sa kanya ang alalay.
Natawa lang siya. “So? If I die, you bury my body, is that so hard to do? Just get me an expensive coffin, and a good spot in the cemetery.”
Nahigit ng lalaki ang paghinga nito. “Huwag mong sabihin iyan, Madam—”
Ngumisi siya nang nakakaloko. “If you don’t want to bury my dead body, then pray that I don’t die.”
“Baka may ibang paraan pa naman. Hindi mo kailangang magpahuli sa Kratos. Napakadelikado talaga nitong iniisip mong gawin, Madam. Kung buhay lang ang Mama mo ay hindi siya papayag sa plano mong ito.”
“But she's already dead, and this is the fastest way,” tanging sabi niya lang. “And the laziest. Isipin mo, hindi ko na kailangang mag-isip ng paraan para makalapit kay Lukas de Crassus. This is like a free shipping delivery.”
Wala nang maapuhap sabihin si Edilbar, kaya nanatili itong walang kibo at nakatitig lang sa kanya.
“Sa mga susunod na araw ay huwag mo na akong puntahan dito,” aniya.
Namilog ang mga mata nito. “Paano ka? Sino ang aalalay sa iyo at—”
“Edilbar, I can manage. Hindi ako mahinang kuting. But—I’ll act like a helpless kitten for the meantime.”
“Madam—”
“You are dismissed. Hintayin mo na lang kung kailan ulit kita tatawagan.”
_____
WALANG pagmamadaling nginuya ni Ireta ang slice ng mansanas na isinubo niya sa bibig. Nakasandal ang balakang niya sa kitchen island at nasa harapan niya ang platito kung saan nakalagay ang mga hiniwa niyang mansanas.
Tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang mensahe.
‘They will arrive at your location in five minutes.’
Kumibot ang mga labi niya at sumilay ang nasasabik na ngisi sa kanyang maganda at inosenteng mukha. Itinapon niya sa trash bin ang kutsilyong ginagamit niyang panghiwa kanina sa mansanas nang sa ganoon ay magmukhang wala siyang makapang sandata upang maipagtanggol ang sarili niya. Nanginginig ang mga kamay niya sa antisipasyon. Panginginig na dala ng tuwa at hindi takot.
Napatutok ang mga mata niya sa pinto ng condo.
“Five, four, three…”
Lumakas ang t***k ng puso niya. God, she was loving this. She was too excited. Too overjoyed.
She’s crazy.
“Two,” sambit niya.
Dinig na niya ang mga yabag sa labas.
“One.”
Sinadya niyang tumili nang may malakas na sumipa sa pinto ng unit niya. Nasira iyon at tumambad sa kanya ang mga lalaking alam niyang kasapi ng Kratos. May takip ang mukha ng mga ito.
Gustung-gusto niyang ngumisi. Pero pinigilan niya ang sarili. Baka hindi siya tangayin ng mga ito kung makikita ng mga itong natutuwa siya. Kailangan ay magmukha siyang takot, nagigimbal, at nahihindik. Hmm, puwede rin niyang pigain ang sarili para maglabas ng luha ang kanyang mga mata.
Ahh, yes, she needed to cry.
Tears.
She needed to show them her tears. Kailangang umiyak siya. Dahil umiiyak ang taong takot at nanggigilalas. Kailangan ay itago niya ang kislap ng katuwaang nakapaloob sa kanyang mga mata.
Binalikan niya sa isipan ang inihanda niyang kabuuang anyo para sa mga ‘bisitang’ kanina pa niya hinihintay na dumating. Hinayaan niyang nakalugay lang ang kulay madilim na tsokolateng buhok na hanggang kalahati ng likod niya ang haba. Hindi rin siya naglagay ng kolorete sa mukha kaya tanging ang natural na mala-rosas na kulay sa magkabila niyang mga pisngi at tulay ng kanyang ilong ang nagbigay buhay sa maputing kutis ng inosente niyang mukha.
But, she wore her pink lipstick. Kagaya ng sinabi niya kay Edilbar.
She was five feet, three inches tall. Hindi siya ubod ng tangkad, hindi rin siya gaanong kaliit. Sa opinyon niya ay tama lang ang taas niya. But, Lukas was 6 feet, 7 inches. Lihim niyang naikibit ang mga balikat. Kahit sobrang tangkad pa ni Lukas ay hindi naman mahalaga iyon kapag pareho na silang hubad at magkapatong sa ibabaw ng kama.
Sa naisip ay napangisi ang espiritu ng kabaliwan sa loob ng utak niya, subalit kaagad din niyang hinamig ang sarili at nag-focus sa pag-arte.
“Ano ito? Sino kayo?” kunwari ay hindik niyang tanong sa mga lalaking lumapit sa kanya.
Marahas na hinablot ng isa ang braso niya at piniringan ang kanyang mga mata. Hinila ng mga ito ang mga kamay niya palikod at itinali. Sobrang higpit ng pagkakatali ng mga ito sa kanya. Nasisiguro na niyang magpapasa ang palapulsuhan niya bukas. Baka nga masugat pa iyon. Pero okay lang. This will spare her the need to buy a plane ticket. Mas mabilis pa siyang makakapunta kay Lukas.
Kailangan niyang makita si Lukas.
Gusto niyang makita si Lukas.
Ahh… sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib niya.
She was too excited. She had never been this excited for a very, very long time. Sa loob ng mahabang panahon ay puro pagkabagot lang ang nararamdaman niya.
Takot kasi ang mga taong nakapalibot sa kanya sa Florida. Ni hindi nga siya matignan ng mga ito sa mata. Kaya maliban kay Edilbar at mga taong nagtatrabaho para sa kanya ay wala na siyang kinakausap pa. They were all boring anyway.
Then, she saw Lukas’ picture. The picture was what first caught her attention. But it was the things written about him below the picture that ignited her interest. Gusto niya itong angkinin. Gusto niyang maging kanya lang ito.
Wala pa siyang ginusto na hindi niya nakukuha.
Aangkinin niya ito sa ayaw at gusto nito.
Magiging kanya si Lukas de Crassus.
At malapit na silang magkita.