HLY: 6

1231 Words
Chapter 6: Pagkakaibigan NAGISING si Maureen nang makaramdam ng jingle bell. Dali-dali siyang bumangon at lumabas sa silid ni Cuticle upang pumuntang banyo. Nang nasa loob na siya ay dali-dali niyang ibinaba ang lahat ng saplot at inilabas na niya lahat. Pagkatapos, eksaktong pagbukas niya ng pinto ay nakaamoy siya ng sobrang bangong niluluto. Amoy iyon ng isang tinapay. Dahil sa kanyang kuryosidad ay dahan-dahan siyang bumaba sa hagdanan at sinundan ang naamoy. Patungo ito sa pantry area. Malaki ang kanyang hinala na si Thouye ang nagbi-bake. Alamangan namang si Cuticle, e, tulog na tulog ang gaga kaya hindi maaari ang kaibigan niya ang nagbi-bake. Nang nasa harap na siya ng pantry area ay dahan-dahan niyang hinawakan ang doorknob at kanya itong inikot. Akmang bubuksan na niya ito nang mayroong humawak sa kanyang balikat. Nanigas ang buong katawan ni Maureen nang maramdaman ang malaking kamay. “What are you doing here? Hindi ka dapat nandidito dahil day off ninyo ngayon? Hindi mo ba alam na kapag day off ninyo ay bawal kayo rito? Gumala kayo hangga’t saan ninyo gusto ngunit walang makakahawak at makakalinis sa aking gamit rito,” malamig na wika ni Thouyer na nagpatunaw sa kanyang naninigas na katawan. Mabilis siyang pinawisan dagdagan pa na hindi pa siya binibitawan ni lalaki sa pagkakahawak nito sa kanyang balikat. Pinilit niya ang kanyang sarili na humarap. Mabuti na lamang at inilayo ng lalaki ang kamay nito kaya nakahinga siya ng maluwag. “Paumanhin sir, naamoy ko lang ang mabango ninyong niluluto kaya hindi ko maiwasang pumunta rito.” “Para makikain?” kumunot ang noo nito. “Grabe naman kaya,” anong akala ng mokong na ito? Patgay gutom ako? Hindi pwede na-curious lang lang. “Kahit pang sabihin mo na gusto mong mapanood kain din ang huli mong gagawin.” Gumalaw ang panga ng lalaki dahilan upang mapalunok  ng laway si Maureen. “Kayo po ba ang nagbi-bake?” tanong niya nalang upang maibsan ang kaba. Hangga’t maaari ay magtatanong siya upang hindi magiging awkward ang katahimikan. “Obvious naman siguro dahil tatlo lang tayong nandidito. Alangan namang pinapasok ko ang aking kapitbahay rito para mag-bake.” Nakagat ni Maureen ang kanyang ibabang labi dahil nagmumukha siyang tanga sa paraan kung paano siya sagutin ni Thouyer. Pakiramdam niya ay ang bobo niya dahil totoo namang tatlo lang sila. Ngunit bakit naman ganoon sumagot ang lalaki. “Kung iyong mararapatin, dadaan ako... at ayokong may tumitingin sa akin habang ako’y nagbi-bake. Kung gusto mo talagang kumain ay mamaya na. Hindi naman ako kakain sa mga ginagawa ko. It’s either si Cuticle lang ang kumakain o sa mga bata sa lansangan.” “Mga bata sa lansangan?” tumaas bigla ang kilay ni Maureen. May puso pala ang moklo na ito? Ang buong akala ko ay punong-puno ng kayabangan at hindi na nito kinokonsidera ang nararamdaman ng ibang tao. “If you don’t mind, dadaan ako?” Mabilis na umalis sa kanyang pagkakaharang sa pinto si Maureen nang nakipagtitigan na ang lalaki sa kanya. “Sorry po sir.” “Good.” Pumasok na ang lalaki at ibinalibag nito ang pinto pasara. Naipikit ni Maureen ang kanyang mga mata sa gulat. Lintik na Thouyer ‘yon! Pakiramdam niya ay sobrang liit na ng kanyang sarili dahil sa mga sinasabi at inaakto ng among lalaki. Biglang nakaramdam ng inis si Maureen at nagmamadali siyang bumalik sa kwarto ni Cuticle na noo’y gising na pala ang kaibigan at nakaharap na sa cellphone nito. “Saan ka galing? Medyo matagala kang nawala.” “Sa banyo medyo marami akong nakain kahapon at kanina kaya ganoon karami ang aking deposito sa bangko.”  Pagsisinungaling ni Maureen kay Cuticle. Hindi niya pwedeng sabihin sa kaibigan na nakatanggap siya ng bonggang-bonggang sermon sa kanilang brusko at mayabang na amo. Bwesit na hinayupak na ‘yon. Wala naman siyang ginagawang masama bakit ganoon ang trato nito sa kanya? “May problema ba? Bakit ang bigat ng mukha mo?” tanong ni Cuticle at inalis nito ang cellphone. “Wala naman, nami-miss ko lang si Lola. Kumusta na kaya siya ngayon sa langit?” “Ha? Tumae ka lang naalala mo na Lola, mo? At sigurado ka ba na nasa langit ang lola mo ngayon?” tanong ni Cuticle. Alam niyang nagbibiro ito ngunit ang seryoso ng mukha ng gaga! “Basta, na-miss ko lang si Lola. Pakiramdam ko ay gusto kong gumala at pumunta sa mga lugar na kung saan pwedeng ma-divert ang atensyon ko para naman makalimutan saglit ang mga bagay na nagpapabigat sa aking kalooban.” “Haist, bigla tuloy akong naaawa saiyo. Teka, titingnan ko muna ang oras kung pwede pa ba tayong gagala,” ani Cuticle at binuksan nito ulit ang cellphone. “Pwede pa! Punta tayo ng city para malibang ka naman.” “Talaga?” Kaagad na nagliwanag ang mukha ni Maureen nang sabihin iyo ng kaibigan. “Oo, maligo na tayo. Sa ibabang banyo ako at dito ka naman sa itaas. Para naman masulit natin ang oras at marami pa tayong magagawa roon sa siyudad.” “Sige, pero wala akong pera pa. Wala pa akong sahod,” napabungisngis si Maureen sa kaibigan. “Ay sos, hindi ‘yan problema... sagot na kita.” “Talaga?” mas lalo pang nagliwanag ang muka ni Maureen dahil sa kabaitan ni Cuticle sa kanya. Mabilis silang naligo at naghanda. Ang buong akala niya ay isa-isa pa silang magpapaalam kay Thouyer ngunit si Cuticle na ang kumausap rito na nooy nandoon pa rin sa loob ng pantry area. Mabilis lang doon ang babae at lumabas din iyon. Sobrang saya nitong tingnan at mukhang pumayag talaga ang kanilang amo sa gagawing paglabas. Ito na rin ang nagsabi na day off nila ngayon. Mabilis na silang lumabas at nag-abang ng masasakyan. Mabuti na lamang at may bus na dumaan kaya doon sila sumkay. Trenta minuto din ang kanilang hinintay bago nakarating sa trminal. Napaawang ang labi ni Maureen nang makita ang naglalakihan at nagtatayugang mga building. Unang beses niyang makarating sa lugar kung ganoon nalang ang kanyang pagkamangha. “Nagustuhan mo ba rito?” tanong ni Cuticle. “Oo naman, ang ganda rito. Alam mo bang ngayon palang ako nakarating rito?” Hindi maialis sa mukha ni Maureen ang kaligayan na nadarama. Tama ang kanilang desisyon na gumala dahil sobrang ganda. “Masaya ako at nagustuan mo rito. Kahit papaano bilang kaibigan mo ay napasaya kita despite sa kalungkutang nararamdaman mo ngayon,” maluha-luhang wika ni Cuticle. “Alam kong marami akong pagkukulang saiyo bilang kaibigan mo Mau, tadtad ka ng kutya at pag-aalispusta ng taga-atin. Habang umiiyak ka ay wala ako saiyong tabi.” “Cute, huwag mo nang isipin iyon. Naiintindihan ko naman kung bakit ka wala roon at isa pa nakayanan ko naman ang lahat ng iyon, e. Kung wala ang mga problema na iyon pakiramdam ko ay hindi ako magiging malakas. Alam mo ‘yon, dahil sa kanila natuto akong lumaban.” “Ngunit hindi naging biro ang pinagdaanan mo.” “Alam ko pero ang importante ay magkasama na tayo ngayon at wala nang mag-aalipusta sa akin.” Maiban nalang sa amo nating demonyo. Pero okay na rin iyon kasi naiiwasan ang lalaki kung ang aming taga-barangay kahit anong iwas ko ay ang mga ito na ang gumagawa ng paraan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD