“What the f*ck is this?” tanong ni Lukas, mariing nagsasalubong ang mga kilay nito. Nasa HQ sila ng Kratos. Nagpatawag ng meeting si Hades de Crassus. Pero nang pumasok sa loob ng pinaka-opisina ng headquarters si Lukas ay tatlong mukha lang ang tumambad dito—si Hades (ang Mafia Boss), si Morris (na Consigliere), at siya—the self-proclaimed fiancée. Nakaupo sila sa pahabang mesa. Nasa kabisera si Hades at nakapatong sa ibabaw ng mesa ang magkasalikop nitong mga kamay. Mahaba pa rin ang buhok nito na maayos nitong itinatali palikod. Nasa kanan nito si Morris. Pormal na pormal ang mukha ng Consigliere, na lalong pinapormal ng suot nitong salamin sa mata. Siya naman ay nakaupo katabi ni Morris. Bakante ang upuang nasa kaliwa ng Mafia Boss at doon si Lukas itinurong maupo ni Hades. Napili