Chapter 15: Boses ng Duwende NILIBOT na nila ang buong paligid na malapit sa sementeryo ngunit wala silang nakikitang tindahan na pwede nilang pagbilhan ng mga pagkain. Mayroong mga bahay ngunit wala namang nagtitinda. Kahit na may kaunting gutom na naramdaman ay minabuti nilang lisanin nalang ang buong lugar. Bumalik sila kanina kung saan sila bumaba sa bus at naghintay ng bus na papuntang siyudad. Dahil sa sobrang layo ng lugar nila medyo natagalan bago paman sila nakasakay. Mabuti na lamang at kaunti lang ang pasahero kung kaya’ nakaupo sila ng komportable. “Nagugutom ako. Malas at wala tayong nakitang tindahan kanina. Gusto ko pa naman sanang bumili ng softdrinks and ang sarap nitong ipares sa biscuit o kahit anong pagkain na pwede rin nating mabili sa tindahan. Nakakagutom kapag in