HYL: 2

1613 Words
Chapter 2: Kamalasan  ni Maureen ARAW-ARAW ay nakakarinig ng mga pangungutya si Maureen sa kanyang mga kapitbahay at minsan sa kanya pang mga kaklase. Hindi niya nalang iyon pinapansin dahil mas determinado siya ngayong makapagtapos.  Araw ng kanilang pagtatapos. Sobrang saya ni Maureen dahil saw akas ay makakatapos na siya. Sigurado na iyon dahil may toga na siya at may imbitasyon. Nakasulat ang kanyang pangalan sa mga magtatapos.  “Apo, bilisan mo na diyan. Ano ka ba naman baka mahuli pa tayo,” sigaw ng kanyang Lola. Sobrang aga nitong gumising. Hindi paman tumitilaok ang mga manok ay gising na ito. Sandaling tiningnan ni Maureen ang kanyang mukha sa harap ng malaking salamin. Kaunting make-up lang ang kanyang inilagay dahil hindi niya naman iyon kailangan. Nang masigurong maayos na ang sarili ay nagmamadali siyang lumabas ng bahay.  “Ang ganda mo ngayon mo, Maureen,” puri ng ng kanyang Lola. “Ay sos, siyempre naman po mana ako sainyo.” “Dapat lang!” Nagtawanan sila at umalis na sa tapat ng pinto.  Hindi paman sila nakalabas sa bukana ng gate ng buong bahay ay mayroong napansin si Maureen sa labas niyon. Kumunot ang kanyang noo dahil mga paper bags iyon. Sobrang dami. “Ano ang mga ‘yan, Lola?” turo niya. Siya ang naunang nakakita dahil malabo  ang mga mata ng matanda kapag nakatingin sa malayuan. “Teka,” ani ng matanda at mas lumapit pa sila. “Ano ang mga ‘yan?” “Diyan ka lang, Lola. Titingnan ko po.”  Paglakad ni Maureen ay mabilis siyang pinigilan ng matanda. “Baka mga bomba o granada ang laman niyan.” Napatawa si Maureen, “ano ba kayo, Lola. Sino ba naman ang magtatangka sa ating patayin tayo.” Iniwan na ni Maureen ang matanda at nilapitan ang mga paper bags. Pagkalapit niya ay nakasarado ito lahat. Nagtataka may pinulot niya ang isa na may nakasulat. “Congratulations. I can’t wait to see you my love,” basa niya sa nakasulat. Kaagad na nagtaka si Maureen. Sa isip niya ay siya ang binigyan niyon dahil may nakalagay na pagbati. Medyo naguluhan lang siya sa “my love.” Wala naman siyang nobyo. “Kanina ba ‘yan, Apo? May bomba ba diyan?” “Hindi po ito bomba, Lola.” Nag-aalangan mang buksan iyon ay ginawa nalang ni Maureen. Medyo nagulat siya sa laman niyon dahil mga magagandang damit ang nakalagay.  Binuksan pa niya ang iba at puro iyong mga mamahaling damit. Mas lalo pang naguluhan si Maureen. At nandoon ang kaba sa kanyang puso. Nakakahiya kung hindi ito para sa kanya tapos nabuksan na niya lahat. “Mga damit po ito, Lola.” “Talaga?” Lumapit ang matanda sa kanya at nakitingin na rin. “Oo nga ano? Sino naman ang nagbigay saiyo nito?” “Hindi ko po alam, Lola. Wala akong ideya kung sino ang naglagay ng mga ito sa labas. At sa tingin ko Lola ay mamahalin ang lahat ng ito.” “Sinabi mo pa.” “Manang Belen, may engkanto diyan kanina. Nakaitim lahat, may maitim na kotse. Siya ang naglagay sa lahat ng mga ‘yan!” sigaw ng kapitbahay nilang si Rosa. Isa din ito sa dakilang tsimosa sa kanilang lugar. “Engkanto?” natanong ni Maureen sa kanyang sarili. “Naku… huwag kang magpapaniwala sa mga niyan. Hindi totoo ang mga maligno, Apo. Ilagay mo ang lahat ng mga ito sa loob ng bahay at aalis na tayo.” “Si-sige po.” Pinulot niya ang lahat ng paper bags at bumalik sa loob ng bahay. Dinala iyon lahat ni Maureen sa kanyang kuwarto. Pagbalik niya sa labas ay nagulat siya nang makitang nanghihina ang kanyang Lola. Malapit na itong matumba. Tumakbo si Maureen at inilalayan ang matanda. “Okay lang po ba kayo?”  “O-oo,” nanghihina nitong wika. “Huwag mo akong intindihin. Pumunta na tayo sa eskwelahan dahil hindi na ako makapaghintay na mabigyan ka ng medalya.” “Si-sige po.” Kaagad na nagdalawang isip si Maureen. Paano kung may mangyari sa kanyang Lola roon? Mabuti na lamang ay mayroong dumaan na tricycle sa harap ng kanilang bahay. Muntik na silang hindi pasakayin nito. Mabuti na lamang at pumayag dahil sa pakiusap ng kanyang Lola Belen. Kabadong-kabado si Maureen habang nakaupo siya sa hanay ng mga magtatapos. Hindi sila magkatabi ng kanyang Lola dahil iba ang upuan ng mga magulang na dadalo. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya ito. Magpahanggang ngayon ay nanghihina pa ang matanda. Mula sa kanyang kinauupuan ay natatanaw niya ang malalim na paghinga ng matanda.  Oras na para isa-isa na silang pumunta sa taas ng entablado. Nakalinya na sila at pati ang mga magulang na magsasabit niyon. Masaya si Maureen dahil totoong-totoo na ito. Nakikita niya rin ang saya sa kanyang Lola Belen. Ngunit paminsan-minsan ay napapaikit ng mga mata ang matanda. Gusto nang lapitan ni Maureen ang kanyang Lola ngunit hindi puwede. Nakaayos na ang kanilang linya. Maging ang sa kanilang mga magulang rin.  Nang tawagin na ang kanyang pangalan ay mabilis siyang umakyat sa itaas ng entablado. Tiningnan niya ang kanyang Lola na papaakyat. Ngunit. Hindi paman ito nakahakbang sa hagdanan ay bigla itong natumba.  “Lola!” mabilis siyang bumaba. Halos talunin na ni Maureen ang mataas na hagdanan para lang malapitan ang kanyang Lola Belen.  “Lola! Gumising po kayo!” Itinaas ni Maureen ang ulo ng kanyang Lola. Tinapik-tapik nito ang pisngi ngunit hindi ito gumising. “Tulong! Potang ina! Bakit nakatingin lang kayong lahat.” May mga lumapit sa kanila. Kinuha nito ang kanyang Lola at nagmamadaling inilabas sa venue para madala sa ospital. Bago paman sumunod si Maureen ay napatingin siya sa guro na siyang magbibigay ng medalya. Umakyat siya muli sa entablado at tumakbo papalapit. “Akin na po ang medalya!” inagaw iyon ni Maureen at isinuot. “Graduate na ako,” maluha-luha niyang wika at sumunod na palabas. Hindi maintindihan ni Maureen ang kanyang nararamdaman. Halos hihimatayin na siya sa sobrang kaba. Namumutla na ang labi ng kanyang Lola Belen at hindi ito humihinga.  “Mabubuhay paba ang aking Lola, Sir?” tanong niya sa gurong sumama sa kanila. Nararamdaman niya ang mabilis na pagpapatakbo ng ambulansya.  “Hindi ko alam, hija. Ang mabuti pa ay humingi ka nalang ng tawad sa kanya ngayon baka hindi na magawang mapabuhay ng mga doktor ang iyong, Lola.” “Bakit po ako humingi ng tawad, Sir? Hindi naman ako ang pumatay sa kanya,” mangiyak-ngiyak kang wika.  Napakamot ng batok ang guro, “ang ibig kong sabihin ko hija at baka may nagawa kang mali na kanyang ikinasama ng loob noon. Iyong mga pagkakamali mo sa kanya. Humingi ka ng tawad.” “Ganoon po ba yon, Sir?” “Oo para tumahimik ang kanyang kaluluwa.” Mas lalo pang umiyak si Maureen nang hawakan niya ang kamay ng kanyang Lola Belen. Sobrang lamig na ng kamay nito at malayo pa sila sa ospital! “Lola, lumaban po kayo. Wala na po akong ibang makakasama sa bahay. Lola, kung may mga pagkakamali ako sainyo ay inyo akong patawarin. Aaminin ko pong naging matigas ang aking ulo pero gusto ko lang pong maglambing sainyo. Lola, huwag niyo po akong iiwan!” Pagdating nila ng ospital ay kaagad na ipinasok sa emergency room ang kanyang Lola Belen. Kinakabahan si Maureen at labis ang kanyang pagdadasal. “Diyos ko… hindi tayo close pero nagsusumamo ako sainyo. Iligtas niyo ang aking Lola Belen.  Iligtas niyo po siya sa kapahamakan dahil kayo lang po ang may kakayahang gumawa no’n. Huwag niyo po muna siyang kunin sa akin dahil marami pa akong pangarap kay Lola Belen.” Hindi tumigil si Maureen sa pagdadasal. Hanggang sa lumabas na ang doktor at ibang nurse sa emergency room. Sa mukha palang ng doktor at mga kasama nito ay alam na niya ang sagot sa kanyang magiging tanong. Humagulhol ng iyak si Maureen at pumasok sa loob. Doon ay nakahiga ang kanyang Lola Belen. Mas lalo pang namumutla ang labi nito at sobrang lamig na ng katawan. Halos durugin ng sakit at lungkot ang kanyang puso. Hindi niya kayang makita ang matanda ngunit ito ang reyalidad na dapat niyang kaharapin. “Ang daya mo naman, Lola. Bakit sa graduation ko pa? Hindi ba sana ay magiging masaya tayo ngayon?” Niyakap ni Maureen ang katawan ng matanda. Mas lalo pa siyang nag-iiyak. Mag-isa na rin siya ngayon! “Hindi pa natin matukoy kung ano ang ikinamatay ng pasyente dahil wala na itong buhay nang dumating kayo rito. Kung gusto mo ay magkakaroon pa tayo ng masusing laboratory test upang matukoy natin ang kanyang ikinamatay.” Napahinto sa pag-iyak si Maureen at tiningnan kung sino ang nagsalita. Ang doktor. Bumalik ito sa loob nang pumasok siya. “Libre lang po ba?” “May bayad siyempre ngunit mas maganda kung malalaman natin.” “Wala na iyong saysay, Doktor. Patay na ang Lola Belen ko. At kahit na malaman natin kung ano ang ikinamatay niya ay hindi na maibabalik ang kanyang buhay.” “Naiintindihan kita, Hija.” Yumuko lang ang doktor at mas binigyan pa siya ng mahaba-habang panahon ng pagdadalamhati. Mayroong mga pumasok sa silid. Kinuha ng mga ito ang katawan ng Lola Belen ni Margaux. Kailangan pa niyang maghintay ng ilang oras dahil i-imbalsamo na ang matanda. Sobrang nangungulila si Maureen sa nangyari. Pakiramdam niya ay pasan niya ang buong mundo sa bigat ng kanyang nararamdaman.  Kamakailan lang ay napag-usapan nila ang kamatayan nito. At ngayon, tila nagkakatotoo ito. Ayaw niyang isipin na malas talaga siya ngunit iyon ang bagay na paulit-ulit na lumalabas sa  kanyang isipan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD