Nakatingin lang si Lukas sa mga pisikal na dokumentong pinadala sa kanya ng imbestigador. Hindi siya nakuntento sa in-email nito, kaya hiningi niya ang mga pisikal na kopya ng mga iyon. Birth certificate na late nang in-rehistro. DNA paternity test ni Eliana na hindi tumugma kay Donato. Medical at school record na dinoktor lang ang impormasyon bago ang petsa ng taong legal na itong kinupkop ng Capo ng Kratos. Ang detalye ng kapanganakan nito ay wala ring katotohanan. Nang berepikahin ng imbestigador sa ospital kung saan diumano ito isinilang ay walang record na doon nga ipinanganak si Eliana. Ibig sabihin ay hinabi lang ang impormasyong nakalathala sa mga dokumento nito. Napasok din ito sa psychiatric hospital dati, at pumintig ang ugat sa ulo niya nang mabasa ang nakasulat na dahilan.