Chapter 5: Bruskong Lalaki
HABANG abala si Maureen sa paglilinis ay kanyang napansin ang isang flower base na gumagalaw ang mga bulaklak roon. Napatingin siya sa paligid kung may electric fan ba o bukas na pinto’-bintana ngunit wala. Kaagad siyang kinabahan. Bakit gumagalaw ang bulaklak? Alangan namang makakagalaw ito ng mag-isa. Dahil sa kanyang pagtataka ay dahan-dahan siyang lumapit. Malapit na niyang matingnan ng mas malapitan ang flower base nang may biglang humawak sa kanyang balikat.
Nanigas saglit ang kanyang katawan sa sobrang gulat. Nang makilala kung sino ang humawak ay saka pang siya nahismasan. Akala niya ay ang kanyang among si Thouyer o anuma pang maligno na nandidito.
“Bakit ka ba nanggugulat?” tanong niya at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mga gamit. Wala namang mga alikabok ngunit mas mainam para mas lalo pang malinisan ang mga gamit sa loob ng mansyon na ito.
“Haler, una... hindi kita ginulat, pangalawa nandito ako para tawagin na kakain na tayo at pangatlo saan ka ba nakatingin?”
Muling napatingin si Maureen sa flower base ngunit hindi na gumagalaw ang mga bulaklak roon. Mas lalo pa siyang nagtaka. Kitang-kita mismo ng kanyang dalawang mata na gumagalaw ang mga bulaklak.
“Tara na, gutom na gutom na ako, e.” Pagsisinungaling niya at iniwan na niya ang kaibigan sa malaki at malawak na sala ng mansyon. Nagtungo siya komedor at eksakto namang lumabas roon si Thouyer.
“Magandang umaga po, Sir Thouyer.” Naiyuko niya ang kanyang ulo. Ang buong akala niya ay magbibigay responde ang lalaki ngunit nagkakamali siya. Tumalikod ito sa kanya na para bang walang naririnig at walang nakikitang tao. Nagmistulang hangin si Maureen. “Hindi ba sapat ang ganda ko? Bakit hindi umuubra sa lalaking ‘yon? Bahala siya ang importante ay kakain na ako dahil kanina pa ako nagugutom.” Pumasok na si Maureen nang wala na ang brukong lalaki. Eksaktong pagkaupo niya ay dumating si Cuticle. Pumwesto na ito sa upuan nito at kumain na sila.
“Bakit ang sarap-sarap mong magluto?” tanong niya sa kaibigan habang ngingunguya ang karne ng baboy.
“Natutunan ko lang sa bahay at minsan sa internet. Nang makasanayan ko na ang mga konsepto ay nagiging madali na sa akin ang lahat. “Pwede mo naman ito gawin, e. Promie marami kang matutunan.”
“Gustuhin ko Man, Cut ngunit hindi pwede. Baka ang pagluluto ko pa ang magging dahilan kung bakit ako matatanggal sa trabaho. At isa pa, hindi ako sanay sa mga ganyang pagkain at lutuan. Mas sanay ako sa mga bagay na pangmahirap.”
“Ang drama naman ng kaibigan. Kung may problema ka ay huwag kang mahihiyang magtanong o magpatulong sa akin, okay? Alam kong hindi magiging madala para saiyo ang lahat ng ito rito dahil hindi ka sanay o ano pa ang iyong dahilan. Lage mong tatandaan ang mga bilin ko saiyo para hindi ka deads ng amo natin.
“Ganoon ba talaga si Thouyer? Ang brusko niyang lalaki.” Napahinto siya sa pagkain at inisip ang naganap kanina.
“Shh, hayaan mo nalang iyon. Kapag nagtagal pa ka na rito ay paniguradong papansinin ka na ni Sir. Ganyan siya sa akin noon pero isang araw lang iyon. Nang malaman niyang isa akong baliw at masayang kausap ay kinausap na niya ako. Iyon ang dapat mong gawin Maureen upang papansinin ka kaagad ni Sir Thouyer.”
“Iwan ko sa’yo basta magta-trabaho ako ng tahimik. Nasa lalaki na iyon kung papansinin ba siya nito o hindi. Ang importante ay wala siyang magiging problema.”
“Ikaw ang bahala pero kung ako sa’yo ay gamitan mo nalang ako ng iyong ganda.”
“Pangit ako dahil hindi niya man lang ako pinansin kanina.”
“Ay sos, kumain na nga tayo... baka marinig pa tayo ng amo natin at magalit pa iyon. Ayaw ni Sir na pinag-uusapan siya ng ibang tao.”
“Alam mo medyo curious ako,” aniya at sinubo ang isang hiwang hot dog. Nginuya at nilunok muna iyon ni Maureen bago paman nagsalita ulit. “May pamilya ba siyang tao? Bakit ang laki ng mansyon tapos siya lang ang nakatira?”
“Alam mo diyan din ako curious kasi ever since walang dumadalaw rito pero dalawang araw ka pa naman.” Kaya baka hindi talaga o walang pamilya ang kanilang amo na lalaki.
Natapos ang kanilang pagkain at sabay nilang pinagliligpit ang mga gamit nagtulong-tulong silang dalawa sa paghuhugas kaya mabilis nila iyong tinapos. Pagkatapos, kinuha ni Denzel ang isang makinis na basahan at kanyang nilinis ang mesa.
“Ako na ang magwawalis. Pagkatapos mo naman diyan ay matulog ka na muna. Sabay tayong nagising kanina kaya alam kong gusto pa ng iyong katawan ang pagod.”
“Ngunit oras ngayon ng trabaho kaya hindi pwedeng matulog nalang ako. Gaga ka, paano kung malaman iyon ni Thouyer?”
Natawa si Cuticle sa sinabi niya kaya kumunot ang kanyang noo. “Nakalimutan kong sabihin saiyon na day off natin ngayon kaya iwas muna sa mga gawaing bahay. Pwede ka pa rin namang gumawa ngunit hindi iyong sobra dahil oras ngayon ng ating pahinga.”
“Mabuti naman. Hindi rin kasi ako nasanay sa bago kong tinitirhan dahil ang laki at ako ang naghahanda ng pagkain namin noon puro gulay lang a sardinas.”
“Pero iba na ang paligid mo ngayon Maureen at kailangan mong mag-adjust. Isipin mo nalang na bagong buhay mo na ito at kalimutan mo na ang mga nakaraan mo noon dahil puro pasakit lamang iyon. Alam ko dahil nasaksihan ko iyon Maureen. Kung naranasan mo mang maging masaya ay dahil iyon sa iyong Lola. Ngunit wala na siya. Ibuhos mo ang makapagsasaya saiyo sa kasalukuyan. Mag-ipon ka at mahalin mo ang iyong sarili.”
“Iyon ang gagawin ko Cuticle. Magpapakayaman ako at babalik ako sa ating lugar upang bilhin ang lupain ni Lola.”
“Maganda iyan ngunit magpunas ka na muna ng mesa dahil tapos na ako sa paghuhugas,” natatawang wika ng kaibigan. Kaagad na niyang nilinas ang mesa pati na ng mga mat at ibinalik iyon sa lagayan. “Hindi ka ba gagala ngayon?” bigla niyang tanong sa kaibigan.
“Hindi, malayo rito ang bayan mas gugustuhin ko pang pumarito kesa gumala. Magpapahinga ako buong araw.”
“Paano si Sir Thouyer? Sino ang magluluto ng pagkain no’n?”
“He can manage naman at isa pa, mas masarap pa ‘yong magluto kaysa sa akin. Kapag day off ito na ang nagluluto sa kanyang sarili at alam mo ba. Dinadamihan nito upang makakain ako. Promise talaga, sobrang sarap niyang magluto.”
“Oh siya, masarap na kung masarap hali ka na nga.” Hinawakan niya sa kamay ang kaibigan at nagtungo na sila sa kanya-kanyang kwarto. Iyon din ang ipinagtataka ni Maureen kung bakit solo nila ang mga kwarto.
“Dito na muna ako matutulog sa kwarto mo buong araw, ha?” aniya sa kaibigan.
“Bakit? Ayaw mo ba roon? Ang ganda kaya no’n at kwarto pa iyon ni Thouyer noon. Lumipat lang lalaki sa mas malaki kasi sayang naman kung hindi niya gagamitin.”
“Magadan naman ang kwarto ngunit mas gusto ko na dito na muna mag-stay at beside may sasabihin ako saiyo.”
“Sasabihin?” Kumunot ang noo ni Cuticle. “Ano ang sasabihin mo sa akin? Spit the tea na.”
“Itatanong ko lang sana kung may napapansin ka ba ritong kakaiba?”
“Anong kakaiba?” ngayon ay mas naningkit pa ang mga mata ng kaibigan.
“Kakaiba like weird. Kasi may nararamdaman akong kakaiba rito e. Mula pa kahapon. Pakiramdam ko ay may tumititig sa akin na iwan. At medyo sumasakit ang tiyan ko minsan.”
“Hoy, sigurado ka ba diyan?” umaktong natatakot si Cuticle ngunit kalaunan ay natatawa ang babae. “Huwag mo na iyong pansinin. Baka type ka ng mga multo rito kaya nararamdaman mo sila.
“Sira ka talaga,” tinapik niya ang babae at humiga na sa kama. Wala pa naman siyang nakikita at huwag talagang magkakamaling magpakita ang mga maligno sa kanya dahil magwawala talaga siya sa sobrang takot. Isa ang mga ito sa kanyang mga kinatatakutan gayong nababalita ang kanyang mama noon na sa burol nito ay may isang lalaking nagpakita raw rito. Kaya nakakatakot kung ganoon! Pero palagi naman iyong sinasabi ng kanyang lola na huwag magpapaniwala dahil hindi totoo iyong mga sabi-sabi. At alam niya ang totoong rason. Tanging lola niya lang ang kanyang paniniwalaan. At palagi iyon!