Tumungong bar si Ireta. Kailangan niyang uminom. Gusto niyang lunurin sa alak ang bagong emosyong sumibol sa puso niya. Pagkatulak niya palang pabukas sa pinaka-pinto ng bar ay bumungad agad sa kanya ang patay-sinding ilaw at ang malakas na musika. Tila may humahampas na tambol sa magkabilang tainga niya sa lakas ng tugtugin. Humakbang siya papasok at isiniksik ang katawan sa kumpol ng mga taong nag-iindakan sa dance floor. Ang hangin sa loob ay may kahalong usok na mula sa mga sigarilyo at siksikan ang mga bote at baso ng alak sa mga lamesa. Umupo si Ireta sa high stool na nasa counter. “Ang pinakamatapang na alak n’yo nga riyan. Bigyan n’yo ako ng isa,” aniya sa bartender, nakaismid. Pagkalapag palang ng bote ng alak sa harapan niya ay mabilis na niyang hinablot iyon at tinung