“Marriage certificate?” kunot-noong tanong ni Lukas. “Why the hell would you show me that piece of trash?” “Because it’s ours, love. Yours and mine. Bakit nagtataka ka? Nakalimutan mo na bang fiancée mo ako?” “You are not my fiancée,” madiin nitong pagtatama. “Ilusyon mo lang iyan. At ang sertipikong iyan ay basura.” “You know, this document you call trash will chain you to me, just as it binds me to you.” Ngumiti si Ireta. Kaswal siyang umupo sa isa sa mga upuang nasa unahang hilera, habang nakatingin sa dokumentong nakapatong sa ibabaw ng auction table. Pinagsalikop niya ang mga kamay. “Nagawan ko na ng paraan ang ibang mga dokumento. Kaya ko ring manipulahin ang proseso. Ang kailangan ko lang ay ang pirma at pagpayag mo, Lukas.” “My signature and consent?” Natawa ang binata. Tawang