CHAPTER 52

2202 Words

Nakababad sa maligamgam na tubig ang hubad na mga katawan nina Lukas at Ireta, sa loob ng malaking bathtub. Nasa pinakadulo si Lukas at nakasandal ang malapad na likod niya sa malamig na marmol. Sa harapan niya ay nakaupo ang asawa, ang likod nito ang nakatapat sa kanya, na dumadaiti sa matigas niyang katawan. Pinapagitnaan ito ng mahahaba niyang mga binti. Pumapailanlang ang musikang klasikal habang tahimik silang naglulunoy sa tubig. Hinawi ni Lukas pagilid ang buhok ng asawa at piniga ang hawak na sponge, pinanood ang pagtagaktak ng tubig mula roon papunta sa makinis na likod ni Ireta. Hindi niya mapilas ang tingin sa tila mabagal na paghaplos ng tubig sa balat ng asawa, at ang pagdulas niyon pababa. Sinimulan niya ang mabining pagkuskos ng sponge sa likod ni Ireta. Pinararaanan ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD