HLY: 14

1522 Words

Chapter 14: Dalaw sa Sementeryo HABANG naghuhugas ng mga pinggan si Maureen ay natanong niya ang kanyang isipan kung saan kaya papatungo ang kanilang among si Thouyer. Maaga itong umalis kanina dahil mayroon daw itong pupuntahan. “Hoy, ano ang iniisip mo diyan? Kanina ka pa naghuhugas, ang huling nakita ko saiyo ay hawak-hawak mo ang tasa ni Thouyer nang bumalik ako ay tasa niya pa rin ang hawak mo.” Lumapit sa kanya si Cuticle at tinulungan na siya. Mukhang napansin niya nga iyon. “Sorry, hindi ko napansin, e.” Ganoon na ba katagal ang kanyang pag-iisip sa lalaki kung kaya’t natagalan siya sa paghuhugas. Mabuti na lamang at nakapatay ang gripo kaya walang tubig ang nasayang habang siya’y nakatunganga. “May problema ka ba? Ano na ang iniisip mo?” Seryoso siyang tiningnan ng kaibigan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD