Chapter 16: Init ng Katawan SIMULA nang marinig ni Maureen ang boses na iyon ay nagkaroon na siya ng takot para sa kanyang sarili habang siya’y nasa mansyon. Hindi talaga siya maaaring magkamali kung kaya’t iniiwasan niya na lang ang kanyang sarili na mapag-isa sa mansyon. Parati niyang ginagawa ng mas maaga ang kanyang mga gawain upang makaakyat ng sabay kay Cuticle na siyang mas nauuna pa sa kanyang umakyat ngunit bumaba rin ito upang suriin ang mga pinto at bintana. Pati na rin ang mga ilaw na maaaring nakaiwang bukas. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit siya lang itong nakakaramdam ng kakaiba sa mansyon? Bakit si Cuticle ay hindi? At si Thouyer? Iyon ay wala na siyang ideya sa lalaki dahil hindi naman ito nagsasabi sa kanila. “Tulala ka diyan? Ano ang iniisip mo?” tanong