Chapter 4: Pagpaparamdam
TILA nakakita siya ng isang pogi at masarap na anghel na bumaba mula sa kalangitan nang makita ang gwapo at makisig na pangangatawan ng lalaki. Hindi niya maialis ang kanyang tingin rito dahil pakiramdam niya ay hinihigop siya no’n.
“Who the hell are you?”
“Ha?” napaawang niyang tanong. “Sinong impyerno ako?” kumunot ang kanyang noo.
“Damn,” napabuntong hininga ang gwapong lalaki. “Cuticle!”
“Yes sir!” nanlaki ang mga mata ng kaibigan nang makita ang galit na mukha ng amo. “Patay! Ay sir,” nagmamadali itong lumapit sa kanila upang magpaliwanag. “Sir, si Maureen po ang aking kaibigan at hindi po ba naghahanap kayo ng makakatulong ko rito? Kinuha ko na po ang aking kaibigan.”
Napatitig mula ulo hanggang paa ang lalaki dahilan para mapalunok ng laway si Maureen. Sa mga mata palang nito ay tila hinuhusgahan na siya. Medyo nahiya soya roon kaya siya nalang ang nag-iwas ng tingin ay iniyuko ang ulo. Sa kabila ng lahat ay ito naman ang kanyang magiging amo kaya kailangan na mabait siya sa lalaki.
“Are you really sure na siya ang magiging makakasama mo rito? What if she’ll found your secret? Ano ang gagawin mo? Papapatayin mo ba?”
“Sira, paano ko naman sisiraan ang taong itinuring ko nang parang kapatid.”
“Marami na akong nakikitang ganyan. At the end of the day ikaw pa rin ang tatahol dahil nag-aabang ka sa kanya. Hindi niyo na kailangan pang maghabol ng isang pagmamahal gayong alam ninyong walang patutunguhan.” Seryosong wika ng lalaki ngunit kay Cuticle ito nakatingin palagi dahilan upang ilagay niya sa convo ang aso.
“Matapos ang kanilang pag-uusap ay pumayag din naman ang babae. And take note, may mga nalalaman din ako kaagad tungkol rito sa kanya at lalaki na iyon.” Ngunit pakiramdam ni Maureen ay mabait ito. Mayroon nga lang itinatago sa sarili ang lalaki at ang bahay na ito kaya medyo nakakahanga lang.
“Ayos ka na ba dito friend?” tanong ni Cuticle nang pumasok sila sa isang silid. Simple lang ang desesnyo sa loob at sobrang linis at simple. Wala kang makikitang alikabok dahil sa sobrang linis nito. Kaagad siyang nakaramdam ng kaba pakiramdam ni Maureen ay parang may kung anong kakaiba sa malaking mansyon na ito.
“Alam mo, may masama akong pakiramdam sa mansyon na ito. Kanina ay parang may nakatingin sa atin ngayon pareho na naman.”
“Sigurado ka ba diyan? So wala naman akong nararamdamang kakaiba. Ikaw baka guni-guni mo lang ang lahat. At isa pa hindi ko naman siya karelasyon. Simpleng kaibigan lang ng araw na iyon kinabukasan ay hindi na,” pagdadahilan ng kaibigan.
“Alam mo maniniwala ako saiyo basta ikaw, ha. Huwag mo akong pabayaan rito. Kailangan ko pang e-drain ang tubig sa pool,” giit ni Margaux nang tangkang aalis si Cuticle dahil kailangan na nitong maghanda ng almusal. Anumang oras ay magigising siya.”
“Okay,” medyo weird ang sinabi ng kibigan kaya kanya nalang itong pinagbigyan. Pangawalang araw na niya ngunit nandoon pa rin ang pagkailang.
“Maureen!” tawag ng kaibigan at nagmamadali itong nagtungo sa kanyang silid. Hinintay lang niya na pumasok ang kaibigan. Hinintay niya ang sasabihin nito. “Kumain na raw tayo pagkatapos niyang kumain.”
“Okay pero gutom na ako, ha” aniya. Hindi siya masiyadong nakakain kahapon rito sa mansyon dahil a labis siyang nahihiya kahit pa tanggap na siya rito sa mansyon.
“Hayaan mo, minsan naman nagpapasabay iyon kumain. Parang hindi lang talaga feel nito na magpasabay ngayon kaya hintayin nalang natin.”
Tumango si Maureen. “Wala na tayong magagawa roon kundi maghintay. Hindi naman pwedeng lumandi tayo sa lalaking iyon. Nakakatakot ang kanyang aura,” aniya sa kaibigan.
“Alam mo sa una mo lang iyan mararamdam. Kapag nakilala mo na ng lubusan ang ating amo ay magbabago talaga ang pagtingin mo sa kanya. You know, ang nakikita mo ngayon ay simpleng impression lang ngunit naniniwala ako na magbabago pa iyan.”
“Hindi naman nakasarado ang aking isipan para diyan, e. At tama ka, impression ko lang kaya pwede pang magbago kapag nakikita ko na talaga ang totoong pagkatao ng lalaking iyon.”
“Thouyer ang kanyang pangalan. Mukhang nakalimutan niyang magpakilala sa kanya.”
“Pakiramdam ko naman ay wala iyong balak na magpakilala sa akin kahapon. Nagtanong lang naman tungkol sa aking buhay at ikaw na nga ito ang naglibot sa akin sa buong mansyon.
“Hayaan mo nalang.”
Ngumiti lang si Maureen bilang tugon sa kaibigan. Hinintay nalang nila ang lalaki na matapos sa pagkain nito. Habang ginagawa iyon ay nag-uusap sila. Kanilang binalikan ang mga alaala noong mga bata pa lamang.
“Sa totoo lang ay hindi ko talaga inakala na magiging kaibigan kita, e. Sa daming ayaw saiyo sa ating lugar ay minsan natatakot ako. Ngunit nang malaglaon ay hindi naman pala. Isa kang mabuting tao Maureen at mapagmahal na apo. Isang pagkakamali na sawayin ka ng mga tao roon. You are so beautiful.”
“Alam ko namang maganda ako, e. Pero alam mo, inisip ko noon pa na sana pangit nalang ako para naman hindi sasakit mga mata ng mga tao roon sa kakatingin sa akin.”
“Ay sos, kapag pangit ka naman wala din namang mangyayari. Ganoon pa rin ang mga ‘yon. Hindi mo mako-kontrol ang kanilang mga isipan kaya ang mas mabuti na gawin ay hayaan ang mga ‘iyon na kung ano ang iisipin nila. Alam mo isa sa mga natutunan ko rito habang nagtatrabaho kay Thouyer, iyon ay ang mahalin mo ang iyong sarili. Sabi niya ‘yan sa akin. Kapag mahal mo raw ang sarili mo ay walang makakawasak saiyo.”
Sandaling napaisip si Maureen. Mukhang iyon nga ang kulang sa kanya. “Naa-appreciate ko ang taglay kong ganda ngunit hindi nga lang palagi.”
“Iyan ang mali saiyo, dapat oras-oras dahil maganda ka nga naman talaga.”
“Salamat friend, ha.” Biglang naging emosyonal si Maureen. Ayaw niya iyong gawin ngunit gusto niya itong pasalamatan dahil sa tulong na nagagawa nito. “Pangako, hindi ko na kailangan pang magisip ng masama sa aking sarili. After all, ako din naman ang gumagawa ng sarili kong poblem at iyon na dapat ang aking iiwasa,” muling ngumiti si Maureen at kanila nang hinintay pa rin na matapos ang amo sa ibaba.
Pagkatapos ng ilang sandali ay bumaba na si Cuticle upang tingnan kung tapos na ba ang lalaki o hindi pa dahil kanina pa ito kumakain. At hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam sa kanila ang lalaki.
Hinintay niya ang kaibigan na bumalik. At bumalik nga si Cuticle na may subo-subong hot dog. Kumunot ang kanyang noo at natawa rin kalaunan.
“Gutom ka na talaga,” aniya.
“Oo, nakalimutan ko kasing kumain nang nagluto ako ng agahan. Tara na, it’s time for us to eat. Kanina pa pala tapos si Thouyer kaya kailangan na nating bumaba.”
Tumayo na si Maureen sa kanyang kama at sumunod kay Cuticle na palabas ng silid. Kaagad silang nagtungo sa komedor at umupo sa kanya-kanyang upuan. Ang dami pang pagkain sa mesa kaya mas lalo pa siyang nagutom.
“Ubusin natin ang lahat ng ito dahil ayaw ni Sir na magtira tayo at ilalagay pa sa ref. Hanggat maaari ay wala talaga tayong ilalagay roon dahil ilalabas iyon ni Sir at ipapakain sa atin.”
“Grabe naman,” aniya. “Edi siya nalang ang kumain.” Tutal ito naman ang walang ayaw kaya ito nalang ang mag-adjust. Pero kunwari lang. Baka mapatay siya ng kanyang among lalaki na ubod ng gwapo. Totoo iyon!
Masaya na silang kumakain. Paminsan-minsan ay nagku-kwentuhan sila dahil ang boring ng kanilang pagkain. Nasa masaya silang sandali ng tawanan nang kusang bumukas ang refrigerator. Biglang kumunot ang noo ni Maureen.
“Bakit biglang bumukas ang refrigerator?” nagtataka niyang tanong.
“Ganyan ‘yan kapag puno. Huwag mo nalang isipin.”
Akmang tatayo si Maureen upang isara ang refrigerator ngunit kusa na iyong sumara. Nanlaki ang kanyang mga matang tiningnan si Cuticle.
“Baka hangin lang iyon, sige na... kumain na tayo dahil marami pa tayong kakainin,” ani ng lalaki.
“Sige,” bumalik siya sa pagkakaupo at kumain na. Pakiramdam ni Angel ay mayroon talagang mali sa mansyon na ito. Ngayon ay parang lumilinaw na ang lahat sa kanya. Baka may mga multo rito na nakatira? Kung ganoon ay kailangan niya ng dobleng pag-iingat baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa mansyon.