Natigilan si Eliana nang makita ang malaking bahay sa harapan nila. Kanina palang nang nasa yate sila at nagsimula nang magkahugis ang isla ay nagulat na ito. Parang ayaw pa nitong bumaba ng yate. “Ano ang ginagawa natin dito?” tanong nito, hindi maipinta ang mukha. “Dito ka magtatago sa isla. Para ang mga taong humahabol sa iyo ay hindi ka agad mahanap. At hindi sila madaling makakakilos dito. Hawak ko ang lahat ng kontrol dito sa isla,” kaswal niyang sabi. Tinapat niya ang daliri sa sensor, na kaagad tinanggap ang fingerprint niya at mabilis na bumukas ang pinto. “Pasok tayo sa loob,” anyaya niya sa dalaga, nauna na siyang humakbang sa loob ng bahay. Nakasunod sa likuran niya si Eliana. Sumalubong dito ang malawak na sala. Lumingap ito sa paligid at namangha sa ganda ng lugar at