HYL: 3

1742 Words
Chapter 3: Unang Pagkikita PAGKATAPOS ilibing ang Lola Belen ni Maureen ay dumiritso na muna siya ng uwi. Walang gaanong  taong sumama. Muli na namang bumangon ang takot at tsismosang bibig ng kanyang mga kapitbahay. Mabuti na lamang talaga at tumulong ang kapitan ng barangay na mabigyan ng maayos na libing ang matanda.  Hindi alam ni Maureen kung maiinis lang ba siya sa kanyang sarili o magagalit. Samo’t-saring emosyon ang pumapasok sa kanyang isipan. At higit pa roon ay ang kanyang pangungilala sa kanyang Lola.  Humiga si Maureen sa kama nang sinumpong na naman siya ng pangungulila. Hindi niya namamalayang kusa nalang tumutulo ang kanyang mga luha. Mag-isa na siya ngayon. Wala na siyang makakasama rito sa bahay. At higit pa roon ay wala na ang kanyang nag-iisang tagapagtanggol. Nang ipikit niya ang kanyang mga mata upang matulog na muna saglit ay mayroong kumatok sa pintuan. Ayaw niya na sanang tingnan kung sinuman ang kumatok ngunit napaisip siya na baka may importante itong sadya. Tumambad kay Maureen ang dalawang lalaki. Matanda ang isa at ang isa naman ay binata. Kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya kilala ang dalawa. Napansin ni Maureen na mayroong hawak-hawak na brown envelope ang binatang lalaki. “Sino po sila?” magalang niyang tanong. Hindi niya namumukhaan ang mga ito. Ang ibig lang niyong sabihin ay hindi taga-rito ang mga dumating. “Nandito kami para sabihin saiyo na kailangan mo nang iwan ang bahay na ito.” “Ha?” nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig iyon sa matandang lalaki. “Bahay po ito ng aking Lola Belen. Hindi ko puwedeng iwan ang bahay na ito sapagkat wala na rin akong matitirhan.” “Pasensiya na, Hija. Matagal nang ipinagbili ng iyong Lola ang bahay na ito. At sa susunod na araw ay gigibain na ang bahay dahil tatayuan ito ng malaking tindahan.” “Paano po ako maniniwala sainyo na totoo ang inyong mga sinabi? Walang nababanggit sa akin si Lola na ipinagbili niya ang kanyang bahay.” Tumingin ang matandang lalaki sa binata. “Ibigay mo ang papel na siyang pinirmahan ng kanyang, Lola.” Tumango ito at binuksan ang brown envelope. May hinugot itong papel at ibinigay nito kay Maureen. “Pakibasa nalang, Hija.” Kaagad iyong binasa ni Maureen. Inabot siya ng ilang minuto bago matapos niya iyong basahin para masigurong hindi siya niloloko. Sa pinakadulo ng papel ay nandoon ang pirma ng kanyang Lola Belen. At ang isa pang pirma ng hindi niya kilalang pangalan. “Hindi na po ba talaga kayo mapapakiusapan, Sir?” mabilis siyang nanlumo. “Wala na akong ibang matitirhan at wala na akong kamag-anak.” “Sumusunod lang kami sa utos ng aming amo. Hindi namin hawak desisyon kung aalis ka ba ka ba o hindi. Kung hindi kayo aalis dito ay mas lalo kayong mahihirapan. Baka ipakulong ka pa.” May takot na naramdaman si Maureen sa kanyang puso. Seryoso ang mukha ng dalawang lalaki at hindi nagbibiro ang mga ito. Humingi na lamang siya ng ilang oras para makapag-impake at aalis na rin kaagad. Iniwan na niya ang mga lumang gamit. Siniguro niyang dalhin ay ang kanyang mga damit. Napansin niya ang mga damit na nasa loob pa ng paper bag. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin si Maureen kung kanino galing ang mga regalo. Wala talaga siyang kaidi-ideya kung kanino ang mga ito.  Pati ang mga regalong damit ay kanya na ring isinama. Nang kunin niya ang panghuling paper bag at dinukot ang damit sa loob ay may naiwan na papel. Kumunot ang kanyang noo na binasa ang nakasulat. “My sunshine and my love,” basa niya. Ayaw niyang isipin na baka may nagkagusto sa kanya ngunit iyon ang pumapasok sa isipan ni Maureen. Kinikilig siya habang iniisip kung sino ang nagbigay ng mga damit. Natapos ang kanyang pag-aayos sa dadalhing mga gamit. Naghanap siya ng kung anong pera na makikita niya sa kanyang kuwarto at sa kanyang Lola Belen. Ganoon nalang ang tuwa ni Maureen nang makakita siya ng isang daan. Iyon lang ang pera niya nang lumabas siya ng bahay. Tiningnan niya ang kabuuan ng bahay. Bigla siyang naiyak. Sa bahay ng kanyang Lola Belen nagsimula ang magandang mga alaala. Sa bahay ng matanda nagkaroon ng muwang si Maureen. Sobrang sakit lang isipin na pati ba naman ang bahay ay mawawala sa kanya. “Sobrang malas naman talaga ng babaeng iyan. Akalain mo ‘yon, kamamatay lang ng Lola niya tapos ngayon pinapaalis na sa bahay. Naku, kung may magpapatira sa kanya ay siguradong kamalasan ang aabutin. At ang mas malala pa roon ay baka mamatay.” Napatigin si Maureen nang marinig iyon mula sa mga kapitbahay. Nagkukumpulan na naman ang mga ito para siya pagpiyestahan. “Ano? Masaya na kayong lahat? Masaya na iyang mga bunganga ninyo na aalis ako sa bahay ng aking Lola Belen? Sana nga ay totoo akong malas na tao. Dahil gusto ko kayong isumpa lahat. Gusto ko na mas lalo pa kayong maghirap dahil sa mga pinagagawa ninyo sa akin! Akala niyo ba ay hindi masakit na marinig ang ganyang mga bagay mula sainyo? Hindi na kayo nahiya sa inyong mga sarili. Sana ay hindi mamana ng inyong mga anak ang kawalang respeto ninyo sa ibang tao.” Maluha-luha si Maureen habang sinasabi iyon sa mga babaeng kapitbahay. Iniwan niya ang mga itong walang imik at tila natuhan sa lahat ng kanyang sinabi. Nagtungo siya sa tapat ng bahay nina Cuticle. Nagbabakasakali siyang mayroon ito. Ngunit sarado ang mga pintuan at bintana. Maging ang tindahan din ay sarado. Natitiyak ni Maureen na walang tao sa loob. Nagpatuloy siya sa paglakad. Hindi ininda ni Maureen ang mainit na sinag ng araw. Sobrang pawis na pawis na ang kanyang buong katawan. Nasusunog na ang kanyang balat dahil wala man lang siyang proteksyon. Kanina pa siya lakad ng lakad. Hindi niya alam kung saan siya ngayon pupunta.  “Hindi ba siya iyong babaeng nababalitaang malas daw?” tanong ng isang bata sa mga kasamahan. “Siya ba? Mukhang hindi naman… ang ganda naman niyan para tawaging malas,” ani ng isa pang bata.  May sayang naramdaman si Maureen. Gayon paman ay nag-aalala siya sa maaari niyang sapitin sa daan kapag inabot siya ng gabi. Kung ang bata nga ay nakapansin sa kanyang kagandahan ay ang mga lalaki pa kaya na namulat na sa makamundong bagay? Hinayaan nalang ni Maureen ang kanyang mga paa kung saan siya dadalhin ng mga ito. Ang kanyang iniisip ngayon ay kung saan siya papatungo at saan siya makakahanap ng matutuluyan. Labis-labis na ang kanyang naramdamang pagod. Huminto saglit si Maureen at sumilong sa may malaking puno ng kahoy. Habang iniisip kung saan siya papatungo ay may dyip na huminto. Eksako iyon sa kanyang harapan dahil nasa gilid lang naman ng daan ang punong pinapahingaan niya. “Mau!” tawag ng isang babae at nagmadali itong lumabas. “Cuticle?” nanlaki ang kanyang mga mata. “Gaga, dito lang pala kita makikita.” Patakbong lumapit sa kanyang ang kaibigan at yumakap ito.  Naiyak bigla si Maureen sa ginawang iyon ni Cuticle. Matagal niya rin itong hindi nakikita kaya emosyonal siya ngayon. “Kumusta ka na? Gaga ka, hindi mo man lang ako sinabihan na aalis ka para magtrabaho.” Kumiwala silang dalawa sa pagkakayakap at nagtawanan. “Sorry na… sayang kasi ang opportunity, e. Kaya kinuha ko kaagad ang trabaho. Hoy alam mo ba… naghahanap ngayon ng isa pang kasambahay ang aking amo. Bigla kitang naisip kaya nagpaalam ako para kunin ka.” “Talaga?” Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi ni Maureen.  “Oo, nagpunta ako sainyo ang kaso umalis ka na raw. Itong sina Mama sinundo pa ako kaya hindi nila alam na umalis ka.” “Pinaalis na ako, e. Hindi ko alam na ibinenta pala ni Lola Belen ang lupa niya.” “Iyon din ang sabi ni, Mama. Condolence nga pala at congrats na rin. Alam mo, gusto kong umuwi noong isang araw para naman makita kitang magtapos. Ang kaso itong suplado kong amo ay hindi ako pinayagan kasi aalis ito. Kanina pa umuwi kaya ngayon palang ako nakauwi. And take note, ha. Dapat raw hindi ako gabihin sa pag-uwi. Pumayag lang din ito ng sabihin kong may gustong maging kasambahay.” “Grabe naman ang amo mo na ‘yan.” “Sinabi mo, pa… pero infairness Mau, ha. Sobrang guwapo niya at ang yaman. Hindi ako nagugutom roon at sagana ako sa sahod. On time nagbibigay, minsan may dagdag pa.” Kaagad na nakaramdam ng tuwa si Maureen. Sa sinabi palang ni Cuticle ay parang nagugustuhan nitong magtrabaho. “Doon mo rin ako dadalhin di’ba?” paniniguro niya. “Oo naman, isa kaya sa mga dahilan ko kung bakit ako umuwi. Huwag ka nang bumalik sa bayan nating ito. Puro sama ng loob ang nararamdaman mo rito.” “Tama ka,” naiyuko ni Maureen ang kanyang ulo. “Hoy! Sasakay ba kayo o magku-kwentuhan nalang diyan?” Malakas na sigaw ng drayber ng dyip. Kaagad na silang kumilos. Tinulungan siya ni Cuticle na dalhin ang iba pang mga gamit at sumakay na sila.  Inabot sila ng apat na oras sa biyahe bago paman makarating sa tapat ng sobrang laking bahay. Nakakalula ang laki at ganda nito.  “Dito ka ba nagtatrabaho?”  “Oo, sobrang yaman talaga ng aking amo. Minsan mahirap itong pakisamahan ngunit mas mahirap ang maglinis ng mansyon na ikaw lang mag-isa... pasok na tayo.” Nahihiyang sumunod si Maureen kay Cuticle. Nang nasa tapat na sila ng gate ay binuksan iyon ng kaibigan gamit ang dala-dala nitong susi. Pagkapasok nila Maureen sa loob ay mas lalo pa siyang nagulat. Ang daming halaman sa paligid at ang linis ng buong lugar. “Mas magugulat ka pa sa loob,” ngumiti si Cuticle sa kanya. Nagpatuloy silang naglakad. Nasa bungad palang sila sa pinto ng mansion ay napalingon si Maureen sag awing halaman. May kung ano siyang nararamdamang kakaiba roon. Tila ba’y may nakatitig kay Maureen. Eksaktong paglingon ni Maureen sa kanyang harapan nang napasubsob ang kanyang mukha sa isang matigas na bagay.  “Aray!” Napaatras siya at hinawakan ang tungki ng kanyang ilong dahil sa lakas na pagsubsob.  “Damn!” Napalingon si Maureen sa kanyang harapan nang magsalita ito. Ganoon nalang ang paglaglag ng kanyang panty! Esti… panga nang makita ang nagmamay-ari ng boses na iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD