CHAPTER 18

2007 Words

“Madam, bakit hindi ka na lang kaya maghanap ng ibang lalaking pagkakainteresan?” atubiling tanong ni Edilbar kay Ireta. Nakaupo ang alalay sa likod ng manibela, at minamaneho ang Bugatti La Voiture Noire. Si Ireta naman ay nasa passenger seat at nakamasid sa labas ng bintana. Seryoso ang anyo ng mukha niya at tikom na tikom ang kanyang mga labi. Napalingon siya kay Edilbar. “Bakit gusto mong maghanap ako ng iba?” Tumikhim ito. “Kung ibang lalaki lang kasi sana, Madam, ay hindi ka mahihirapan. Tiyak na walang lalaking nasa matinong pag-iisip ang paghahabulin ka nang ganito.” “Pft.” Umalsa ang isang sulok ng mga labi niya. “Pero walang ‘lalaking nasa matinong pag-iisip’ ang nakakuha ng interes ko.” “Ihahanap kita, Madam!” suhestiyon nito. Natawa lang siya. “Sinong lalaki ang ihaharap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD